X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunas

11 min read
Sakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunasSakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunas

Ang sakit sa lalamunan ay maaaring sanhi ng viral infection o tonsillitis. Isa sa maaaring home remedy dito ay pag-inom ng maraming tubig.

Ang pananakit ng lalamunan sa paglunok ay pangkaraniwan na nararamdaman ng sino man. Anuman ang iyong edad, maaari mong maramdaman ang masakit na paglunok.

Ngunit, may iba’t ibang dahilan kung bakit nararamdaman ang sintomas na ito. Karaniwan, ang sakit sa lalamunan na may kasamang pananakit ay dahil sa impeksiyon o allergic reaction. Kung malala ang sakit na nararamdaman, magpakonsulta sa duktor.

Mayroong tatlong uri ng pananakit ng lalamunan na nakabase sa bahagi ng lalamunan na naapektuhan.

  • Pharyngistis. Ang apektadong bahagi nito ay ang likod ng bibig
  • Tonsilitis. Ito ang pamamaga at pamumula ng tonsils o ang manipis na tissue sa likod ng bibig.
  • Laryngitis. Pamamaga at pamumula ng voice box o larynx.

Talaan ng Nilalaman

  • Mga sanhi
  • Mga posibleng komplikasyon
  • Sintomas ng impeksiyon
  • Pagsusuri sa sanhi ng sakit sa paglunok
  • Mga lunas sa sakit sa lalamunan
  • Madaliang remedyo
  • Mga maaaring inumin upang maibsan ang pananakit ng lalamunan
  • Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng masakit na lalamunan
  • Kailan dapat kumonsulta sa duktor?

Mga sanhi

1. Sipon, trangkaso, at iba pang impeksyon dahil sa virus

Ang virus ang 90% na dahilan ng pananakit ng lalamunan. Ang mga virus na maaaring magdulot ng pananakit ng lalamunan ay:

  • Common cold
  • Influenza o tinatawag ding the flu
  • Mononucleosis, isang sakit na dahil sa impeksyon na napapasa sa pamamagitan ng laway
  • Measles o tigdas, sakit na nagdudulot ng rashes at lagnat
  • Chickenpox o bulutong, isang impeksyon na nagdudulot ng lagnat at makati na mga bukol na rashes
  • Mumps, isang impeksyon na nagdudulot ng pamamaga sa salivary glands sa leeg

2. Strep throat at iba pang impeksyon dahil sa bacteria

Ang mgaimpeksyon dahil sa bacteria ay maaari ding magdulot ng pananakit ng lalamunan. Pinakakaraniwan ay tinatawag na strep throat, impeksyon sa lalamunan at tonsils dahil sa group A Streptococcus bacteria.

Ang strep throat ay nagdudulot ng halos 40% ng pananakit ng lalamunan sa mga bata. Tonsilitis at sexually transmitted infections tulad ng gonorrhea at chlamydia ay maaari ring magdulot ng pananakit ng lalamunan.

Ang mga taong may strep throat ay maaaring makaranas ng:

  • Pamamaga, mahapding lymph nodes sa isa o parehas na bahagi ng leeg
  • Pananakit ng soft palate
  • Red spots sa soft palate
  • Lagnat
  • White patches sa tonsils

3. Allergy

Kapag ang immune system ay tumutugon sa allergy tulad ng pollen, damo, balat ng alagang hayop, naglalabas ito ng mga kemikal na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng pagbabara ng ilong, pagluluha ng mata, sneezing, at throat irritation.

Ang sobrang mucus sa ilong ay maaaaring bumaba sa lalamunan. Ang tawag dito ay tinatawag na postnasal drip at magdulot ng pagiging iritable ng lalamunan.

4. Dry air o tuyong hangin

Ang dry air ay maaaring sumipsip ng moisture mula sa bibig at lalamunan, at magkakaroon ng pakiramdam na tuyot at nangangati ang lalamunan. Ito ay kadlasang nangyayari kapag malamig ang panahon.

5. Usok, kemikal, at iba pang bagay na maaaring maging iritable ang lalamunan

Ang iba’t ibang kemikal at substances sa iyong paligid na magdudulot ng iritasyon sa lalamunan ay kinabibilangan ng:

  • Sigarilyo at usok nito
  • Polusyon sa hangin
  • Mga produktong panlinis at iba pang kemikal

6. Injury o pinsala sa katawan

Ang anumang injury na tumama sa leeg ay maaaring magdulot ng pananakit sa lalamunan. Ang pagkakaroon ng pagkain na na-stuck sa iyong lalamunan ay maaari ring magdulot ng pagiging iritable.

7. Gastroesophageal reflux disease (GERD)

Ang Gastroesophageal reflux disease (GERD) ay isang kondisyon kung saan ang acid sa tiyan ay umaangat sa esophagus o ang tubo na nagdadala ng pagkain sa tiyan.

Ang acid ay sinusunog esophagus at lalamunan na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng heartburn at acid reflux.

8. Tumor

Ang tumor sa lalamunan, voice box, o dila ay hindi karaniwang sanhi ng pananakit ng lalamunan. Kapag ang pananakit ng lalamunan ay senyales ng cancer, hindi ito mawawala sa loob ng ilang araw.

9. Tonsilitis

Ang tonsilitis ay isang impeksyon at pamamaga ng tonsils o ang dalawang lymph nodes sa likod ng lalamunan. Ang tonsilitis ay isa sa mga kadalasang dahilan ng masakit na lalamunan.

Isang nakakahawang kondisyon ang tonsilitis. Ang viruses o bacterial infections tulad ng strep throat ay maaaring magdulot ng tonsilitis.

Kung ang hirap sa paglunok ay dulot ng tonsilitis, mapapansin ng mga taong mayroon nito ang mga sintomas tulad ng:

  • Namamagang tonsils
  • Puti o dilaw na spots sa tonsils
  • Mabahong hininga
  • Masakit na panga o leeg
  • Lagnat

10. Epiglotittis

Itp ay isang impeksyon sa lalamunan na nagdudulot ng pamamaga ng epiglottism o ang flap sa likod ng lalamunan na iniiwas ang pagkain sa pagbaba sa windpipe.

Maliban sa pananakit ng lalamunan sa paglunok, ang iba pang kadalasang sintomas nito ay:

  • Nahihirapang lumunok o tinatawag ding dysphagia
  • Mataas na lagnat
  • Paglalaway
  • Mas gustong na naka-lean forward

11. Yeast infection

Ang yeast infection sa bibig, lalamunan, o food pipe na maaari ding humantong sa pananakit sa paglunok. Isang uri ang yeast ng fungus na maaaring dumami nang hindi nakokontrol kapag ang kondisyon sa loob ng katawan ay nagbabago sa paraan na nagpo-promote ng paglaki ng yeast.

Ang bacteria na tinatawag na Candida na kadalasang nagdudulot ng yeast infection. Iba pang sintomas nito ay kinabibilangan ng:

  • Pagkawala ng panlasa
  • White patches sa dila
  • Pamumula ng mga sulok ng bibig

12. Esophagitis

Ito ay ang pamamaga ng esophagus o ang food pipe na nagdadala ng pagkain at tubig mula sa bibig hanggang sa tiyan.

Maliban sa masakit na paglunok, ang iba pang sintomas nito ay kinabibilangan ng:

Partner Stories
Lamang ang anak ko: Raising smarter, stronger children with the New and Improved Lactum 3+
Lamang ang anak ko: Raising smarter, stronger children with the New and Improved Lactum 3+
What does it mean when you have scoliosis?: MakatiMed’s Department of Orthopedics answers the question
What does it mean when you have scoliosis?: MakatiMed’s Department of Orthopedics answers the question
Grab releases digital-first GrabPay Card in the Philippines powered by Mastercard
Grab releases digital-first GrabPay Card in the Philippines powered by Mastercard
Del Monte Kitchenomics: Recipes and Cooking Inspirations from the Heart to the Palm of your Hands
Del Monte Kitchenomics: Recipes and Cooking Inspirations from the Heart to the Palm of your Hands
  • Pananakit ng dibdib
  • Sakit ng tiyan
  • Paos na boses
  • Ubo
  • Heartburn
  • Nausea

Mga posibleng komplikasyon

Kapag lumala at hindi agad nabigyang lunas ang sakit sa lalamunan, maaari itong maging sanhi ng iba’t ibang komplikasyon tulad ng:

  • Impeksiyon sa baga
  • Paglala ng mga bacterial o viral infections
  • Panandalian o pang-habangbuhay na pagka-wala ng panlasa
  • Pagalala ng pamamaga ng lymph nodes sa leeg

Sakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunas

Sintomas ng impeksiyon

Kung mayroong impeksiyon na dala ang sakit sa lalamunan, maaaring maramdaman ang mga sumusunod na sintomas:

  • Lagnat
  • Panginginig
  • Sakit ng ulo
  • Tuyong pag-ubo
  • Pagpapawis
  • Pamamaga ng tonsils
  • Pangangati ng lalamunan
  • Iritableng lalamunan

Iba pang sintomas na maaaring kasama ng sore throat o pananakit ng lalamunan ay kinabibilangan ng:

  • Nasal congestion
  • Malalang sipon
  • Pag-hatsing
  • Namamagang glands sa leeg
  • Paos na boses
  • Pananakit ng katawan 
  • Pananakit ng ulo
  • Nahihirapang lumunok
  • Walang gana kumain

BASAHIN: 

Sintomas, sanhi, at gamot sa makating lalamunan at dry cough

10 home at natural remedies sa sakit ng ngipin

Sakit ng ulo: Mga gamot para maibsan ang headache

ano ang strep throat infection

Image from Freepix

Pagsusuri sa sanhi ng sakit sa paglunok

Kung ang pisikal na pagsusuri ng duktor ay hindi sapat upang matukoy ang sanhi ng sakit sa lalamunan, maaaring isagawa ang mga sumusunod na tests:

  • Complete Blood Count – Binibilang ng pagsusuri na ito ang dami ng iba’t ibang cells sa dugo ng tao. Sa pamamagitan nito, matutukoy ng mga doktor kung may impeksiyon na sanhi ng virus o bacteria.
  • MRI o CT Scan – Makikita ng doktor kung may kakaiba sa lalamunan ng sinusuri. makikita rin dito kung may mga tumor sa lalamunan.
  • Throat Swab Culture – Kukuha ng sipon mula sa likod ng lalamunan at susuriin upang makita kung may mga organisms na maaaring nagdudulot ng impeksiyon.
  • Sputum Culture – Kukuga ng plema upang suriin kung may mga organisms sa lalamunan.
  • Barium Swallow Test – Papa-inumin ng Barium ang pasyente at kukuhanan ng X-Ray ang pag-lunok nito. Sa pamamagitan nito, makikita ng mga duktor kung ang pagkain at inumin ay dumadaloy nang maayos sa katawan ng tao.
gamot sa makating lalamunan

Image source: Shutterstock

Mga lunas sa sakit sa lalamunan

Iba-iba ang lunas sa sakit sa lalamunan depende sa matatagpuan na sanhi nito. Kadalasan ay magrereseta ang duktor ng antibiotics upang mabigyang lunas ang impeksiyon sa lalamunan, tonsils o esophagus.

Maaari rin magreseta ng mouthwash o spray na magpapamanhid sa lalamunan upang matulungan ang mga pasyente na nahihirapan sa paglunok ng mga gamot na tutulong sa paglunas sa sakit.

Kung ang sakit sa lalamunan ay dala ng pabalik-balik na tonsillitis o kaya naman hindi na naaapektuhan ng gamot ang paglunas sa tonsillitis, maaaring irekomenda ng duktor na tanggalin na ang tonsils ng pasyente.

Madaliang remedyo

Kung ang pamamaga sa esophagus ay dulot ng acid reflux, maaaring bumili ng antacids mula sa mga drugstore upang mabawasan ang pamamaga. Pero kung pabalik-balik ang acid reflux, maaaring magrekumenda ng gamot para dito ang duktor.

Iba pang madaliang remedy para sa masakit na paglunok:

  1. Madalas na pag-inom ng tubig.
  2. Magmumog ng 8 ounces na tubig na may halong 1 teaspoon ng asin upang mabawasan ang pamamaga at sakit ng lalamunan.
  3. Humigop ng mainit na inumin.
  4. Iwasan ang mga maaaring maka pagpalala ng sakit ng lalamunan tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng may chemicals.
  5. Gumamit ng humidifier.
  6. Uminom ng maligamgam na tubig o sabaw na makakagaan sa pakiramdam ng iyong lalamunan, tulad ng mainit na tsaa na may honey, soup broth, o maligamgam na tubig na may lemon. Ang mga herbal teas ay kadalasang epektibo upang maibsan ang pananakit ng lalamunan.
  7. Maaari ring lamigan ang iyong lalamunan sa pamamagitan ng pagkain ng malalamig na pagkain tulad ng popsicle o ice cream.
  8. Sumipsip ng matigas na candy o lozenge.
  9. Ipahinga ang iyong boses hanggang sa gumaan ang pakiramdam ng iyong lalamunan.
  10. Uminom ng anti-inflammatories. Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medications (NSAIDs) ay maaaring makabawas sa pamamaga at pananakit ng bibig, lalamunan, at food pipe, upang mapadali at mabawasan ang pananakit ng paglunok.
  11. Uminom ng mga over-the-counter (OTC) antacids ay epektibo upang mabawasan ang pananakit na dulot ng acid reflux.
  12. Maaaring gumamit throat sprays dahil nakakapagpamanhid ito ng lalamunan at mabawasan ang pananakit ng lalamunan.
  13. Uminom ng vitamin C supplements kapag ang tao ay nakakaramdam ng sobrang stress

Mga maaaring inumin upang maibsan ang pananakit ng lalamunan

Ang pag-inom ng mga maligamgam na inumin ay nakakatulong para maibsan ang pananakit ng lalamunan. Ilan sa mga maaaring inumin bilang home remedy ng mga taong nakakaranas ng masakit na lalamunan ay kinabibilangan ng:

  • Maligamgam na tubig na may lemon o kaya tubig na may honey. Tandaan lamang na huwag ibigay ang honey sa mga sanggol na wala pang 12 buwan ang edad.
  • Ginger tea
  • Green tea

Ayon sa isang pag-aaral noong 2019, ang ilan sa mga herbal tea ay nakakatulong na mapamahalaan ang mga sintomas ng pharyngitis na dulot ng strep throat. Ang mga tsaang ito ay kinabibilangan ng:

  • Licorice
  • Barberry
  • Thyme
  • Oregano

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng masakit na lalamunan

  • Maghugas palagi ng kamay lalo na pagkatapos suminga at umubo.
  • Gumamit ng alcohol-based sanitizer kapag walang tubig at sabon.
  • Gumamit ng tissue kapag uuno o sisinga, itapon agad ang tissue, at maglinis ng kamay.
  • Iwasan ang paghawak sa ilong at bibig.
  • Iwasan ang close contact sa mga tao na may impeksyon, at umiwas din sa ibang tao kapag ikaw ay may impeksyon.
  • I-disinfect ang mga lugar na madalas nahahawakan.
  • Magkaroon at sundin ang diet at exercise na makakatulong na i-boost ang pangkabuoang kalusugan.
  • Magpakonsulta o magpatest para sa COVID-19 kung sa tingin mo ito ay sintomas na ng SARS-CoV-2 infection.

Kailan dapat kumonsulta sa duktor?

Para sa mga bata, tawagan ang mga pedyatrisyan kung ang sakit sa lalamunan ay may kasamang:

  • Hirap sa paghinga
  • Hirap sa paglunok
  • Paglalaway
  • Pamamaga ng lalamunan

Sa mga nakaka-tanda, pumunta agad sa hospital kung nararanasan ang mga sintomas na sumusunod:

  • Hirap ibuka ang bibig
  • Hirap sa paglunok
  • Patuloy na paglala ng sakit nsa lalamunan
  • Hirap sa paghinga
  • Dugo kasama ng pag-ubo
  • Sintomas na tumatagal nang mahigit isang linggo
  • Pagkawala ng boses nang mahigit dalawang lingo
  • Pananakit ng mga kasu-kasuhan
  • Bukol sa leeg
  • Pagpapantal

Maaaring gawin ang mga remedy sa bahay o uminom ng mga gamot na hindi kailangan ng reseta upang makatulong sa paglunok. Marami ang napapagaling ang sakit sa paglunok sa ganitong paraan lamang. Kapag lumala o tumagal pa ang pananakit, magpasuri na sa duktor.

Magpa-konsulta rin kung may iba pang sintomas na nararamdaman.

 

Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas

Healthline, WebMD, Medical News Today

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Sakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunas
Share:
  • Lahat ng kailangang malaman tungkol sa nana sa lalamunan

    Lahat ng kailangang malaman tungkol sa nana sa lalamunan

  • Anu-ano ba ang mga posibleng sintomas ng sakit sa mga bata?

    Anu-ano ba ang mga posibleng sintomas ng sakit sa mga bata?

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Lahat ng kailangang malaman tungkol sa nana sa lalamunan

    Lahat ng kailangang malaman tungkol sa nana sa lalamunan

  • Anu-ano ba ang mga posibleng sintomas ng sakit sa mga bata?

    Anu-ano ba ang mga posibleng sintomas ng sakit sa mga bata?

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.