X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga

7 min read
Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamagaTonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga

Masakit ba ang lalamunan ng iyong anak? Nahihirapan ba siyang lumunok? Alamin kung ano ang sanhi, sintomas, at maaaring gamot sa tonsil na namamaga.

Masakit ba ang lalamunan ng iyong anak? Nahihirapan ba siyang lumunok? Alamin kung ano ang sanhi, sintomas, at maaaring gamot sa tonsillitis.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Sanhi at sintomas ng tonsilitis
  • Gamot sa tonsil home remedies
  • Paano maiwasan ang tonsilitis?

Talaan ng Nilalaman

  • Tonsils
  • Sanhi ng tonsilitis
  • Sintomas ng tonsilitis
  • Sino ang may mataas na tiyansa na magkaroon ng tonsillitis?
  • Gamot sa tonsillitis: Bacterial infection
  • Gamot sa tonsillitis: Viral infection
  • Gamot sa tonsillitis home remedies
  • Paano maiwasan ang tonsilitis?
  • Kailan dapat pumunta sa doktor?

Tonsils

Ang tonsils ay ang dalawang oval-shaped na tissue sa magkabilang gilid ng likuran ng lalamunan. Mayroong tonsilitis ang iyong anak kung namamaga ang kanyang tonsils.

gamot-sa-tonsillitis

Gamot sa tonsil | Image: Mayo Clinic

Para masiguro kung may tonsilitis ang iyong anak, kumuha ng kutsara at ilagay ang hawakan nito sa kanyang dila at ipasabi sa anak ang “Aaaaah.”

Ilawan ang lalamunan. Kung mapula at namamaga ang kanyang tonsil, kumonsulta na sa inyong doktor.

Huwag pilitin ang anak kung ayaw niyang ipa-check sa iyo ang kanyang lalamunan.

Sanhi ng tonsilitis

Kadalasan ay viral infection ang dahilan nag pagkakaroon ng tonsilitis, ngunit may ilang kaso rin na bacterial infection ang sanhi nito.

Dahil ang gamot sa tonsil na namamaga ay batay sa sanhi nito, pinakamainam na kumonsulta sa doktor. Ang pinakakaraniwang bacterium na nagdudulot ng tonsillitis ay ang streptococcus pyogenes. May ilan din na strain ng bacteria na nagdudulot ng tonsillitis.

BASAHIN:

Lahat ng kailangang malaman tungkol sa nana sa lalamunan

Lymphangitis symptoms: Ano ang mga dapat tandaan?

Diphtheria: Sanhi, sintomas, gamot at paano makaiwas sa sakit na ito

Sintomas ng tonsilitis

Ang mga batang nasa pagitan ng pre-school age at mid-teenage years ang kadalasang nagkakaroon ng tonsilitis.

Kabilang sa mga sintomas nito ay:

  • Mapula at namamagang tonsils
  • Puti o dilaw na balot o patse-patse sa tonsils
  • Sore throat
  • Hirap at masakit na paglunok
  • Lagnat
  • Tender na lymph nodes sa gilid ng leeg
  • Mabahong hininga
  • Sakit ng tiyan (lalo na sa mga bata)
  • Stiff neck
  • Sakit ng ulo

Tumawag agad sa doktor kung hindi pa humuhupa ang sakit ng lalamunan sa loob ng 24 hanggang 48 oras, nahihirapang lumunok, o labis na nanghihina at hindi mapakali ang iyong anak.

Humanap agad ng lunas kung hindi makahinga, hindi makalunok, o naglalaway ang iyong anak.

Sino ang may mataas na tiyansa na magkaroon ng tonsillitis?

Ilan sa mga mayroong tiyansa na magkaroon ng tonsillitis ay ang mga sumusunod:

  • Mga bata na may edad 5 taong gulang hanggang 15 taong gulang.
  • Mataas din ang tiyansa na magkaroon ng tonsillitis sa mga taong may madalas na exposure sa germs. Katulad na lamang ng mga school-age na bata na mayroong close contact sa kanilang mga peers, na maaaring mayroong virus at bacteria na nakakapagdulot ng tonsillitis.
gamot-sa-tonsillitis

Gamot sa tonsil | Image from Freepik

Gamot sa tonsillitis: Bacterial infection

Kung bacterial infection gaya ng strep naman ang sanhi, kadalasang magrereseta ang doktor ng antiobiotic para sa sampung araw. Tiyaking makumpleto ang pag-inom ng gamot sa tonsil na namamaga.

Kung hindi maagapan, ang strep ay maaaring mauwi sa abscess, o kaya naman ay ang kondisyon sa puso na rheumatic fever.

Gamot sa tonsillitis: Viral infection

Kung viral infection naman ang dahilan ng tonsilitis, kailangan lang pahupain ang sintomas upang guminhawa ang pakiramdam.

Maaaring i-rekomenda ng doktor bilang gamot sa masakit na lalamunan ang acetaminophen o ibuprofen.

Huwag bigyan ng aspirin ang mga bata, dahil ito ay nai-link sa Reye’s syndrome, isang life-threatening condition.

Makakatulong ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin, tatlong beses isang araw.

Kung may abscess naman o nana sa iyong tonsil, baka kailanganing pumunta sa ear, nose, and throat (ENT) doctor upang mas masuri at ma-drain ang nana kung kailangan.

Partner Stories
Fitbit Announces Fitbit Ace 3™, Next Generation Activity and Sleep Tracker for Kids, Encourages a Healthy Lifestyle by Making Fitness Fun
Fitbit Announces Fitbit Ace 3™, Next Generation Activity and Sleep Tracker for Kids, Encourages a Healthy Lifestyle by Making Fitness Fun
9 tips to help you protect your kids from germs this rainy season
9 tips to help you protect your kids from germs this rainy season
Show Your Real Love with these Amazing Bonding Times with Your Little One
Show Your Real Love with these Amazing Bonding Times with Your Little One
Beginning of Lent: Ash Wednesday Mass Schedules at Megaworld Lifestyle Malls
Beginning of Lent: Ash Wednesday Mass Schedules at Megaworld Lifestyle Malls

Ang madalas na pagkakaroon ng tonsilitis ay maaaring makaapekto sa buong kalusugan ng iyong anak, pati na rin sa kanyang pagpasok sa eskuwela, magdulot ng problema sa paghinga gaya ng paghihilik, at labis na hirap sa paglunok.

Sa mga ganitong kaso, maaaring irekomenda ng doktor ang tonsilectomy, ang pagtanggal sa tonsils. Ang tonsilectomy bilang permanenteng gamot sa tonsil na namamaga, ay isa sa pinakamadalas na gawing procedure sa mga bata.

gamot-sa-tonsillitis

Gamot sa tonsil | Image from Freepik

Gamot sa tonsillitis home remedies

Maraming mga gamot sa masakit na lalamunan ang maaring i-rekomenda ng iyong doktor. Pero kung hindi kaagad makapagpa-konsulta, narito ang ilang home remedies na maaari mong subukan:

  • Magmumog ng tubig na may asin. Ang pagmumumog ng tubig na may asin ay makakatulong upang maibsan ang pananakit ng lalamunan sanhi ng tonsillitis. Maaari ring mabawasan ang inflammation o pamamaga ng tonsils at nakakatulong din ito para gamutin ang mga impeksyon.
  • Uminom ng maligamgam na tsaa na may kasamang raw honey. Ang pag-inom ng tsaa at sinamahan pa ng raw honey ay makakatulong din para maibsan ang discomfort na nararamdaman sa lalamunan. Mayroon kasing antibacterial properties ang raw honey na maaaring makatulong upang magamot ang tonsillitis. Maaari ring gumawa ng ginger tea, dahil makakatulong din ito dahil may taglay itong anti-inflammatory property.
  • Uminom ng tubig na may yelo o kumain ng ice cream na hindi gaanong matamis. Ang pag-inom ng malamig na tubig ay maaari ring maging epektibo para sa pananakit, inflammation, at swelling lalo na kung mayroong tonsillitis.
  • Maglagay ng humidifier sa kwarto, kailangan na cool-mist ito. Makakatulong ang paglalagay ng humidifiers upang ma-relieve ang sore throat, lalo na kung ang hangin ay dry. O kung nakakaranas ka ng dry mouth sanhi ng pagkakaroon ng tonsillitis. Ang dry air ay maaaring makapagpa-irritate sa lalamunan at makakatulong ang humidifier dito upang mabalik ang moisture sa lalamunan.

Paano maiwasan ang tonsilitis?

Ang paghuhugas ng kamay ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus at bacteria na sanhi ng tonsilitis. Iwasan ding makisalamuha sa mga taong mayroong strep throat, lalo na yung mga hindi nakainom ng kanilang antibiotic sa loob ng 24 oras.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Mayroong mga partikular na sintomas na kapag napansin mo na ay kinakailangan mo nang pumunta sa isang doktor para magpatingin. Sapagkat baka kinakailangan mo nang uminom ng antibiotics para tuluyan ka nang gumaling.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng lagnat
  • Patuloy na pagkakaroon ng sore o scratchy na lalamunan na hindi umaalis pagkalipas ng 24 oras hanggang 48 oras.
  • May sakit na nararamdaman sa paglunok, o nahihirapang makalunok
  • Pagkakaroon ng fatigue
  • Para naman sa mga infants at mga bata, kapag nakaranas na sila ng fussiness ay mainam na magpatingin na rin sa doktor.
  • Pagkakaroon ng swollen o namamagang lymph nodes.

Ang mga sintomas na ito ay maaaring indikasyon na ng pagkakaroon ng isang bacterial infection. Dahil rito kinakailangan na gamutin ito sa pamamagitan ng mga antibiotic na irereseta ng iyong doktor.

Hindi naman mahirap gamutin ang tonsillitis. Ang mga tonsillitis na dulot virus ay nagagamot na pagkatapos ng 7 hanggang 10 araw. Samahan pa ito ng pag-inom ng maraming tubig at pahinga.

Ang bacterial tonsillitis naman ay maaari ring mawala at magamot ng isang linggo o pitong araw, lalo na kung nakainom na ng antibiotic laban dito.

Tandaan na napakahalaga ng pag-inom ng maraming tubig kapag nakakaranas ka ng mga sintomas nito. Sapagkat nakakatulong ito upang mabilis na makarekober ang iyong katawan at mawala ang tonsillitis.

 

WebMD, Mayo Clinic, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Romy Peña Cruz

Maging Contributor

Inedit ni:

Candice Lim Venturanza

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga
Share:
  • Girl has 'exorcist syndrome' due to recurring tonsil infection

    Girl has 'exorcist syndrome' due to recurring tonsil infection

  • Makating lalamunan? 7 na maaaring gawin kapag nakakaranas nito

    Makating lalamunan? 7 na maaaring gawin kapag nakakaranas nito

  • Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

    Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Girl has 'exorcist syndrome' due to recurring tonsil infection

    Girl has 'exorcist syndrome' due to recurring tonsil infection

  • Makating lalamunan? 7 na maaaring gawin kapag nakakaranas nito

    Makating lalamunan? 7 na maaaring gawin kapag nakakaranas nito

  • Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

    Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.