Paano palakasin ang immune system at ano ang mga pagkain na pampalakas ng resistensya? Narito ang mga pagkain na dapat idagdag sa diet ng inyong pamilya.
Sa panahong ito, bawal magkasakit. Ramdam na ramdam natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malakas at malusog na katawan at makaiwas sa mga sakit. Kaya naman bilang magulang, ginagawa natin lahat ng paraan upang masigurong hindi magkakasakit ang ating mga anak.
Pero alam mo ba na bukod sa pag-iingat sa ating mga anak, ang isang paraan upang makaiwas sa mga sakit ay ang pagpapalakas ng ating resistensiya o immune system.
Paano palakasin ang immune system?
Ang ating immune system ang bahagi ng ating katawan na lumalaban sa mga “outside invaders” tulad ng bacteria, viruses, fungi, and toxins. Binubuo ito ng iba’t ibang organs, cells at protein na nagtutulungan para bigyan ng proteksyon ang iyong katawan.
Kapag mahina ang immune system ng isang tao, mas mabilis siyang mahawa ng iba’t ibang sakit, kaya naman lubos na pinag-iingat ang mga taong may mga immune system disorders.
Paniniwala ng marami, para mapalakas ang ating immune system, kailangang uminom tayo ng vitamin supplements araw-araw. Pero ayon sa Healthline, wala pang gamot o vitamin supplement na naimbento na talagang epektibo para makaiwas sa anumang uri ng sakit.
Upang mapalakas ang ating resistensya, mahalaga talaga na magkaroon ng tamang diet, sapat na tulog at pahinga, pati na rin ang pag-eehersisyo.
Para naman kay Dra. Maria Theresa Jimenez, isang pediatrician mula sa Delos Santos Medical Center sa Quezon City, ang unang paraan kung paano palakasin ang immune system ay ang pagkain ng mga pagkaing healthy sa ating tiyan o mga prebiotics. Dahil kapag healthy daw ang tiyan ay healthy rin ang immunity ng isang tao.
“With the improvement of your gut health you are also improving your immunity kasi the gut is the biggest immune system iyan na ‘yong pinakamalaking immune system compare to the skin.”
Dagdag pa ni Dra. Jimenez, ang mga prebiotics na tinutukoy niya ay hindi lamang para sa digestion. Karamihan nga raw sa mga prebiotics na kailangan ng ating tiyan ay makukuha sa mga gulay na siya ring pinagmumulan ng iba’t-ibang nutrients na kailangan ng ating katawan.
“May mga food na rich in prebiotics like broccoli and other vegetables. They are the ones, though not entirely, but can help to improve your gut health,” aniya.
Dapat din daw tigilan ang pagkain ng mga sweets dahil pinapahina daw nito ang immune system ng katawan.
“Tama ‘yong hindi pagkain ng sweets kasi that can really decrease the immunity ng immune system natin. Kasi humihina ‘yong mga barriers ng katawan natin para hindi pumasok ‘yong mga viruses na common ngayon.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Dra. Jimenez.
Pero ano nga ba ang mga pagkaing pampalakas ng resistensya at immune system ng ating katawan?
Mga pagkaing pampalakas ng immune system
Pag usapin ng kung paano palakasin ang immune system, siyempre, hindi mawawala ang mga pagkaing pampalakas ng resistensya at immune system. Isa ito sa mga paraan ng pagpapatibay ng ating katawan laban sa anomang karamdaman at sakit.
Ang pagkain ng malusog at pagpili ng mga tamang pagkain ang mabisang paraan kung paano palakasin ang immune system. Kinakailangan dito ang pagpapakonsulta sa physician para mabigyan ng tamang payo sa pagpili ng mga pagkaing pampalakas ng immune system.
Bukod sa mga prebiotics, narito ang mga pagkain na makakatulong para lumakas ang ating resistensiya.
1. Citrus fruits
Ang mga citrus fruits tulad ng dalandan, oranges at kalamansi ay magandang source ng vitamin C. Ito ang vitamins na nagpapataas ng produksyon ng white blood cells sa katawan na kailangan natin para labanan ang mga infections at mga sakit.
Sa katunayan, may mga pag-aaral na nagsasabing kapag ang isang tao ay may sapat na dosage ng vitamin C sa kaniyang katawan, napapaiksi nito ang haba ng pagkakaroon ng sipon at nagiging banayad lang ang mga sintomas nito. Isa ito sa mga mabisang paraan kung paano palakasin ang immune system.
Paano palakasin ang immune system | Image from Unsplash
2. Red bell pepper
Maliban sa citrus fruits ang red bell pepper ay magandang source rin ng vitamin C. Mayaman din ito sa beta carotene na hindi lang nagpapalakas ng immune system kung hindi nagpapalusog rin ng ating mga mata at skin.
3. Broccoli
Isa rin ang broccoli sa mga pampalakas ng immune system. Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamasustansiyang gulay. Dahil ito ay puno ng vitamins at minerals tulad ng vitamin A, C at E. Mayroon rin itong antioxidants na nakakatulong para malabanan ang free radicals at fiber na nakakatulong para sa proper digestion na nakakalinis ng ating katawan.
Ang garlic o bawang ay may taglay na immune-boosting properties na nagmumula sa sulfur-containing compounds nito na kung tawagin ay allicin.
Maliban sa nagpapalakas ng immune system ng katawan, kilala rin ito bilang natural antibiotic na napatunayang mabisa sa paggamot ng mga sakit.
5. Luya
Tulad ng bawang, ang luya ay isa ring kilalang natural remedy sa maraming sakit. Mayroon itong cholesterol-lowering properties na tumutulong na panatilihing healthy ang katawan at mas palakasin pa ang immune system nito. Ito rin ay naglalaman ng antioxidants at mayroong anti-inflammatory, antiviral at antibacterial properties.
Paano palakasin ang immune system | Image from Unsplash
6. Spinach
Ang spinach ay mayaman rin sa vitamin C. Mayroon din itong antioxidants at beta carotene na mahalaga sa pagpapataas ng infection-fighting ability ng ating immune system. Pero tulad ng broccoli, dapat ito ay niluluto lang ng kaunti para manatili ang nutrients na taglay nito.
7. Yogurt
Ang yogurt ay kilalang uri ng prebiotic. Ito ay mayaman sa vitamin D na nagpapalakas ng ating immune system at nagpapatibay sa sa natural defenses ng katawan laban sa sakit.
Tandaan lang na sa tuwing bibili ng yogurt ay hanapin ang “live and active cultures” sa printed label nito. Ito ay para masigurong taglay nito ang nutrients na kailangan mo.
Iwasan din ang mga sweetened yogurts na maaring mataas sa asukal. Sa halip ay gumawa na lang nito gamit ang mga prutas at honey na maaring ihalo sa plain yogurt mo.
8. Almonds
Ang vitamin E ay isa ring nagpapalakas ng ating immune system. Isa nga sa good source nito ay ang almonds. Maliban sa vitamin E ay mayaman rin ito sa antioxidants at may taglay rin itong healthy fats na kailangan ng ating katawan.
9. Turmeric
Ang turmeric ay isang uri ng halaman kagaya ng luya. May pagkakapareho ang dalawa sa anyo at pati na rin sa lasa. Bukod dito, gaya ng luya, ang turmeric ay mayroon ring anti-inflammatory properties.
Kilala ito bilang lunas sa mga sakit tulad ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Tumutulong rin ito upang mabawasan ang muscle damage dulot ng exercise. Sa pamamagitan nito ay mas mananatiling active at healthy ang isang tao.
Sa katunayan, marami ang nagrerekomenda ng pag-inom ng turmeric tea para bumaba ang cholesterol sa katawan at pampalakas na rin ng resistensya.
10. Green tea
Ang green tea ay may taglay ng antioxidant na sinasabing pampalakas ng immune function ng katawan. Good source din ito ng amino acid-L-theanine na tumutulong sa produksyon ng germ-fighting compounds ng T-cells ng katawan.
11. Papaya
Ang papaya ay good source rin ng vitamin C. Sa katanuyan ang isang papaya ay may taglay ng 224% ng daily recommended amount ng vitamin C.
Mayroon din itong taglay na potassium, B vitamins, folate at digestive enzyme na nakakatulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.
12. Kiwi
Tulad ng papaya ang kiwi ay loaded rin ng mga essential nutrients tulad ng vitamin K, vitamin C, potassium at folate.
Paano palakasin ang immune system | Image from Unsplash
13. Poultry products tulad ng manok
Ang poultry products tulad ng karne ng manok ay good source naman ng vitamin B-6. Ito ay mahalaga sa formation ng bago at healthy na red blood cells.
Ang pinaglagaang tubig nga ng buto ng manok ay may taglay na gelatin, chondroitin, at iba pang nutrients na nakakatulong sa gut healing at immunity ng katawan.
14. Sunflower seeds
Ang mga sunflower seeds ay puno din ng nutrients. Nangunguna na nga rito ang vitamin E na mahalaga sa pagreregulate at pagpapanatili ng immune system function ng katawan. Ang iba pang pagkain na may mataas na level ng vitamin E ay ang avocado at green leafy vegetables.
15. Shellfish
Isa ring pampalakas ng immune system ang mga pagkaing dagat.
Ang mga shellfish tulad ng alimango, clams, lobster at tahong ay nakakatulong rin sa pagpapalakas ng ating immune system. Dahil ito sa taglay nitong zinc na tumutulong hindi lang para panatilihing healthy ang ating tiyan kung hindi pati na rin ang ating buong katawan.
Ang pagdagdag ng mga pagkaing ito sa diet ng inyong pamilya ay makakatulong para palakasin ang inyong immune system. Siyempre, hindi sapat na isang uri lang ng pagkain ang inyong kakainin. Ihalo ang mga sangkap na ito sa iba’t ibang luto ng pagkain, lalo na sa mga putaheng paborito ng mga bata.
Pampalakas ng resistensya at immune system
Ang ating resistensya at immune system ang front line ng ating katawan bilang depense sa mga sakit na pwedeng dumapo. Gumagamit ng system of chemicals at protina ang ating immune system sa ating katawan para labanan ang virus.
Dagdag pa, nariyan din ang harmful bacteria, impeksyon, at parasites na dapat maiwaksi sa ating katawan. Kaya, inaalam natin ang mga paraan kung paano palakasin ang immune system at mga dapat gawin bilang pampalakas ng resistensya.
Bunga nito, mas mababa ang tyansa ng pagkakasakit kung mas matibay at malakas ang ating resistensya. Mahalaga ring manghingi ng payo mula sa doktor kung ano ang nababagay na paraan ng ating pampalakas ng resistensya.
10 tips bilang pampalakas ng resistensya o paano palakasin ang immune system
Maliban sa mga pagkain na dapat malaman kung paano palakasin ang immune system, may mga tips din na dapat gawin bilang pampalakas ng resistensya. Dapat panatilihin ang pagpapalakas na ito ng resistensya dahil hindi laging malakas ang ating katawan.
Narito ang mga sumusunod na 10 tips bilang pampalakas ng resistensya o kung paano palakasin ang immune system.
1. Susi ang healthy na tiyan at sikmura.
Ayon sa rebyu ng Riverside Medical Clinic, naniniwala na ngayon ang mga doktor na 80% ng ating malakas na resistensya ay galing sa ating sikmura o tiyan.
Dagdag pa nila, ang Mediterranean na style ng diet tulad ng whole, unprocessed na pagkain at antioxidants ay posibleng may protective na epekto.
2. Laging maghugas ng kamay.
Ito ang practice na dapat nating laging ginagawa. Isa ito sa mga pinaka epektibong paraan upang malaban ang pagkalat ng virus at bacteria.
3. Magkaroon ng daily basis ng exercise o work out.
Sinasabi sa pag-aaral na nakakatulong sa pag flush out ng bacteria at i-clear ang airways ng ating katawan ang mga physical activity. Pinahihina din ng exercise ang tyansa ng pag-develop ng mga disease tulad ng heart disease at fatty liver.
4. Siyempre, maligo pagkatapos mag-work out.
Maliban sa mangangamoy mabaho, nagiging catalyst ng pagkalat ng bacteria ang pawis sa katawan pagkatapos mag-work out.
5. Uminom ng vitamins.
Kumonsulta sa inyong doktor tungkol sa mga benepisyo n Vitamin A, Vitamin B6, Vitamin D, at iba pang bitamina at minerals.
6. Bawasan ang iyong stress level.
Dahil naaapektuhan ng ating stress level ang ating immune system, kailangan natin itong bawasan.
7. Sumali sa mga yoga at meditation sessions.
8. Mag practice ng deep breathing techniques.
9. Laging tiyakin na magkaroon ng sapat na tulog araw-araw.
10. Laging mag think positive.
Makakatulong din kung aalamin mo ang recommended daily intake para hindi ka masobrahan. Alalahanin, anumang sobra ay maaring makasama.
Bukod sa pagkain nang tama, ugaliin rin ang pagkakaroon ng sapat na pahinga at ehersisyo para lalong lumakas ang resistensiya ng buong pamilya.
Karagdagang ulat na isinulat nina Camille Eusebio at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!