Bukod sa pampalasa ito sa maraming pagkain, alamin ang iba-ibang benepisyo ng bawang sa ating kalusugan.
Mahilig ka bang maglagay ng maraming bawang sa iyong lutuin? Alam mo ba na bukod sa isa ito sa mga pangunahing sahog sa mga paborito nating ulam. Marami ring iba pang mabuting epekto ang bawang sa ating kalusugan?
Bawang – halamang gamot
Ano ang bawang? Ang Allium sativum o mas kilala sa pangalang garlic o bawang sa Tagalog ay isang halaman na mula sa pamilya ng sibuyas. Nagtataglay ito ng kakaibang lasa at may dalang maraming benepisyo sa katawan.
Ang benepisyo ng bawang sa ating katawan at kalusugan ay napakarami kung bibilangin. Magmula pa nga noong unang panahon ay isa na ito sa laging ginagamit bilang panglunas sa mga sakit.
Ito ang madalas na ireseta noon ng Father of Western Medicine na si Hippocrates sa kaniyang mga pasyente.
At hindi lang ito basta-bastang paniniwala ng matatanda. Sa katunayan, ilan sa mga sinasabing benepisyo ng bawang ang napatunayan ng mga bagong pag-aaral na epektibo at makakatulong para sa maayos na kalusugan.
Subalit bago ang lahat, naniniwala kami na bagama’t nakakatulong ang mga halamang gamot o home remedies sa kalusugan, hindi ito dapat gawing pamalit sa anumang gamot na inireseta ng isang doktor.
Kaya naman kung mayroon kang nararamdamang sakit, iwasan ang mag self-medicate. Pinakamainam pa rin na kumonsulta at humingi ng payo sa iyong doktor.
1. Ang bawang ay nagtataglay ng compounds na may medicinal properties.
Ito ay dahil umano sa mga sulfur compounds na taglay nito tulad na allicin, diallyl disulfide at s-allyl cysteine.
Ang mga compounds na ito ang pumapasok sa ating katawan sa tuwing tayo ay kumakain ng bawang na nagdudulot naman ng biological effects sa ating kabuuang kalusugan.
Sa katunayan, sa isang lab study, natuklasan na ang kombinasyon ng katas ng bawang at honey ay may kakayahang puksain ang iba’t ibang klase ng bacterial infection na hindi kaya ng ibang antibiotic drugs.
2. Ang bawang ay masustansiya at may taglay na mababang bilang ng calories.
Ang pangunahing benepisyo ng bawang na naibibigay sa ating katawan ay ang mga nutrients na taglay nito.
Kung tutuusin, nasa bawang na halos lahat ng vitamins at minerals na kailangan ng isang tao. Sa isang ounce o 28 g na bawang, makukuha mo na ang sumusunod:
- Manganese: 23% ng RDA (Recommended Dietary Allowance)
- Vitamin B6:17% ng RDA
- Vitamin C: 15% ng RDA
- Selenium: 6% ng RDA
- Fiber: 0.6 grams
- Calcium, copper, potassium, phosphorus, iron at vitamin B1
- 42 calories, 1.8 grams ng protein at 9 grams ng carbs.
3. Ang bawang ay mabisang panlaban sa sakit gaya ng sa sipon at trangkaso.
Ang mga garlic supplements ay kilalang nagpapalakas ng ating immune system.
Isang pag-aaral nga ang nagsabing ang daily garlic supplement ay nakakapagbaba ng posibilidad ng pagkakaroon ng sipon ng hanggang 63%.
Para sa mga nakakaranas naman ng sintomas ng sipon ay mas pinapaikli nito ng 70% ang bilang ng araw na maaaring magpahirap ang sakit sa isang tao.
Isang pag-aaral rin ang nagsabing ang 2.56 grams ng bawang kada araw ay hindi lang nakakabawas ng bilang ng araw ng pagkakasakit dahil sa sipon, kundi nakakatulong rin ito para mas mapaikli ang bilang ng araw ng pagpapahirap ng flu o trangkaso ng hanggang 61%.
4. Ang mga active compunds na taglay ng bawang ay kayang magpababa ng blood pressure.
Totoo bang ang bawang ay gamot sa high blood?
May mag pag-aaral ding nagpatunay na ang isa pang benepisyo ng bawang sa katawan ay ang pagtulong nito sa pagbaba ng mataas na blood pressure.
Sa isang pag-aaral natuklasang ang 600-1,500mg ng bawang ay kasing effective ng gamot na Atelonol sa pagpapababa ng blood pressure sa loob ng 24-week period.
Bilang supplement naman, kailangang kumain ng four cloves ng garlic kada araw para makatulong ito sa pagpababa ng blood pressure.
Larawan mula sa Pexels
5. Pinapababa ng bawang ang chloresterol level sa katawan na nagpapababa rin ng tiyansa ng pagkakaroon ng heart disease.
Para sa may mataas na bilang ng bad cholesterol sa katawan, ang garlic supplements umano ay kayang pababain ito ng hanggang 10-15%. Bilang epekto ay naiiwas nito ang katawan na magkaroon ng mga sakit na dulot ng bad cholesterol tulad ng heart disease.
6. Ang taglay ng antioxidants ng bawang ay kayang tulungan ang isang taong umiwas sa Alzheimer’s disease at Dementia.
Ang mga garlic supplements ay tumutulong na pataasin ang antioxidant enzymes ng katawan na mabisang panlaban sa cell damage at aging. Pinababa rin nito ang oxidative stress ng mga taong may high blood pressure.
At ang pinagsamang epektong ito sa katawan ay nagpapaba naman ng tiyansa ng pagkakaroon ng common brain diseases gaya ng Alzheimer’s disease at dementia.
7. Ang bawang ay makakatulong para magkaroon ng mas mahabang buhay.
Sa mga nabanggit na benepisyo ng bawang sa katawan ay masasabing makakatulong ito para mas mapahaba ang buhay ng isang tao.
Mapapatunayan ito ng katotohanang kaya nitong labanan ang mga infectious disease na dahilan ng pagkamatay lalo na sa mga matatanda at may mga mahinang immune system.
8. Ang mga garlic supplements ay nagpapaganda rin ng athletic performance.
Noong unang panahon ay ginagamit na ang bawang bilang pampawala ng fatigue at pampalakas ng katawan ng mga manggagawa. Ibinibigay rin ito sa mga olympic athlete’s noon sa Greece.
May mga pag-aaral naman ang nagsabing nakakatulong ito sa exercise performance. Sa katunayan, natuklasan rin ng isang pag-aaral na ang mga taong may heart disease na gumagamit ng garlic oil sa loob ng anim na linggo ay nagkaroon 12% reduction sa mataas na heart rate at nagkaroon ng better exercise capacity.
9. Ang pagkain ng bawang ay nakakatulong na ma-detoxify ang mga heavy metals sa katawan.
Ang sulfur compounds na taglay ng bawang ay pinoprotektahan ang katawan laman sa organ damage na dulot ng heavy metal toxicity.
Sa isang pag-aaral, lumabas na ang bawang ay nagpapababa ng lead levels sa dugo ng hanggang 19%. Binabawasan rin nito ang clinical signs ng toxicity sa katawan gaya ng sakit ng ulo at high blood pressure.
10. Ang bawang ay nakakatulong para mag-improve ang bone health ng mga kababaihan.
Isa namang kahanga-hangang benepisyo ng bawang para sa mga kababaihan ay ang pagpapatibay nito ng bone health para makaiwas sa bone loss at iba pang sakit na may kinalaman sa buto.
Ito ay dahil umano sa epektong nagagawa ng bawang sa pagpapataas ng estrogen levels ng isang babae.
Sa isang pag-aaral sa mga menopausal women, natuklasan ngang ang 2 grams ng hilaw na bawang ay kayang pababain ang marker ng estrogen deficiency sa mga babae. Napag-alaman rin na tulad ng sibuyas, mayroon itong beneficial effects sa osteoarthritis.
11. Gamot sa an an at iba pang sakit sa balat ang bawang.
Ayon sa Healthline, ang allicin na component ng bawang ay mayroong antibacterial, antifungal, antiviral, and antiseptic properties kaya itinuturing itong mabisang gamot sa acne at iba pang sakit sa balat.
Sa website na Medical News Today, sinasabi na napatunayang ang garlic ay mabisa laban sa iba’t ibang uri ng fungi tulad ng Candida, Torulopsis, Trichophyton, and Cryptococcus.
12. Epekto ng bawang sa tenga
Maging sa mga simpleng ear infections ay makakatulong rin ang bawang. Dahil sa anti-inflammatory at pain-relieving properties ng halamang ito, maari itong makatulong laban sa infections.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa mahigit 100 bata, natuklasan na ang naturopathic ear drops na may sangkap na bawang at iba pang halamang gamot ay kasing epektibo rin ng over-the-counter (OTC) ear drops.
Larawan mula sa Pexels
Tandaan lang rin na may bad effects din ang bawang sa katawan gaya ng pagkakaroon ng bad breath. Kung mayroon kang bleeding disorder naman o umiinom ng blood-thinning medications. Mas mabuting makipag-usap muna sa iyong doktor bago dagdagan ang iyong garlic intake.
Karagdagang ulat mula kay Camille Eusebio
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!