Isa sa mga pinaka nakatatakot na sakit ngayon ay ang kanser. Alam mo bang ang pagkain ng labis na karne ay isang epekto ng kanser?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng pagkunsumo ng karne sa ating katawan
- Benefits ng less-meat o low meat diet sa atin
Low-meat o meat-free na diet ay maaaring magpababa ng tiyansa sa pagkakaroon ng cancer, ayon sa experts
Nagsagawa ang mga eksperto ng pag-aaral sa University of Oxford kung saan kinuhaan ng datos ang mga participants edad 40 hangang 70 years old. Layunin ng pag-aaral na makumpara kung paano naaapektuhan ang kanilang madalas na pagkain ng karne sa kanilang mga sakit.
Ayon pa sa kanila, ang pagkain ng karne na mataas pa sa bilang ng lima ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng colon cancer, prostate cancer at breast cancer.
“The researchers found that the overall cancer risk was 2% lower among those who ate meat five times or less per week, 10% lower among those who ate fish but not meat, and 14% lower among vegetarians and vegans, compared to those who ate meat more than five times per week.”
Isa sa pangunahing kanser na maaaring makuha ay ang “colorectal cancer.” Ang “colorectal cancer” ay disease kung saan maaaring makapagbunga ng kawalan ng kontrol sa “colon” o ” rectum.”
Dagdag din ng University of Oxford, malaki ang tiyansang magkaroon ng “prostate cancer” sa kalalakihan at “breast cancer” naman sa kababaihang parating kumakain ng karne.
Sinabi ni Dr. Hu na may mga ebidensya na may malinaw na ugnayan ang pagkain ng “red” at “processed meats” para sa mas mataas na risk ng mga sakit. Bukod sa kanser, maaari rin itong magkaroon ng epekto at sakit na heart disease, cancer, diabetes and premature deaths.
BASAHIN:
5 Great meatless recipes for the family to enjoy this Holy Week!
Processed meat cancer risk is real, says WHO
How to make a meat purée for your baby
“It can be one of the healthiest ways to eat because we know plant foods are loaded with nutrients to protect our health.”
Ayon sa Academy of Nutrition and Dietritics, sa kanilang datos ang “vegetarian diet” ay maituturing na healthy. Maaari kasing makabawas ito ng mga risks sa pagkakaroon ng “ischemic heart diseases and cancers.”
Para masubukan ang “vegetarian diet,” maaaring mabawasan ang “red meat” sa pamamagitan ng alternatibong pagkain. Gaya na lamang ng stir fry tofu, ito kasi ay “cholesterol-free,” “low-calorie,” at “high protein.” Mayaman din ito sa “bone boosting,” “calcium,” at “manganese.”
Isa ito sa pinaka mainam na pamalit sa mga karne. Ito kasi ay halos kapareho ng lasa sa karne depende sa magiging timpla nito.
Sa ganitong paraan ito maaaring lutuin:
- Una, iprito ang tofu at lagyan ng isang kutsarang soy sauce.
- Pangalawa, lagyan din ng isang kutsarang oyster sauce, brown sugar, at rice vinegar o kaya naman ay apple vinegar.
- Maaari rin namang dagdagan pa ng iba’t ibang uri ng gulay base sa iyong kagustuhan. Maaari mo rin ipalit sa inyong meat ang fish o poultry halimbawa manok, turkey or seafood.
Pwede mo rin isama ang mga sumusunod sa iyong diet: fruits tulad apple, banana, berries, melons at iba pa. Sa grains naman maaaring rice, buckwheat, barley and oats, legumes na uri ng beans, chickpeas at peas, nuts na almonds, walnuts, cashews, at chestnuts.
Kung hindi mo naman pwedeng kainin ang mga nuts dahil sa allergic ka rito, pwede mong ipalit sa nuts and seeds tulad ng flaxseeds, chia and hemp seeds.
Ang mga pagkain tulad ng “vegetable and lentil soup,” “stir fry cauliflower o broccoli,” at “spinach salad with chickpeas” ay maaari ring ikonsidera.
Benefits ng less-meat o low meat diet sa atin
Larawan mula sa Pexels
1. Good over-all health at weight management
May dalang cholesterol ang pagkain nang sobra sa karne. Maaaring ang epekto nito ay pagkakaroon ng sakit sa puso at maging ang high-blood pressure.
Cholesterol din ang dahilan kung bakit nagbabago ang timbang ng tao. Kung isa sa mga goals mo ay magpapayat o kaya ay magbawas ng timbang, baka pwede mo nang ikonsidera ang less-meat o low-meat diet.
2. Makakatipid sa budget
Hindi lamang health benefits ang dala ng ganitong diet, maging ang pagtitipid din! Tinatayang nasa mahigit Php 300.00 na ang kada kilo ng karne sa mga palengke. Kaya naman kung papalitan ito nang mga alternatibong bagay ay tiyak na makakamura.
Magaan na ang pakiramdam, magaan pa pati ang bulsa.
3. Nakatutulong sa kalikasan
Isa sa maaaring tulong ng hindi pagkain ng karne ay ang pagbawas ng polusyon. Ang “meat production” ay nagli-lead sa greenhouse emissions. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain ng karne ay maaari ring makabawas sa polusyon sa kapaligiran.
Ilan ito sa mga maaaring subukan upang mabawasan ang tiyansang magkasakit.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!