May gamot ba sa coronavirus? Sa ngayon ay wala pa, ngunit WHO nagbigay abiso sa publiko na huwag na munang uminom ng ibuprofen laban sa sintomas ng sakit.
May gamot ba sa coronavirus?
Hanggang ngayon ay wala paring natutuklasang gamot para sa kumakalat na sakit na coronavirus disease o COVID-19. Ang tanging paraan lang upang maka-recover mula rito ay sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot upang maibsan ang mga flu-like symptoms nito. Isa nga sa unang ini-rekumendang gamot na maaring inumin ng UK NHS o National Health Services ay ang ibuprofen. Ngunit kamakailan lang ay may naging pagbabago ukol sa pahayag na ito. Ito ay matapos i-share sa isang tweet ni France health minister Oliver Veran, na isang qualified doctor at neurologist na mas pinapalala umano ng gamot ang coronavirus disease.
“The taking of anti-inflammatories [ibuprofen, cortisone … ] could be a factor in aggravating the infection. In case of fever, take paracetamol. If you are already taking anti-inflammatory drugs, ask your doctor’s advice.”
Ito ang English translation na pahayag ng doktor sa kaniyang Twitter account.
Ibuprofen vs COVID-19
Sinuportahan naman ito ng mga pahayag mula sa iba pang health experts. Tulad ni Paul Little, professor ng primary care research sa University of Southampton, England. Ayon umano sa ilang pag-aaral, kabilang na ang ginawa niyang pag-aaral na nailathala sa journal na BMJ, mas tumatagal ang respiratory infection at nag-dedevelop ng komplikasyon ang pasyenteng umiinom ng non-steroidal anti-inflammatories tulad ng ibuprofen.
“The general feeling is that the French advice is fairly sensible. There is now a sizeable literature from case control studies in several countries that prolonged illness or the complications of respiratory infections may be more common when non-steroidal anti-inflammatories [NSAIDs] are used.”
Ito ang pahayag ni Little. Dagdag pa niya, ito ay dahil ang inflammation ay natural na response ng katawan sa infection. Kaya naman kung pipigilin ito sa pamamagitan ng anti-inflammatory drug tulad ng ibuprofen ay pinipigilan rin nito ang kakayahan ng katawan na labanan ang impeksyon o sakit.
“If you’re suppressing that natural response, you’re likely inhibiting your body’s ability to fight off infection,” dagdag pa ni Little.
Ganito rin ang naging pahayag ni Prof. Parastou Donyai na nagmula rin sa University of Reading.
“There are many studies that suggest ibuprofen use during a respiratory infection can result in worsening of the disease or other complications.”
Ito ang pahayag ni Prof. Donyai.
Reaksyon ng mga health agencies
Samantala, sa pamamagitan ng isang email statement ay nagbigay ng reaksyon ang British pharmaceutical company na Reckitt Benckiser. Sila ang manufacturer ng ibuprofen-based drug na Nurofen. Ayon sa kanila, ay wala pa silang nalalamang pag-aaral na makakapagpatunay ng epekto ng ibuprofen sa COVID-19. Ngunit sinisiguro nila na ang kaligtasan ng kanilang consumer ang kanilang priority.
“We do not currently believe there is any proven scientific evidence linking over-the-counter use of ibuprofen to the aggravation of Covid-19,”
“Consumer safety is our number one priority. Ibuprofen is a well-established medicine that has been used safely as a self-care fever and pain reducer, including in viral illnesses, for more than 30 years.”
Dagdag pa ng pahayag ay kasalukuyan ng nakikipag-ugnayan ang Reckitt Benckiser sa WHO at EMA o European Medicines Agency para pag-aralan ang isyu.
Paracetamol na muna ang gamitin laban sa sintomas ng COVID-19
Habang ayon naman kay Charlotte Warren-Gash, associate professor of epidemiology sa London School of Hygiene and Tropical Medicine, bagamat kailangan pa ng dagdag na pag-aaral upang mapatunayan ang epekto ng ibuprofen sa sakit, mas makakabuting paracetamol muna ang gamitin upang maibsan ang sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat at sore throat.
“For Covid-19, research is needed into the effects of specific NSAIDs among people with different underlying health conditions, which takes into account the severity of infection. In the meantime, for treating symptoms such as fever and sore throat, it seems sensible to stick to paracetamol as first choice.”
Dagdag na paliwanag ng French health ministry pinapababa ng paracetamol ang lagnat ng hindi nacocounterattack ang inflammation sa katawan. Bagamat nabibili over-the-counter o ng walang reseta ang paracetamol ay dapat mag-tanong muna sa doktor sa tamang paggamit nito. Dahil ang sobrang pag-inom ng paracetamol ay nakakasama sa atay o liver ng isang tao.
Ito rin ang naging pahayag ng WHO tungkol sa isyu.
“In the meantime, we recommend using rather paracetamol, and do not use ibuprofen as a self-medication. That’s important.”
Ito ang pahayag ni WHO spokesman Christian Lindmeier sa isang panayam. Ayon pa sa kaniya ang mga health experts sa kanilang ahensya ay kasalukuyan ng pinag-aaralan ito.
NHS new advisory
Sa ngayon ay nagdagdag na rin ng panibagong advisory ang NHS tungkol sa pag-inom ng ibuprofen laban sa COVID-19. Tulad ng sinabi ng WHO ay paracetamol na muna ang gamitin laban sa sintomas ng coronavirus. Ngunit mabuting magtanong at magpakonsulta muna sa doktor upang malaman kung angkop o ligtas ba ito sayo.
Sagot din nila sa katanungan ng nakararami na, may gamot ba sa coronavirus? Hanggang sa ngayon ay wala pa. Kaya naman paulit-ulit na pinaalalahanan ang publiko na umiwas sa sakit. Gawin ito sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay, social distancing at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.
SOURCE: The Guardian, NHS, BBC, Gulf News, Global News
BASAHIN: “Libre ba ang COVID testing kit?” at iba pang impormasyon na dapat malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!