Ulcer: Sanhi, sintomas at gamot

Narito ang mga paraan para maiwasan ang ulcer at mga gamot na maaring inumin para malunasan ito.
Gamot sa ulcer at mga paraan kung paano ito maiiwasan.
Ang stomach ulcers ay ang mga sugat sa lining ng tiyan o small intestine. Nagkakaroon nito kapag humina na o wala na ang mucus layer ng tiyan na pumuprotekta dito. Kaya naman ang mga strong acids na tumutulong para ma-digest ang pagkain sa tiyan ay nai-irritate ang tiyan na nagdudulat ng sugat o ulcers dito.
Sanhi ng ulcer
Maliban sa strong acids sa tiyan, ang ilang sanhi at nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng ulcers ay ang sumusunod:
- Pag-inom ng NSAIDs o nonsteroidal anti-inflammatory drugs painkillers
- Pylori bacteria o mga bacteria na naninirahan sa digestive tract
- Zollinger-Ellison syndrome, isang rare disease na nagdudulot ng excess production ng acid sa tiyan
- Paninigarilyo
- Hypercalcemia o sobrang pagpro-produce ng calcium ng katawan
- Madalas na pag-inom ng alak
Ang pagkakaroon ng sakit na ulcer ay mas madalas na tumatama sa mga matatanda na 50-anyos pataas. Mababa naman ang tiyansa sa mga bata na magkaroon nito liban nalang sa mga batang may naninigarilyong magulang.

Image from Freepik
Sintomas ng ulcer
Samantala ang pangunahing sintomas ng ulcer ay ang pananakit ng tiyan at ang indigestion na kung tawagin ay dyspepsia. Minsan ang pananakit na dulot ng ulcer ay inaakalang heartburn lalo pa’t maaring sabay na maranasan ang mga sintomas na ito.
Maliban sa pananakit ng tiyan makakaramdam rin ng hungry sensation ang sinumang may ulcer at iba pang sumusunod na sintomas:
- Weight loss o pamamayat
- Pagduduwal o pagsusuka
- Hindi makakain dahil sa sakit
- Pagdighay o burping
- Bloating o pakiramdam na paraang puno ng hangin ang tiyan
- Sakit na nawawala sa tuwing kumakain, umiinom ng liquids at antacids
Gamot sa ulcer
Para malunasan naman ang ulcer, ang unang inirerekumenda ng mga doktor ay tanggalin ang dahilan ng pagkakaroon nito.
Ang unang paraan at gamot sa ulcer ay ang pagpapalit ng uri ng painkiller na ginagamit na maaring NSAIDs na nagpapalala pa ng sintomas nito.
At kung ito naman ay dulot ng H.pylori bacteria ay dapat itong puksain para tuluyang maalis sa tiyan sa pamamagitan ng antibiotics. Saka puprotektahan ang tiyan mula sa acid habang patuloy na gumagaling ang ulcers dito.
Ilan sa gamot sa ulcer na inirereseta ng doktor para mapagaling ito ay ang sumusunod:
- Proton pump inhibitors (PPI) na pumipigil sa acid-producing cells
- H2-receptor antagonists na pumipigil sa tiyan sa pag-produce ng excess acid
- Antacids o alginate
- Mga gamot ng pinoprotektahan ang stomach lining tulad ng Pepto-Bismol
Matapos uminom ng mga nasabing gamot sa ulcer ay unti-unti ng mawawala ang mga sintomas nito. Ngunit kailangan ay patuloy ang treatment lalo na kung ang ulcer ay dulot ng H.pylori bacteria.
Mahalaga ring iwasan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagkain na mataas ang acid na maaring mag-trigger ng sintomas ng ulcer.
Surgical treatment bilang gamot sa ulcer
Maliban sa pag-inom ng gamot, isa pang paraan para malunasan ang sintomas ng ulcer ay sa pamamagitan ng surgery. Lalo na kung ito ay hindi gumagaling, pabalik-balik o nagdudulot na ng pagdurugo sa tiyan
Ang surgical procedure na maaring gawin ay ang sumusunod:
- Pagtanggal sa ulcer
- Pagtali sa dumurugong blood vessels
- Pagtatahi ng tissue sa ulcer na mula sa ibang parte ng tiyan
- Pagputol sa ugat na nagkokontrol sa stomach acid production

Image from Freepik
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ulcer
Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng ulcer sa tiyan ay makakatulong ang pagbabago sa diet o sa mga pagkain kinakain o inuming iniinom.
Ang sumusunod na mga pagkain at nutrients ay makakatulong para makaiwas na makaranas ng sintomas ng ulcer.
Pagkain ng prutas at gulay
Ang prutas at gulay ay mayaman sa antioxidants, pumipigil sa acid secretion at may taglay na cytoprotective at anti-inflammatory properties. Ang mga nabanggit ang mga mahalagang factors para maiwasan at magamot ang ulcers sa tiyan. Ito rin ang sikreto para maglaroon ng healthy na digestive tract lining.
Fiber
Ang pagkakaroon ng high-fiber diet ay makakatulong rin para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng ulcer sa tiyan.
Probiotics
Ang mga pagkaing may taglay na active bacterial content tulad ng probiotic yogurt ay nakakatulong para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng Helicobacter pylori (H. pylori) infection. Iniibsan din ng mga probiotics ang sintomas ng indigestion at side effects na dulot ng antibiotics.
Vitamin C
Ang vitamin C ay nakakatulong rin para mapatay ang H. pylori bacteria. Ang mga gulay at prutas gaya ng oranges at tomators ay may taglay na mataas na level ng vitamin C.
Zinc
Ang zinc ay nakakatulong naman sa pagpapagaling ng mga sugat. Ang oysters, spinach at karne ng baka ay ilan lamang sa mga pagkain na may mataas na level ng zinc.
Selenium
Ang selenium ay nakakatulong rin para mabawasan ang tiyansa ng kumplikasyon dahil sa impeksyon. Tumutulong din ito sa healing o pagpapagaling ng mga sugat. Ang brazil nuts, yellowfin tuna, at halibut fish ay halimbawa ng mga pagkaing mataas ang selenium content.
Pag-iwas sa alcohol at caffeine
Ang hindi pag-inom ng alak at kape ay isa ring mabisang paraan para makaiwas sa ulcer. Dahil ang mga ito ay nagpoproduce ng gastric acid na maaring magdulot ng ulcer sa tiyan.
Mahalagang gawin o kainin ang mga dietary options na ito habang umiinom ng gamot sa ulcer para tuluyan ng gumaling mula sa sakit.
Source: Medical News Today
Photo: Freepik
Alamin kung ano ang mga sintomas ng ulcer
Singaw: What causes this mouth ulcer and what’s the best way to treat it?
Mister: "Natu-turn on ako kapag nakikipag-sex ang asawa ko... sa ibang lalaki."
Tatay Florentino Gregorio umaapela na huwag idamay ang anak ni Jonel Nuezca: "Bata 'yan, e. Kulang sa pag-aaruga."