Sa panahon nating ngayon na may pandemya na dala ng COVID-19, karamihan sa atin ang naghahanap ng solusyon upang mapalakas ang immune system ng buong pamilya.
Anong magandang vitamin C? | Image from iStock
Bukod sa pagkain ng masusustansya, kailangan din ang ehersisyo, sapat na tulog o pahinga, at malinis na kapaligiran. Ilan sa atin ang kinukulang sa nutrients dahil sa stess, anxiety, at depression dahil sa sunud-sunod na lockdown.
Kaya naman narito ang Top list ng anong magandang Vitamin C ang dapat inumin ng pamilya, lalo na ng lumalaking mga bata.
Bakit mahalaga ang Vitamin C sa isang indibidwal?
Ang Vitamin C o ascorbic acid ay isang uri ng nutrients na makukuha sa pagkain. Ito ay kailangan ng katawan ng isang tao para malabanan ang mga sakit na dumadapo sa katawan. Mayroon itong antioxidant properties na tumutulong para labanan ang free radicals na sangi ng pagkasira ng cells sa ating katawan.
BASAHIN:
Anong magandang vitamins para sa baby at bakit ito kailangan?
LIST: 5 best vitamins for babies to gain weight
Picky eater ba ang iyong anak? Narito ang vitamins na dapat mong ibigay sa kaniya
Ang Vitamin C rin ang isa sa dahilang kung kaya’t mabilis ang pahilom ng sugat sa katawan. Ito rin ang dahilan ng mabilis napag-absorb ng iron sa katawan. Naiibsan din nito ang pagkakaroon ng gout dahil nagpapababa ito ng uric acid sa katawan.
Nagbibigay rin ito ng proteksyon laban sa anumang sakit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng immune system. Kaya naman ang Vitamin C ang isa sa importanteng nutrients na dapat mayroon ang katawan natin.
Anong magandang vitamin C ang para sa baby at bata?
Anong magandang vitamin C? | Image from iStock
Ang unang isinasang-alang-alang natin bilang magulang ang kalusugan ng ating mga baby at lumalaking mga anak. Karamihan sa bata ngayon, hindi na nakakpaglaro sa labas, at nalilimitan ang kilos sa loob ng bahay.
Kung kaya’t ang karamihan sa kanila ay nakakaranas ng sress ma siyang pinagmumulan ng paghina ng kanilang immune system.
Top vitamin C para sa baby at adult
Top 5 list ng anong magandang Vitamin C sa baby at bata
Ceelin Plus Ascorbic Acid Zinc Drops

Ang Ceelin ay kilalang brand ng ascorbic acid supplement na para sa bata. Nagbibigay ito ng dobleng proteksyon at pampalakas ng immune system. Ito lang ang brand na may ZincPlus technology na nakakatulong upang labanan ang common colds at infection.
Dosage
- Para sa edad anim na buwang gulang pababa, magbigay ng 0.3mL.
- Para sa edad na anim na buwang gulang pataas, magbigay ng 0.6mL.
- o magtanong sa Pedia para sa tamang dosage.
Ceelin Plus Chewable Tablets

Ang Ceelin Plus Chewables ay design para sa mga batang mahirap painumin ng Vitamin C supplement. Ito ay maliit na table na kalasa ng orange kaya naman magugutuhan ito ng bata na nasa edad pito hanggang labing dalawang taong gulang.
Mayroon din itong ZincPlus technology para sa doble proteksyon sa bata.
Dosage
Para sa edad 7-12 years old, uminom ng 1-2 tableta sa loob ng isang araw o sundin ang payo ng Pedia para sa proper dosage.
Scott’s Vitamin C Pastilles

Ang Scott’s Vitamin C ay gawa sa pastilles o soft jelly capsule na very attractive sa mga kids. Kalasa nito ang favorite gummy nila. Gawa ito sa natural fruit flavor at may kaaya-ayang smell na magugustuhan ng mga kids. Mataas ang ascorbic acid content nito kaya pinipili ito ng karamihan sa mga mommy.
Dosage
- Para sa 1-12 years old, isang pastille sa bawat araw.
- Para sa 13 years old pataas, dalawang pastilles sa bawat araw.
Kirkland Children Vitamins Gummies

Ang isang bote ng Kirkland Children Vitamins Gummy ay mayroong 160 pieces na gummies na kahugis ng animals.
Mayroong itong tatlong flavor sa bawat bote, may orange, cherry, at green apple, para sa mga pihikan na kids. Bukod sa Vitamin C, mayroon din itong mahigit sa sampu na essential nutrients na kailangan ng katawan natin.
Dosage
- Para sa batang edad 2-3, isang gummy sa bawat araw
- Para sa edad na 4 pataas, 2 gummies sa bawat araw
PedZINC Plus C Vitamin C with Zinc Syrup

Ang Pedzinc Plus C Syrup ay gawa sa ascorbic acid at zinc. Ito ay may mataas na content nito ng Vitamin C ay nakakatulong upang protektahan ang ating anak sa maga hindi nakikitang germs sa kapaligiran.
Zinc naman ang dahilan ng pagboost ng immune system para labanan ang sakit na nais pumasok sa katawan ng bata.
Dosage
- Para sa edad 3-12 years old, magpainom ng 2.5mL o ½ teaspoon sa kada araw
- Sa mahigit 12 years old, magpainom ng 5mL o 1 teaspoon sa kada araw
- At para sa baby na 6 months to up 2 years old, magpainom ng 0.6mL na
Anong magandang vitamin C ang para sa adult?
Bilang isang adult, kalaban nating sa araw-araw ang pagod sa work, puyat sa pag-aalaga ng ating mga anak, stress dala ng mga problema at kung anu-ano pa na nagpapahina sa ating mga immune system.
Kaya naman minsan kinukulang na ang sustansya ng ating katawan dahil hindi sumasapat ang Vitamins na nakukuha natin sa pagkain lamang.
Ang Vitamin C ang isa sa essential nutrients na higit na kailangan ng katawan natin lalo na sa panahon ngayon na may hindi nakikitang kalaban. Anong magandang vitamin C ang para sa adult?
Top 5 vitamin C na makakatulong sa pagpapalakas ng ating immune system
Poten-Cee Non Acidic

Ang kinagandahan ng produktong ito ay maaari itong inumin maski ng mga taong sensitive ang tiyan at hyperacidity. Mayroon itong Sodium Ascorbate na pinagmumulan ng Vitamin C nito. Sa bawat bote nito, naglalaman ito ng 100 na capsules kaya naman abot kaya ito ng masa.
Dosage
Uminom ng isang capsule sa bawat araw.
ImmunPro (Sodium Ascorbate Zinc)

Ito ay gawa ng Unilab. Ang Unilab ay isa sa mga trusted pharmaceutical company sa bansa, kaya naman masasabing safe at effective ang produktong ito. Bawat tableta nito ay naglalaman ng ascorbic acid at zinc.
Dosage
Uminom ng isang tableta sa bawat araw.
Enervon

Ang Enervon ay noon pa man subok na ng mga Pilipino pagdating sa pagpili ng Vitamin C. Hindi lamang ascorbic acid ang mayroon ito, mayroon din itong vitamin B complex na malaki ang naitutulong sa ating katawan.
Ang vitamin B complex na bawat tableta ng Enervon ay binubuo ng Thiamine, Riboflavin, Pyridoxine, Cyanocobalamin, at Calcium Pantothenate.
Dosage:
Mag-take ng isang tableta sa kada araw.
Now Foods Vitamin C

Ang Now Vitamin C 1000mg ang isa sa pinakaabot-kaya na Vitamin C sa merkado. Maganda ito dahil hindi lamang mataas ang content nitong ascorbic acid, kundi mayroon ding itong rose hips na pinagmumulan rin ng Vitamin C.
Dosage
Uminom ng isang tableta sa bawat araw.
21st Century Vitamin C

Kung nahahanap ka mommy ng Vitamin C na budget-friendly, sagot dyan ang 21st Century Ascorbic Acid. Mayroon itong nasa 110 tablets na sa bawat bote. Kung susumahin, aabot ito ng mahigit tatlong buwan.
Tulad ng ibang Vitamin C supplement, ang 21st Century ay may offer na mataas 500mg ng Vitamin C sa kada tableta nito
Dosage
Uminom ng isang tableta sa kada araw.
Kung nais na malamang ang tamang dosage at anung brand ng Vitamin C ang iinumin ng inyong pamilya, mas makabubuting magpakonsulta muna sa doktor bago ito bilhin o inumin.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.