X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak

4 min read

Mahilig ka ba sa alak? Time na yata ito para bawasan dahil ayon sa mga eksperto ito raw ay nakapagpapaliit ng volume ng utak. Kahit isang pint ng beer o kaya baso ng wine sa isang araw ay maaaring magdulot daw ng masamang epekto sa utak ng tao. Mas lumalala pa ito kung mas marami ang iyong naiinom.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak
  • 5 tips para mabawasan ang pag-inom ng alak

STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak

Ayon sa mga naunang pag-aaral, ang heavy alcohol umano ay maaaring may dulot sa brain atrophy, neuronal loss, at poorer white matter fiber integrity ng utak.

Sa pag-aaral na inilathala sa journal sa website ng Nature, ang mga tao raw na umiinom ng sobrang alak ay may 2 taong mas matanda ang edad ng utak kaysa sa hindi.

Kinumpara ng pag-aaral ang pag-inom ng 36,678 participants na karamihan ay middle-aged at older adults mula sa UK Biobank. Ang mga tao raw na umiinom ng pint ng beer o 6 na baso ng wine kada raw kaysa sa taong isang pint ng beer lamang ang iniinom. Dito nila napag-alamang may epekto nga ang alak sa volume at edad ng utak.

“It’s not linear. It gets worse the more you drink.”

Ayon sa first author ng study na si Remi Daviet, isang assistant professor sa University of Wisconsin-Madison.

Nakita nilang ang utak ng taong may edad 50 na nagsabing umiinom sila ng 3 alcohol units kada araw ay may reductions ng white at gray matter na tila raw dumagdag ng 3.5 taong sa edad ng kanilang utak.

pag-inom ng alak

Larawan mula sa Beer friends photo created by tirachardz – www.freepik.com

Sabi rin ng mga eksperto ang pag-inom ng 4 na alcohol units sa isang araw ay nakadadagdag ng 10 taon sa edad ng utak na isang tao.

May opinyon naman sa pag-aaral na ito ang alcohol researcher na si Emmanuela Gakidou, isang propesor sa University of Washington,

“A problem in this study is that they only have information on people’s drinking habits for the one year prior to the (brain) imaging,”

Complex umano kasi ang relasyon ng alcohol at health at nag-e-evolve ito over time. Para sa kanya hindi pa ito ang definitive conclusions pero magandang simulan ng mas maraming at malawak pang pag-aaral.

BASAHIN:

Nakakapagpadami ba ng breast milk ang beer?

2-anyos na bata nakunang umiinom ng beer sa isang viral video

Husbands who drink beer last longer in bed

5 tips para mabawasan ang pag-inom ng alak

pag-inom ng alak

Larawan mula sa Food photo created by DCStudio – www.freepik.com

1. Uminom lagi ng tubig, maging hydrated lagi.

Kung minsan, ang pagkauhaw ay pinapawi na ng beer o ng iba pang alcoholic drink para sa mga sanay nang uminom. Bago maisipan uling uminom ng alak, uminom muna ng maraming tubig. Sa ganitong paraan nababawasan ang pagkauhaw at magiging kaunti na lang ang consumption mo ng alak.

2. Gumawa ka ng plano

Bago magsimulang uminom, gumawa ng plano kung ilan lang ba ang dapat mainom mo sa araw na iyon. Dapat ay partikular kung ilang pint o bilang ng baso lamang ang iyong icoconsume. Maganda ito para kung sakaling mareach mo na ang limit ay maiisipan mo nang tumigil.

3. Mag-set ka ng budget

Hindi mo napapansin malaking gastusin din ang bisyo ng alak. Kung mapupunta sa mga kaganapang hindi maiiwasang bumili ng alak, mainam na magset ka ng tamang budget lamang para dito.

Katulad ng pagpaplano kung ilang baso lamang ang iniinom ganoon din sa budget. Kapag nareach na ang limit ay dapat disiplinahina ng sariling itigil na ito.

pag-inom ng alak

Larawan mula sa Drinking beer photo created by pressfoto – www.freepik.com

4. Ipaalam mo sa iyong pamilya 

Dapat ang mga mahal mo sa buhay ang unang nakakaalam na ikaw ay magbabawas ng alak. Sa kanila kasi manggagaling ang suporta para tuluyan mong matigil na ito. Maaari kasing hindi ka na nila piliting uminom kung sakaling may okasyon dahil alam nilang tumitigil ka na.

5. Gumawa ng step-by-step progress

Pwede mo pa rin naman maenjoy ang pag-iinom, pero go for little consumption. Step by step kasi dapat ang pagtigil nito, araw-araw dapat ay magbawas ka ng intake para masanay kang kaunti na lang ang iniinom.

Maaaring subukan muna ang mga bottled beer kaysa sa pint o gumamit ng mas maliliit na baso. Pwede ring i-consider ang pag-inom ng mga alak na may mabababang alcohol strength, makikita mo ito sa bawat baso.

Mainam din na makakatulong sa ‘yo ang pagbibigay ng ilang araw sa isang linggo na wala talagang iniinom na alak. Kung makakasanayan, mapapansin mong mas dadami ang araw na kaya mo na nang walang iniinom na kahit anong alcholic drink.

Kada hakbang na ito ay maituturing na success para sa gusto mong pagbabago sa lifestyle mo.

 

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!
Nature, CNN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak
Share:
  • All about calluses on feet: Causes, treatment and feet care tips

    All about calluses on feet: Causes, treatment and feet care tips

  • 15 na pagkain na magpapalakas ng immune system ng iyong katawan

    15 na pagkain na magpapalakas ng immune system ng iyong katawan

  • Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

    Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

  • All about calluses on feet: Causes, treatment and feet care tips

    All about calluses on feet: Causes, treatment and feet care tips

  • 15 na pagkain na magpapalakas ng immune system ng iyong katawan

    15 na pagkain na magpapalakas ng immune system ng iyong katawan

  • Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

    Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.