Ano nga ba ang epekto ng alak sa breast milk? Totoo ba na nakakapagpadami ng gatas ang beer?
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng alak sa breast milk
- Myths at facts tungkol sa pag-inom ng alcohol habang nagpapadede
- Gaano kahalaga ang breastfeeding kay baby
Ang pump and dump rule ay matagal nang sinusunod ng mga breastfeeding moms, tuwing gustong uminom ng alak. Pero ayon sa pag-aaral ngayon, hindi naman kailangang magtapon ng breast milk, kahit pa madami ang supply, para lang makainom ng paboritong alcoholic drink.
Epekto ng alak sa breast milk, pwede bang uminom kahit nagpapadede? | Image form Unsplash
Epekto ng alak sa breast milk: Pwede bang uminom kahit nagpapadede?
Imbis na mag-pump at itapon, pagkatapos makainom, kailangan lang magpalipas ng oras bago magpadede. Ang paghihintay ay nagbibigay ng oras para ma-proseso ng katawan ang ininom na alkohol.
Ang paghihintay na mawala ang lasing ang sikreto para hindi kailanganing sayangin ang breastmilk. Pero gaano nga ba katagal dapat maghintay?
BASAHIN:
For the breastfeeding mom: 7 best nursing pillows in the Philippines
6 best breast pumps para sa Pinoy moms (Includes Prices!)
Ang hindi maipaliwanag na emosyon ng ating breastfeeding at formula-feeding moms
Tandaan na ang alak ay posibleng mapunta sa breastmilk, at mas mabagal ang pagkawala nito sa sistema ni baby, kaysa sa ina.
Ang dami ng naimon na alak na nasa dugo ni mommy ay halos kasindami ng breast milk alcohol level. Ayon sa mga pagsasaliksik, para sa mga inang nagpapadede, at nakainom, ang blood alcohol concentration ay tumataas nang mas mabagal kaysa sa mga non-breastfeeding moms.
Pagdating naman sa tagal ng pananatili ng alkohol sa sistema ni mommy, maaaring magtagal ito ng mula 2 oras hanggang ilang araw. Depende ito sa dami ng nainom na alak, at alcohol content ng nainom, at kung ano ang timbang ni mommy.
Payo ng mga eksperto
Ayon sa mga eksperto, maghintay ng 2 oras pagkatapos uminom ng kahit isang bote o baso lang, bago magpadede.
Payo ng La Leche League: “A 140-pound woman would need two to three hours before her body is alcohol free after one serving of wine or beer. (Ang isang 140-pound na babae ay kailangan ng 2 hanggang 3 oras na paghihintay para maging alcohol-free ang katawan at sistema, pagkatapos ng isang serving ng wine o beer.)”
Epekto ng alak sa breast milk, pwede bang uminom kahit nagpapadede? | Image form iStock
Ang Pump and Dump technique ay hindi nagbibigay ng kasiguruhan na mawawala ang traces ng alcohol sa katawan, o makakapagpabilis ng pag-proseso ng katawan sa nainom na alak.
Kung ilang lagok lang naman ng alak ay nainom, puwede pa rin magpadede, basta’t hindi nakakaramdam ng pagkalasing o pagkahilo.
Dapat bang itigil nang tuluyan ang pump and dump?
Hindi. May mga dahilan kung bakit ginagawa ito, at madalas ay dahil nakakapagbigay ito ng “comfort” kay mommy—napipigil nito ang paglaki o pamamaga ng breasts, at nakakapagpadami pa ng supply ng breast milk, kahit hindi tuluy-tuloy ang pagpapadede.
May mga popular myths din tungkol sa pag-inom ng alak, at kung paano ito nakakatulong na magpadami ng breast milk supply, at nakakatulong na magpatulog kay baby. Pero ayon sa mga eksperto at scientific studies, hindi ito totoo.
Myths at facts tungkol sa pag-inom ng alcohol habang nagpapadede
Myth
Nakakapagpadami ng gatas ang alak.
Fact
Hindi nakakatulong sa pagdami ng breastmilk ang pag-inom ng alak. Ayon sa mga pag-aaral, ang epekto ng alak sa breast milk ay ang pagpapahina nito sa milk supply ng nanay.
Fact
Bagamat unti-unti ding nawawala ang alcohol sa sistema ni mommy, payo ng mga eksperto na hindi dapat umiinom ng maraming alak o nagpapakalasing kapag nagbubuntis. Hindi lang mababawasan ang masustansiyang gatas na naiinom ni baby, maaaring maiba rin ang lasa nito! Makakakapekto ito sa kalusugan ng bata.
Myth
Mas mahimbing ang tulog ni baby kapag nagpadede ng naka-inom si mommy.
Fact
Ang popular myth na ang pag-inom ng alak habang nagpapadede a nakakatulong sa pagtulog ni baby, ay HINDI TOTOO.
Fact
Huwag matutulog ng katabi ang baby kapag nakainom ng alak, lalo pa’t lasing, kahit sabihin mo pang hindi mo naman ramdam na lasing ka. Hindi kailangang i-deprive ang sarili kung minsan ay gusto mo lang mag-enjoy at uminom ng alak. Nakaka-stress naman din talaga ang pagpapadede at pag-aalaga kay baby.
Kaya kung paminsan-minsan ay gustong uminom ng isang basong wine, o isang boteng beer, bakit ba hindi? Basta’t dapat tandaan ang tama at sapat na pag-inom: drink responsibly, ika nga. Walang pwedeng maghusga sa iyo. Pero alamin sa sarili kung ano lang ang sapat at dapat na dami ng alcohol sa katawan, o kayang inumin nang hindi ka malalasing at hindi mapapabayaan si baby.
Gaano kahalaga ang breastfeeding kay baby?
Ang pagpapasuso ng ina sa kanyang bagong silang na sanggol ay isang tagpong hindi mapapalampas ng karamihan lalo na ng mga first time moms.
Ang breastfeeding ay imporante hindi lang para kay baby kundi pa na rin kay mommy. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyong makukuha sa gatas ng ina?
1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies
Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t-ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil dito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Epekto ng alak sa breast milk, pwede bang uminom kahit nagpapadede? | Image form Unsplash
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.
3. Mapoprotektahan si baby sa sakit
Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba’t-ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:
Bukod pa dito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan rin ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Dagdag pa dito, nakakatalino rin ang gatas ni mommy!
Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng atleast 1 year. Makakatulong ito sa kanya at syempre para sa iyo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa’yo para mabawasan ang iyong timbang.
Pero naiintindihan din natin na hindi lahat ng ina ay kayang makapag produce ng sapat na gatas sa kanyang baby. Ito ang dahilan kung bakit lumilipat sila sa formula drink na pwede sa mga newborn babies bilang alternatibong gatas.
Mahalagang paalala:
Ayon sa mga eksperto, ang formula milk ay walang antibodies na makukuha para sa pangunahing kailangan ni baby. Nagpapatunay dito ang mga pag-aaral na ang mga baby na hindi dumaan sa breastfeed ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng diarrhea, pneumonia at infection. Ang pag-inom ng formula milk sa baby ay isang alternatibong paraan lamang kung walang sapat na gatas ang ina para sa kanyang anak.
Kaya naman ang payo ng mga eskperto, ugaliin ang breastfeeding kay baby.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Anna Santos Villar
Sources:
Mayo Clinic, NCBI, La Leche League UK
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!