Mula sa unang pag-iyak ng isang sanggol, myriad of expectations kung tawagin ang nararamdaman ng ating mga dakilang ina kung paano nila papalakihin ang kanilang anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang hindi maipaliwanag na emosyon ng ating breastfeeding at formula-feeding moms
- Social barriers
- Ang lose-lose situation
Karamihan ganito ang nararanasan. Isa na siguro sa pagkakaparehas ng ating mommies ay ang pag-alala kung paano mabibigyan ng “best” nutrition ang kanilang anak.
Tamang pagpapasuso ng sanggol | Image from Shutterstock
Ang hindi maipaliwanag na emosyon ng ating breastfeeding at formula-feeding moms
Maituturing nang “international public interest” ng mga nanay kung paano bigyan ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak. Makikita sa listahan ng breastfeeding benefits ang pag-aaral na ito, at talaga namang maiintindihan mo ang bawat rason.
Sa bansang UK, naitala na umaabot sa 80% ng nanay ang nais i-breastfeed ang kanilang mga anak. Habang ang 1% naman ay umabot sa nirerekomendang anim na buwan ang pagpapasuso. Ibig sabihin, may ilang sanggol ang nakatanggap ng formula supplementation sa unang kritikal na buwan nila.
Sa kasamaang palad, ayon sa bagong pag-aaral tungkol sa mga formula-feeding mom, napag-alaman na nakakaramdam sila ng guilt, hiya at pagkawala ng kasiyahan kapag pinapainom nila ang kanilang anak ng formula milk o nililipat sa bote.
BASAHIN:
Pagpapasuso: Paano masigurong nagagawa itong mabuti
Safe ba na uminom ng Enervon Multivitamins ang breastfeeding mom?
Halaan soup o tinolang halaan swak sa mga breastfeeding moms pati na rin sa buong pamilya
Pasok sa usaping ito ang mga nanay na tumigil sa pagpapasuso at hirap makapagbigay ng gatas. Sila ang mas nakakaranas ng dissatisfaction.
Anim na buwan na pagpapasuso? Hindi ito madali.
Sa pangalawang pag-aaral na isinagawa, nakakaranas pa rin nito ang mga nanay kahit na wala silang negatibong naranasan dati. Lahat ng nanay ay nakakaranas nito.
Tamang pagpapasuso ng sanggol | Image from Shutterstock
Tamang pagpapasuso ng sanggol: Social barriers
Malaki rin ang ginagampanan ng lipunan sa pinagdadaanan ng ating breastfeeding moms. Oo, isa sila sa dahilan kung bakit hirap ang mga nanay sa pagpapasuso.
Maaaring may kapamilya ka na nag-suggest na ilipat sandali sa formula milk ang iyong anak para namakakatulong din sa kanila. Pwede rin namang sinabi ni mister na kailangan mo ng pahinga kaya naman formula milk muna si baby. Pasok din sa usapin na ito ang munting diskriminasyon na nararanasan ng ating nanay sa pampublikong lugar.
Kapag nakitang sila ay nagpapasuso, kailangan nilang magtabon o umalis. Ilan lang ito sa dahilan kung bakit sila ay nalilito at nagsisimulang magduda sa kapangyarihan ng pagpapasuso sa kanilang anak.
Sa kabilang banda, makakatulong sa mga nanay ang paalala na “breast is best” na mensahe. Dito nila maiintindihan ng buo ang konsepto ng breastfeeding at formula-feeding. Ang hatid na mensahe nito ay para ipaintindi sa mga nanay kung ano ang benepisyong taglay ng gatas ng ina pati na ang ibang mahahalagang impormasyon tungkol dito.
May koneksyon din ang memsahe na ito sa konsepto ng pagiging “mabuting magulang”.
Ngunit anuman ang rason ng kanilang pagpapasuso, makakatulong pa rin ang slogan na “breast is best” para sa aitng mga nanay.
Tamang pagpapasuso ng sanggol | Image from Unsplash
Ang lose-lose situation
May ibang nanay ang walang kakayan na maglabas ng gatas.
Nalaman ng aming research na ang mga nanay na ito ay nakakaramdam ng kaunting pagkadismaya kung ikukumpara sa ibang breastfeeding moms. Lagi rin silang laman ng clinic na nanghihingi ng payo sa propesyonal para sa kanilang breastfeeding journey.
Isa pang gawain ng mga nanay ay ang tanungin ang ibang kamag-anak tungkol sa kanilang sariling karanasan sa feeding session kay baby. Kung hindi maayos ang pagkakahanda sa isang formula milk na ibibigay sa iyong anak, maaaring ito’y ma-contaminate at pagmulan ng naturang sakit.
Ang breastfeeding ay napagalamang mayroong pangmatagalang benepisyo sa kalusugan ng isang bata. Ngunit para sa ibang nanay? Malaki ang epekto nito sa kanilang mentalidad katulad ng hindi pagkakaroon ng sapat na tulog. “Breast is beast” Kinakailangan ng bawat isa ng comforting at powerful words lalo na sa mga moms na nagkakaroon ng problema sa pagpapasuso.
Ang negatibong emosyon na ito ng mga nanay ay maaaring magdulot ng delikadong kilos. Katulad na lamang ng pagsubok sa “homemade formula” o maagang pagbibigay ng solid foods kay baby.
Rekomendasyon ng WHO, kinakailangang atleast 6 months ang pagpapasuso sa isang sanggol. Ngunit hindi maiiwasan ng ilang nanay na hindi ito masunod dahil sa ilang rason. Kaya naman mahalaga ang pagbibigay ng powerful message sa kanila para mabawasan kahit papaano ang kanilang dinadala.
Sophia Komninou, Lecturer in Infant and Child Public Health, Swansea University and Victoria Fallon, Lecturer in Psychology, University of Liverpool
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!