X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

7 min read
5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

May sakit, stressed, o distracted ba ang iyong sanggol? Nagbago ka ba ng pabango? Ilan ito sa maaaring dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby.

Maraming maaaring dahilan o sanhi kung bakit ayaw dumede ni baby, matapos ang ilang buwang maayos na pagpapadede. Ang tawag dito ay breastfeeding strike. Kadalasan, ito ay senyales na may iba pang mas malalim na dahilan. 

Mababasa sa artikulong ito:

  • 5 Dahilan kung bakit ayaw dumede ng baby
  • Mga maaaring gawin upang dumede si baby

Baka mukhang gusto ni baby na dumede, ngunit bigla itong mawawalan ng gana, hindi ka papansinin o iiyak. Ang breastfeeding strike ay nangyayaring biglaan kung minsan, at gradually naman sa iba.

Narito ang mga posibleng dahilan o sanhi kung bakit ayaw dumede ng iyong baby. Maaari itong makatulong sa inyo sapagkat kapag alam natin ang sanhi, malalaman natin ang pwedeng gawin at solusyon sa problemang ito.

Kaya naman basahin mo niyo ito mga moms.

5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

1. May sakit o discomfort.

ayaw dumede ni baby

Larawan mula sa iStock

Baka si baby ay nagti-teething, may oral thrush, o may singaw kaya ayaw nitong dumede. May nararamdaman ding sakit sa pagdede kung may ear infection si baby. At saka kapag bagong bakuna ang sanggol, maaaring ang posisyon habang dumedede ay masakit para sa kaniya.

Kaya naman maaaring ibahin ang posisyon ng pagpapadede kay baby. Para hindi siya makaramdam ng sakit o discomfort. Sa ganitong paraan makakadede siya ng maayos.

2. May sakit.

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby ay baka may sakit siya. Nahihirapang huminga ang sanggol kung ito ay may sipon o barado ang ilong.

Siguraduhin na regular siyang napapa-check up sa kaniyang doktor. Maging mapanuri ka rin sa kaniyang mga ikinikilos. Baka kasi kaya ayaw niyang dumede ay dahiln may nararamdaman na si baby.

Kaya naman dapat maging aware ka rin sa kaniyang iba pang mga kinikilos. Hindi kasi makakapagpasalita si baby. Tanging sa mga paggalaw ng katawan o pag-iyak ang kaniyang uri ng communication.

3. May nakaka-stress o nakaka-distract.

Kung overstimulated, madalas ma-delay ang pagpapasuso, o nawalay sa iyo nang matagal, ang ilan sa dahilan kaya ayaw dumede ni baby. Kung masyadong distracted ang sanggol ay maaaring hindi rin ito makadede.

Kaya naman iwasan ang mga bagay na maaaring makapagpa-stress sa iyong baby o mga bagay na maaaring makakapagpa-distract sa kaniyang pagdede. Gawing komportable ang kaniyang experience sa breastfeeding.

4. Kakaibang amoy o lasa.

Isa pa sa mga sanhi kung bakit ayaw dumede ni baby ay baka may kakaibang amoy siyang naamoy o may ibang lasa siyang nalalasahan.

Kung nagbago ka ng ginagamit na sabon, shampoo, lotion, o pabango, baka manibago si baby at maging dahilang kung bakit ayaw na niyang dumede sa iyo. 

Ang iyong mga kinakain, ang pagkakaroon ng buwanang dalaw, o ang pagiging buntis ulit, ay maaari ring makaapekto sa lasa ng iyong gatas at dahilan upang mag-breastfeeding strike si baby.

5. Kumonti ang iyong gatas.

Isa maaari sa mga dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby ay ang kaunti mong gatas. Ang pag-gamit ng formula o pacifier nang madalas ay maaaring makahina ng supply ng iyong gatas. Maaari ring senyales ito na ikaw ay buntis ulit.

*Alalahanin na hindi dahil ayaw na dumede ni baby ay ibig sabihin handa na itong mag-wean. Madalas ay natatapos din agad ang breastfeeding strikes.

ayaw dumede ni baby

Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

STUDY: Pagpapadede, nakakatulong raw para matutunan ni baby ang umaga at gabi

Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa’yo!

LIST: Top 5 best nipple cream for breastfeeding in the Philippines

Mga puwedeng gawin kapag ayaw dumede ni baby

Huwag panghinaan ng loob kung ayaw dumede ni baby. Huwag ding ma-guilty dahil hindi mo ito kasalanan.

Maging matiyaga habang naga-adjust sa feeding habit na ito ng iyong anak. Upang maiwasan ang pamamaga ng iyong breasts at ma-maintain ang iyong milk supply, patuloy na mag-pump ayon sa feeding schedule ni baby. Subukan itong ipainom sa kaniya gamit ang kutsarita, dropper, o feeding bottle.

Puwede ring:

Subukan muli

 Ilapit ang iyong nipple at subukang padedehen si baby. Kung ayaw niya, huminto at subukan muli matapos ang ilang oras. Huwag kang susuko. 

Ibahin ang feeding position

Kung barado ang ilong ni baby, hawakan siya nang patayo habang nagpapadede. Baka makatulong din kung isa-suction ang ilong ni baby bago magpadede.

Partner Stories
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

Tanggalin ang distractions

Subukang magpadede sa tahimik at madilim na lugar. Isa ito sa mga paraan na maaari mong gawin upang dumede ulit si baby.

I-cuddle si baby

Ang skin-to-skin contact ay maaaring maka-engganyo kay baby na dumede muli. Kaya naman subukan ang pamamaraang ito upang mapapade muli si baby at makuha niya ang mga kinakailangan niyang sustansiya. 

ayaw dumede ni baby

Larawan mula sa iStock

Pahupain ang teething issues.

Bago magpadede, kuskusin ang gilagid ni baby gamit ang basang washcloth o ang iyong daliri. Kung kinakagat ka ni baby habang siya ay dumedede, huwag masyado mag-react at ipasok ang daliri sa bibig ni baby upang matanggal ang suction.

I-address ang biting issues. 

Kung ang iyong anak o baby ay kinakagat ka tuwing breastfeeding, maging kalmado lamang at ipaasok ang iyong daliri sa bibig ng iyong baby. Upang matigil ang ng mabilis ang suction.

Obserbahan ang iyong sarili.

May nagbago ba sa iyong routine? Stressed ka ba? May bagong iniinom na gamot? Nag-iba ba ang iyong diet? Nagpalit ka ba ng sabon o pabango? Buntis ka ba? Maaaring ito ang sanhi kaya ayaw dumede ni baby.

Matulog kasama si baby

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng easy access si baby sa iyong breast habang natutulog at maaari itong makatulong upang mapadede siya.

Magpatugtog ng music

Makakatulong din ang pagpapatugtog ng music na nakakapagpakalma kay baby. Makakatulong din ito upang siyang dumede ulit.

Magpadede sa medyo madilim na lugar

Ang paraan na ito’y makakatulong din upang mapadali at dumede ulit ang iyong baby. Maaari i-dim ang ilaw sa inyong kwarto o kwarto kung saan siya papadehin.

Maaari mo ring subukang ang padedehin siya gamit ang spoon, eyedropper, o syringe habang sinusubukan mong mapabalik siya sa breastfeeding.

Siyempre, bilang nanay gusto natin na makuha ni baby ang sustansiyang kinakailangan niya. Kaya naman pwedeng gawin ang ganitong option.

ayaw dumede ni baby

Larawan mula sa iStock

Kung hindi talaga siya magre-respond sa mga paraang ito, maaari ring ikonsidera ang bottle feeding. Siguradhin na ikonsulta rin muna ito sa doktor at humingi ng payo patungkol sa formula milk na iyong ipapadede sa iyong baby.

Pero pwede namang gamitin o ipadede kay baby ang iyong breastmilk gamit ang bottle feeding. Siguradihin lamang din na naka-store ito ng maayos. Baka kasi masira ito at wala nang nutrients na makukuha ang iyong anak o baby.

Tandaan:

Kung matagal nang ayaw dumede ni baby, kung labis na umonti ang basang diaper niya kada araw, at kung nag-aalala sa paraan ng kaniyang pagdede, kumonsulta sa kaniyang doktor.

Tandaan mga mommy na mas mainam pa rin ang payo ng mga doktor para sa kalusugan ng iyong baby. Kaya huwag mahiya na lumapit at humingi ng tulong sa iyong doktor. 

 

Source: Mayo Clinic, La Leche League International

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Romy Peña Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • 5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby
Share:
  • Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa'yo!

    Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa'yo!

  • 'Hindi sapat ang iniinom na gatas ng baby ko': Bakit mas kaunti sa inaasahan ang iniinom na gatas ng baby

    'Hindi sapat ang iniinom na gatas ng baby ko': Bakit mas kaunti sa inaasahan ang iniinom na gatas ng baby

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa'yo!

    Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa'yo!

  • 'Hindi sapat ang iniinom na gatas ng baby ko': Bakit mas kaunti sa inaasahan ang iniinom na gatas ng baby

    'Hindi sapat ang iniinom na gatas ng baby ko': Bakit mas kaunti sa inaasahan ang iniinom na gatas ng baby

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.