Narito kung paano lutuin ang halaan soup o tinolang halaan na kilala bilang isa sa mga ipinapayong ibigay sa mga nagpapasusong ina. Pero ang halaan soup hindi lang pala para sa kanila, marami ring health benefits na naibibigay ito para sa buong pamilya.
Sa artikulong ito’y matutunan ang mga sumusunod:
- Sangkap sa pagluluto ng halaan soup.
- Paano niluluto ang halaan soup.
- Mga health benefits na naibibigay ng halaan soup.
Halaan soup o tinolang halaan recipe
Ang halaan soup ang isa sa popular na ibinibigay sa mga nagpapasusong ina. Dahil sa ito umano’y nakakatulong sa produksyon ng breastmilk lalo na sa mga first time mom. Pero ayon sa mga health expert, maliban dito napakarami pang benepisyong naidudulot ng putaheng ito sa ating katawan. Puno kasi ito ng vitamins and minerals na hindi lang para sa ating mga mommy kung hindi pati na rin sa ating buong pamilya.
Health benefits ng halaan
Background photo created by user14579558 – www.freepik.com
Napapanatili nitong healthy ang ating puso at dugo.
Isa na nga sa health benefits ng halaan ay ang nakakatulong ang pagkain nito upang makaiwas tayo sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Ito’y dahil sa taglay nitong omega-3 fatty acids.
Napapanatili rin nito ang pagkakaroon ng ating katawan ng healthy nerves at blood cells. Sapagkat sa taglay nitong vitamin B12 na nakakatulong rin upang makaiwas tayo sa megaloblastic anemia. Kabilang din ito sa mga high potassium foods na sinasabing nakakapag-regulate ng high blood pressure.
Nakakatulong ito para makaiwas tayo sa fatty liver at brain disease.
Nagtataglay rin ito ng choline na nakakatulong sa katawan na makakaiwas sa fatty liver disease. Ganoon din sa mga sakit na Alzheimer’s at dementia.
May taglay rin itong riboflavin na para naman sa ating brain health. Ayon sa mga health expert, ang pag-higop nga ng sabaw ng halaan soup ay nakakatulong para maibsan ang sakit ng ulo at migraine. Nakakatulong din ito para mapanatiling healthy ang ating mga mata at mabawasan ang sintomas ng depresyon.
Nakakatulong ito sa growth and development ng ating mga anak.
Rich in protein din ito na kailangan ng ating mga anak sa kanilang growth and development. Ipinapayo rin itong kainin ng mga buntis para rin sa development ng kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.
Naiiwas tayo nito sa pagkakaroon ng sakit sa ating thyroid.
Dahil sa ito’y isang uri ng seafood, rich in iodine ito na makakatulong para makaiwas tayo sa pagkakaroon ng thyroid problems tulad ng goiter. Ayon sa ilang pag-aaral, napatunayang nakakatulong din ito para makaiwas ang isang tao sa pagkakaroon ng autoimmune disease na rheumatoid arthritis.
Sa kabuuan, maraming health benefits na maibibigay sa atin ang pagkain ng halaan. Ang kinagandahan lang nito, siksik man ito sa mga vitamins at minerals ay napakadali nitong ihanda at lutuin. Partikular na ang halaan soup o tinolang halaan na perfect ihanda sa pamilya kapares ng iba pang ulam o putahe na nais mong ihain sa kanila.
Larawan mula sa Unsplash
Para nga masimulan na ang paghahanda at pagluluto ng halaan soup ay narito ang mga impormasyong dapat mong malaman.
Mga ingredients o sangkap sa paggawa ng halaan soup
- 1 kilong malinis na halaan
- 1 kutsarang mantika
- 2 butil ng pinitpit na bawang
- 1 pirasong hiniwang sibuyas
- 5 tasang tubig
- 2 inches na hiniwang luya
- Dahon ng sili
- Asin at paminta pampalasa
BASAHIN
Ginataang mais recipe: Ang perfect pang-breakfast o meryenda ng buong pamilya!
Beef salpicao recipe: 7 easy steps + budget friendly ingredients!
Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe
Paraan o procedure ng pagluluto ng halaan soup
Food photo created by senivpetro – www.freepik.com
Isa sa mahalagang bagay na dapat matutunan sa pagluluto ng halaan soup ay ang tamang paglilinis nito. Kung hindi ang mga duming taglay nito’y maaaring humalo sa masarap sanang sabaw ng putaheng ito.
Bago lutuin ang halaan, una, dapat i-brush o kuskusin ang shells nito para maalis ang mga duming nakakapit dito. Hugasan itong maigi. Saka ito ibabad sa palangganang may tubig sa loob ng isang oras. Para kusang bumuka ang halaan at ilabas ang mga buhangin at iba pang duming taglay nito.
Matapos ang isang oras ay itapon ang tubig na pinagbabaran ng halaan at simulan na ang pagluluto nito.
Narito naman ang mga hakbang kung paano lulutuin ang halaan soup o tinolang halaan.
- Magpainit ng kawali. Kapag mainit na ito ay ilagay na ang mantika.
- Sa mainit na mantika ay igisa ang bawang, sibuyas at luya.
- Igisa hanggang sa maamoy mo na ang mabangong aroma nito na palatandaan na ang mga ito ay luto na.
- Sunod ng ilagay ang malinis na halaan. Saka ibuhos dito ang 5 tasang tubig.
- Hayaan itong kumulo.
- Kapag kumulo na ang iyong halaan soup ay maaari mo na itong timplahan ng asin at paminta. Maaari ring gumamit ng patis bilang pangtimpla kung iyong nanaisin.
- Saka sunod na ilagay ang dahon ng sili para sa dagdag nitong lasa at presentasyon. Maliban sa dahon ng sili’y maaari ring gumamit ng iba pang uri ng green leafy vegetable. Maaaring ito’y malunggay, spinach, dahon ng sibuyas o kaya naman ay hilaw na bunga ng papaya.
- Hayaan lang maluto muna ang sahog na gulay. Saka ito mainit na i-serve sa iyong pamilya kapartner ang pritong isda o anumang putahe.
Source:
Live Strong
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!