Caldereta, bistek at mechado. Ilan lamang ito sa kilalang lutuin ng baka na inihahain tuwing may handaan. Ngunit narinig mo na ba ang recipe ng Beef Salpicao?
Mababasa sa artikulong ito:
- Pinagmulan ng Beef Salpicao
- Recipe ng Beef salpicao
- Paraan ng pagluluto ng Beef Salpicao: Step by step!
- Iba pang tips para mapasarap ang Beef Salpicao
Kung hindi pa, subukan ang easy steps na ito plus ang kaniyang budget friendly ingredients!
Beef salpicao recipe: 7 easy steps + budget friendly ingredients! | Image from iStock
Parents, malapit na ba ang kaarawan ni mister o kaya naman struggle kayo sa paulit-ulit na ulam tuwing tanghalian? ‘Wag mag-aalala at subukan ang putaheng ito!
Ano ang beef salpicao recipe?
Ang Beef Salpicao ay isang Filipino dish kung saan ginagamitan ng bawang, butter, chili flakes. Ito ay masasabing “beef stir-fry” dahil hindi ito komplikadong gawin.
Hilig na ng ilan ang magluto ng beef salpicao bilang kanilang main dish sa handaan. May pagkakahawig ito sa sikat na cuisine dito sa Pilipinas na adobo kaya naman pasok ito sa panlasang pinoy.
BASAHIN:
Bangus Sisig Recipe: Ang healthier sisig!
Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family
Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!
Ayon sa iba, ang pangalan ng putahe na ito ay nagmula sa salitang espanyol na salpicar na ibig sabihin ay “iwisik o isaboy”. Kaya naman ito ay may may kaugnayan sa maliliit na bawang na siyang nagpapasarap sa beef salpicao.
Pinaniniwalaang ito ay impluwensya ng Spain dahil may pagkakahawig ito sa isang putahe nila na kung tawagin ay Solomillo al Ajillo.
Ngayon, tayo ay magluto na ng Beef Salpicao!
Beef salpicao recipe: 7 easy steps + budget friendly ingredients! | Image from Unsplash
Beef salpicao recipe
Narito ang budget friendly ingredients ng Beef Salpicao. Abot kaya ito at hindi nakakabutas ng bulsa!
- 1 1/2 pounds ng karne ng baka (ribeye, sirloin o tenderloin), hatiin ito sa cubes
- 1 buong bawang; hatiin ng maliliit
- 1/4 cup ng toyo
- 1/4 teaspoon ng chili flakes
- 1 teaspoon ng asukal na brown
- 1 tablespoon ng oyster sauce
- 5 tablespoon ng worcestershire Sauce
- 3 tablespoon ng olive oil
- 1/8 cup ng butter
- Asin at paminta
Paraan ng pagluluto ng beef salpicao: Step by step!
Cooking time: Maximum ng 30 minutes
1. Ilagay sa katamtamang laki ng mangkok ang karne ng baka. ‘Wag kakalimutan ang asin at paminta rito na magiging pangdagdag lasa. I-marinate ng sampung minuto.
2. Habang nakababad ang iyong karne, pagsamasamahin sa maliit na mangkok ang toyo, worcestershire sauce, asukal na brown at chili flakes. Haluin ito hanggang matunaw ang asukal at iba pang sangkap.
3. Sa iyong kawali, ilagay na ang butter at olive oil. Tandaan na ito ay dapat nasa medium heat lamang.
Beef salpicao recipe: 7 easy steps + budget friendly ingredients! | Image from Unsplash
4. Kapag mainit na ang kawali, sunod na ilagay dito ang bawang. Haluin lang para maiwasang masunog. Hintayin na ito’y mag-brown saka lakasan ang apoy.
5. Saka isunod na ang karneng nakababad. ‘Wag muna isama ito sa kawali. Lutuin ang magkabilang bahagi ng karne sa tagal na isa hanggang dalawang minuto.
6. Saka na isunod ang pinagbabaran ng kaninang karne. Hintaying maluto na tila natutuyo na ang sauce sa karne. Lutuin ito ng tatlo hanggang limang minuto.
7. Ilagay sa plato at ihain ng mainit. Enjoy!
Beef salpicao recipe: 7 easy steps + budget friendly ingredients! | Image from iStock
Tips para mapasarap ang Beef Salpicao
- Pumili ng fresh na karne ng baka. Ilan sa masasabing juicy na parte ng karne ay ang ribeye o sirloin. Kaya naman ito ang nirerekomenda ng karamihan.
- Para mapanatiling malambot at juicy ang karne, ‘wag itong i-overcook!
- Tandaan na kailangang tantyado mo ang sukat ng karne. ‘Wag masyadong malaki o maliit.
- Ang sikreto para mapasarap ang Beef Salpicao ay ang bawang nito.
- Bilang pandagdag ng kulay at mapanatili ang freshness nito, maaaring magdagdag ng chopped green onions bilang pang-garnish sa Beef Salpicao.
- Siyempre, mas masarap ang Beef Salpicao kung pagsasalusaluhan ito ng buong pamilya!