X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!

4 min read
Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!

Kung ako ang tatanungin, una sa listahan ng mga paborito kong gawing adobo sa bahay ang baboy, mas lalo na kung liempo. At kung sa paraan lang ng pagluluto ay mas pabor sa akin ang lutuin siya ng dalawang beses bago namin ito ihain.

Kung ako ang tatanungin, una sa listahan ng mga paborito kong gawing adobo sa bahay ang baboy—mas lalo na kung liempo ang gagamitin. At kung sa paraan ng pagluluto ng adobong baboy naman ay mas pabor sa akin ang lutuin siya ng dalawang beses bago ito ihain!

Mula pa sa lola ko ang recipe ng twice-cooked adobong baboy. Naipasa naman ito sa’kin ng aking nanay, kung kaya’t lagi ko silang naaalala sa tuwing niluluto ko ito.

Halina’t tikman ang family recipe namin!

  • Ingredients para sa adobong baboy
  • Magandang parte ng baboy para sa putaheng ito
  • Paraan ng pagluto 
adobong baboy liempo

Liempo cut para sa adobong baboy | Photo by Lucas Vinicius Peixoto on Unsplash

Adobong baboy: Liempo ang gamitin!

Sabi ng nanay at lola ko sa’kin na sa liempo nakukuha ang tamang balanse ng karne, taba at balat. At kung lulutuin ito ng pangalawang beses, lalong lalabas at tila magde-develop ang lasa ng karne kahalo ng adobong baboy marinade na tiyak namang nakakagana.

Ang pinakapaborito ko sa lutuing ito ang pagkakaroon ng medyo crispy texture sa karne. Bagay na bagay ito sa garlic rice, na may healthy side dish tulad ng nahiwang kamatis at itlog na pula.

Ang isa din sa mga secrets ng aming adobong baboy recipe ay ang dami ng bawang. Imbis na iilang cloves lang, ginagamitan namin ito ng isang head of garlic (isang buong bawang). Mas magiging garlicky at magdudulot ng crispy bits ang adobong baboy kapag ito ay naluto na nang husto.

Kinakailangan din na ganito karami ang bawang dahil kapag niluto na ito ng dalawang beses ay matutuyo ang sabaw at manunuot sa karne ang ginamit ninyong adobo marinade.

benepisyo ng bawang

Gumamit ng maraming bawang sa pork adobo recipe na ito! | Image from Freepik

 

How to make Filipino chicken adobo

How to cook adobo and other classic Pinoy dishes

Can’t get enough of this adobo recipe

Benepisyo ng karagdagang bawang 

Alam niyo ba na sa simpleng paraan lang ng pagdagdag ng bawang sa mga paborito ninyong lutuin (tulad na lamang ng adobong baboy) ay makukuha kayo ng health benefits?

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ngunit ang paggamit ng garlic ay maaaring makatulong upang siguradong makuha ang mga magagandang health benefits nito. Tulad na lang ng pagbu-boost ng immune system, pag-relieve ng high blood pressure, at pagkakaroon ng antioxidants para maiwasan ang mga sakit tulad ng Alzheimer’s Disease at Dementia.

Importanteng malaman ang mga health benefits ng mga ingredients na ginagamit niyo sa pagluluto. Lalo na sa panahon ngayon, patuloy pa rin tayong nag-iingat sa ating mga kalusugan, upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi kanais-nais na virus tulad ng COVID-19. Kahit sa maliit na bagay na pag-gamit ng mga healthy ingredients sa inyong mga lutuin ay tiyak na maaaring makatulong upang hindi madaling madapuan ng sakit.

Kaya ano pa hinihintay niyo, subukan ang aming garlicky twice-cooked adobong baboy recipe! 

how to cook adobong baboy

Photo by Alexandra Tran on Unsplash

Twice Cooked Adobong Baboy Recipe

*Para sa apat na katao ang adobong baboy recipe na ito

Ingredients:

  • 1 kilo pork belly, sliced
  • 1 head na bawang crushed
  • 1/2 tasang sukang puti
  • ¼ tasang toyo
  • ¼ tasang tubig
  • ½ teaspoon pamintang buo
  • 3 laurel leaves
  • 1 tablespoon asukal
  • 1 teaspoon patis

How to cook adobong baboy:

  1. Hugasan ang pork belly (liempo) at hiwain.
  2. Ihanda ang bawang at gamitin ang likod ng kutsilyo upang i-crush ito. Hindi na kailangan hiwain dahil maluluto din ito nang husto sa adobo marinade.
  3. Sangkutsahin ang baboy at bawang sa kaldero over medium heat. Gawin ito ng mga 3 minutes.
  4. Ilagay ang iba pang sangkap (toyo, suka) at i-adjust ang heat to low para mag-simmer ng mga 40 minutes o hanggang sa lumambot ang karne.
  5. Ihiwalay ang sarsa (kasama ang naluto na garlic pieces) sa napalambot na karne at alisin ang excess na mantika na maaring nakalutang sa sarsa. Isantabi.
  6. Ihanda ang malinis na shallow pan upang prituhin ang pork belly hanggang sa mag-mantika. Siguraduhing may takip ang kaldero dahil may posibilidad na matalsikan kayo habang ginagawa ang step na ito. Alisin din ang excess na mantika habang niluluto ang remaining na adobong baboy.
  7. Papulain ang karne bago ihalo ang itinabing adobo sauce. Ihain kasama ng mainit na kanin, hiniwang kamatis at itlog na pula. Maaari rin na dagdagan ito ng hard-boiled na itlog.

 

Main photo: Eiliv-Sonas Aceron on Unsplash

Partner Stories
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nines Licad

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!
Share:
  • Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

    Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

  • Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe

    Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe

  • Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

    Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

    Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

  • Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe

    Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe

  • Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

    Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.