Can I take Enervon while breastfeeding? Narito ang sagot na dapat malaman ng mga nagpapasusong ina tungkol sa multivitamins na ito.
Breastfeeding mom: Can I take Enervon while breastfeeding?
Isang ina na miyembro ng the Asianparent community ang nagtanong tungkol sa kung safe ba ang Enervon sa breastfeeding mom na tulad niya. Narito mga nakalap naming impormasyon. Pero para makasigurado mahigpit naming ipinapayo na magtanong at magpakonsulta sa isang doktor.
Enervon sa breastfeeding mom
Ang Enervon ay kilalang multivitamins na pangunahing nagtataglay ng vitamin B para sa pagbibigay ng energy sa katawan. Base sa etiketa nito, ang mga B vitamins na taglay ng Enervon ay ang sumusunod:
- 50 mg Thiamine Mononitrate (Vitamin B1)
- 20 mg Riboflavin (Vitamin B2)
- 5 mg Pyridoxine Hydrochloride
- 5 mcg Cyanocobalamin (Vitamin B12)
- 50 mg Nicotinamide
- 20 mg Calcium Pantothenate
Ang mga ito ay nakakatulong para maiwasan ang impeksyon. Pati na upang ma-promote ang cell health, cell growth, healthy brain function, good digestion at marami pang ibang benepisyo.
Habang ang 500 mg Ascorbic Acid o vitamin C na taglay nito ay nakakatulong naman upang palakasin ang immunity ng katawan laban sa mga sakit.
STUDY: Vitamin B6 maaring makaapekto sa breastmilk supply ng isang ina
Bagamat makikitang puro magaganda ang epekto nito sa katawan, isang pag-aaral na nailathala sa The New England Journal of Medicine ang nakapagsabi na ang taglay na pyridoxine hydrochloride o vitamin B6 nito ay hindi makakabuti para sa mga nagpapasusong ina. Ito ay dahil pinipigilan nito ang lactation at secretion ng breastmilk.
“Vitamin B6 (pyridoxine hydrochloride) is contained in most prenatal and multivitamin preparations. Available research states that pyridoxine blocks lactation and inhibits the secretion of breast milk in nursing mothers by suppressing the normally elevated prolactin hormone levels encountered during puerperium.”
Ito ang isang bahagi ng abstract ng ginawang pag-aaral.
Kaya rekomendasyon ng mga author ng ginawang pag-aaral para sa mga nagpapasusong ina ay uminom ng multivitamins na hindi nagtataglay ng pyridoxine.
Safe parin ang vitamin B6 basta hindi sosobra
Pero ayon naman sa National Institutes of Health o NIH, hindi naman nakakasama ang vitamin B6 sa mga breastfeeding moms. Basta’t ito ay hindi sosobra sa recommended dietary allowance o RDA nito sa isang araw na 2 mg. Dahil kung sosobra maaring mabawasan nito ang supply ng gatas o breastmilk ng isang ina.
Base sa etiketa ng Enervon, ang bawat tableta nito ay nagtataglay ng 5 mg pyridoxine hydrochloride na higit sa inirerekumendang 2 mg dietary allowance nito sa isang araw. Kaya naman may posibilidad na makaapekto ito sa breastmilk supply ng nagpapasusong ina.
Tips para maging malusog ang pagpapasuso ng isang ina
Payo naman ng University of California San Francisco Health, maliban sa pag-inom ng multivitamins mas makakabuti kung kakain ng masusustansyang pagkain ang isang breastfeeding mom. Ang mga pagkaing ito ay ang sumusunod
Pagkaing rich in protein
Para sa mga nagpapasusong ina, inirerekumenda na kumain ng 2-3 servings ng protein kada araw. Ang kada serving nito ay katumbas ng 3-4 ounces ng karne, isda at manok. Ang iba pang good source ng protein ay ang sumusunod:
- Seafood
- Itlog
- Cheese
- Milk at yogurt
- Cottage cheese
- Tofu
- Dried beans
Para sa seafood inirerekumenda ng FDA o Food and Drug Administration na hindi dapat kumain ng mga sumusunod ang mga nagpapasusong ina. Dahil sa ang mga ito ay may mataas na mercury content:
- Shark
- Swordfish
- King mackerel o tilefish
Pagkaing rich in calcium
Para naman sa calcium, inirerekumendang magkaroon ng daily intake ang mga breastfeeding moms ng 1,300 milligrams per day. Ang isang tasa ng gatas o yogurt ay nagtataglay ng 300 milligrams ng calcium. Ang iba pang pagkain na good source of calcium ay ang sumusunod:
- Hard cheese
- Calcium fortified orange juice
- Calcium fortified tofu
Pagkaing rich in iron
Mahalaga rin ang iron sa mga breastfeeding moms. Inirerekumendang para sa mga inang 18-anyos pababa ay dapat mayroon ng 10 milligrams daily intake ng iron. Habang para sa mga inang 19-anyos pataas ay dapat mayroon sila ng 9 milligrams daily intake nito.
Ang mga pagkaing good sources of iron ay ang sumusunod:
- Meat
- Poultry
- Seafood
- Dried beans
- Dried fruit
- Egg yolks
Pagkaing rich in vitamin C
Kailangan rin ng mga breastfeeding moms ng vitamin C na mas higit pa sa kanilang kailangan noong nagbubuntis. Para sa mga inang 18-anyos pababa, dapat ay mayroon silang 115 milligrams daily intake ng vitamin C. Habang para sa mga inang 19-anyos pataas ay dapat mayroon silang 120 milligrams daily intake nito.
Ang mga pagkaing good source ng vitamin C ay ang sumusunod:
- Citrus fruits
- Broccoli
- Cantaloupe
- Potato
- Bell pepper
- Tomato
- Kiwi
- Cauliflower
- Cabbage
Para mas mapanatili ang adequate breastmilk supply, ay dapat ring uminom ng hindi bababa sa 8 basong tubig ang breastfeeding mom sa isang araw. Maliban rito ang mga juice, herb teas at soups ay makakabuti rin sa kaniya.
Habang kailangan niya namang iwasang uminom ng mga inuming high in caffeine. Tulad ng kape, tsaa at soda.
Dapat niya ring iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot. Dahil hindi lang ito makakasama sa kaniyang kalusugan, ang mga kemikal na taglay nito ay maari ring mapunta sa kaniyang pinapasusong sanggol.
Source:
Unilab, UCSF Health
BASAHIN:
Breastfeeding habang may COVID-19: Wash your breast and wear mask
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!