Naghahanap ng best baby cereal sa Philippines? Maaari ka naming matulungan! Ngayong handa na sa solid foods si baby, maaari ng ipakilala sa kanya ang mga baby cereals.
Ano ang baby cereals?
[caption id="attachment_482197" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Image from iStock[/caption]
Ang baby cereals ay tradisyonal na pagkain para sa mga sanggol na handa ng kumain ng solid food. Ito ay gawa sa whole grains gaya ng bigas, oats, wheat, barley o mixed grains.
Powdered-form ito kaya kailangang haluan ng tubig bago ipakain sa baby. Alternatibo rin sa tubig bilang panunaw sa baby cereals ang breastmilk o formula milk.
Bagaman mas mainam pa rin ang mga pureed-form ng mga gulay o prutas, alternatibo lamang ang mga baby cereals bilang panghalili sa mga ito.
Ang pagpapakain ng baby cereals ay panimulang hakbang upang matutunan niyang kumain ng malalapot at may tekstura na pagkain.
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng best baby cereal Philippines
1. Mga sangkap
Kilatising maigi ang bawat sangkap na nakasulat sa label ng mga baby cereals. Kinakailangan na ang bawat sangkap nito ay mabuti para sa kalusugan ni baby. Sa ganitong paraan din maiiwasan mo ang mga sangkap na maaaring maging trigger sa allergies ng iyong anak.
2. Product reviews mula sa eksperto
Natural lamang na may mga kakilala tayo na nagrerekomenda ng bawat produkto na hiyang sa kanila. Bukod sa kanilang rekomendasyon, mainam din na alamin din ang product reviews mula sa mga eksperto. Mas maiintindihan natin ang teknikal na aspeto ng mga nakasaad sa baby cereals mula sa kanila.
3. Aprubado ng FDA
Importante na aprubado ng sangay ng pamahalaan ang mga baby cereal sa Philippines. Ito ay bilang patunay na ang baby cereal brand ay nasuri na sa mga laboratoryo at sertipikadong ligtas kainin ng tao.
Maaaring tignan ang baby cereal brand sa verification portal ng Food and Drug Administration na makikita sa kanilang website.
6 best brands ng baby cereal
[product-comparison-table title="Best brands ng baby cereal"]
Best iron-fortified cereal
[caption id="attachment_482201" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Gerber[/caption]
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay certified organic ng USDA at Oregon Tilth, isang american non-profit organization na sumusuporta sa organic agriculture simula pa noong taong 1974.
Wala itong artificial color at flavor. Fortified ito ng Iron na nakatutulong sa brain development ni baby. Gluten-free at non-GMO. Ito ay luto na kaya hahaluan na lang ng tubig at ready to serve na.
Marami ring varieties ang Gerber Organic Baby Cereal gaya ng oatmeal, healthy bits (may halong maliliit na piraso ng prutas o gulay) at yogurt melts. Iba-iba rin ang sangkap na gulay at prutas ng ilan sa mga ito na angkop sa food exploration ni baby.
Features:
- Sertipikado ng USDA at Oregon Tilth
- Non-GMO
- Gluten-free
- No artificial color and flavor
- Fortified with Iron
- With vitamins and minerals
- Easy to prepare
- May instruction label na madaling sundin
- Ang packaging nito ay BPA-free
Best Organic Cereal
[caption id="attachment_482222" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Happy Baby[/caption]
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay gawa sa organic oats, Vitamin C at iron na sumusuporta sa brain development ni baby. Mayroon din itong organic quinoa na isang grain na may kumpletong protina para sa muscle growth. Non-GMO at gluten-free din. Aprubado ng USDA. Ready to serve ang timpla ng baby cereal.
Features:
- Sertipikado ng USDA
- Non-GMO
- Gluten-free
- Fortified with Vitamin C and iron
- May milled organic quinoa na mayaman sa protina
- Easy to prepare
- May instruction label na madaling sundin
- Mayroong information sign ukol sa kahandaan ng baby na kumain
- BPA-free ang packaging
- Resealable pack
Most Popular Cereal Brand
[caption id="attachment_482223" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Cerelac[/caption]
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ang pinakapopular na baby cereal brand sa Philippines. Mabibili ito sa halos lahat ng pamilihan sa bansa. Mayroon itong Iron, Zinc, Vitamin A, Vitamin B1, Vitamin C, Omega 3 at Iodine.
May karagdagan itong Bifidus BL, isang uri ng probiotic na nakatutulong labanan ang mga harmful bacteria sa loob ng tiyan ni baby. W
ala itong artificial color at preservatives. Maraming varieties ng flavor na maaaring pagpilian gaya ng mixed vegetables & soya, chicken & vegetables, wheat & milk at marami pang iba.
Features:
- Fortified ng Iron, Zinc, Vitamin A, B1 at C
- May Omega 3, Iodine at Bifidus BL
- No artificial color and preservatives
- Easy to prepare
- May instruction label na madaling sundin
- Pinakapopular na baby cereal sa Philippines
- Available sa halos lahat ng pamilihan sa bansa
Best Savory Cereal
[caption id="attachment_482224" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Milna[/caption]
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ang pinakamurang baby cereal brand sa ating listahan. Mayroon itong dalawang flavors na kahalintulad ang lasa sa pagkain ng mga adults: chicken soup & sweet corn at beef stew & green peas.
Sertipikadong halal o pagkaing puwede kainin ng mga Muslim. Fortified ito ng Iron, Calcium, AA-DHA at mga vitamins and minerals. Wala itong artificial color at preservatives.
Features:
- Fortified with Iron, Calcium at AA-DHA
- May 9 vitamins at 3 minerals
- Walang artificial color at preservatives
- Sertipikadong halal
- Easy to prepare
- May instruction label na madaling sundin
- Pinakamurang brand sa listahan
Best Whole Grain Cereal
[caption id="attachment_482216" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Earth's Best[/caption]
Bakit mo ito magugustuhan?
Organic ang mga sangkap nito kaya walang artificial color, flavor at preservatives. Fortified din ito ng Iron, vitamins at minerals.
Sertipikadong organic ng USDA. Non-GMO. Mayroon itong tatlong variants: rice cereal, oatmeal cereal at whole grain multi-grain cereal.
Features:
- Non-GMO
- No artificial color, flavor at preservatives
- USDA-Certified organic
- Fortified with Iron, vitamins and minerals
- Easy to prepare
- May instruction label na madaling sundin
Best nutrient booster
[caption id="attachment_482225" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya | Nutri Booster[/caption]
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang produktong ito ay sariling atin. Binuo ito sa tulong ng Department of Science and Technology o DOST. Gawa ito sa limang masustansiyang sangkap: Rice, Banana, Malunggay, Monggo at Soybean.
All-natural kaya walang halong artificial color, flavor at preservatives. Mayroon itong Seal of Quality Excellence mula sa Q Asia's National Product Quality Excellence Awards.
Features:
- No artificial color, flavor at preservatives
- Produkto ng Pilipinas
- Binuo katuwang ang Department of Science and Technology
- May Seal of Quality Excellence mula sa Q Asia
- May instruction label na madaling sundin
- Easy to prepare
Price Comparison Table
Brands |
Pack size |
Price |
Price per gram |
Gerber |
227 g (pack of 2) |
Php 1,040.00 |
Php 2.29 |
Happy Baby |
198 g |
Php 325.00 |
Php 1.64 |
Cerelac |
250 g |
Php 146.00 |
Php 0.58 |
Milna |
120 g |
Php 73.00 |
Php 0.61 |
Earth's Best |
227 g |
Php 490.00 |
Php 2.16 |
Nutri Booster |
200 g |
Php 263.00 |
Php 1.32 |
Mga gabay sa tamang pagpili ng baby cereals
[caption id="attachment_482199" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Cereal Philippines: Best Brands na Masarap at Masustansya[/caption]
1. Iba't ibang flavor na pagpipilian
Kagaya nating mga magulang, gusto rin natin na matikman ni baby ang iba't ibang uri ng pagkain. Importante ang food exploration sa yugtong ito ng iyong anak upang matutunan niyang mag-enjoy sa masasarap na pagkain.
Malalaman din natin mula rito ang kanyang paboritong pagkain at mga hindi masyadong kinakain.
2. Fortified ng Iron at iba pang nutrients
Ang fortified iron at mga added nutrients mula sa baby cereals ay malaking tulong upang mapunan ang daily nutritional needs ng ating mga anak.
Nagsisilbi itong suporta sa iniinom niyang gatas. Bagaman healthy ang breastmilk, hindi ito sapat para sa lumalaking baby. Pagtungtong niya ng lima o anim na buwan, kailangang pakainin na siya ng mga pureed form ng pagkain at baby cereals.
3. Allergen-free
Ipinapayo ng mga eksperto na ipatikim pa rin sa mga baby ang mga potentially allergenic foods upang mapababa ang tiyansa ng pagkakaroon nila ng food allergies sa kalaunan.
Ngunit kung nakitaan si baby ng allergy sa mga ito, mabuting huwag na siyang pakainin ng may sangkap nito.
Kabilang sa mga potentially allergenic foods ang mga sumusunod:
- Mani at iba pang tree nuts
- Itlog
- Mga produktong gawa sa gatas ng baka
- Wheat o trigo
- Seafoods
- Soy
Mabuting komunsulta rin sa pediatrician ng iyong anak para mabigyan ng payo ukol sa anumang allergy-related concerns kay baby.
4. Presyo
Siyempre pa, dapat din nating isaalang-alang ang ating budget sa pagpili ng baby cereal brands. Kailangan na abot-kaya pa rin natin ang presyo nito upang may mapaglaanan pa tayo sa iba pang gastusin sa baha
Munting paalala para sa mga magulang
Mariing ibinabawal ng mga doktor at eksperto ang paghahalo ng baby cereal at gatas sa loob ng baby bottle. Maaari kasing mabulunan ang baby sa ganitong pamamaraan. Ipakain ang baby cereal batay sa tamang instructions na nakasaad sa label nito.
Kung may ilang tanong o concerns ukol sa pagpapakain ng baby cereals at iba pang solid food kay baby, mabuting komunsulta sa kanyang pediatrician.