Isa sa mga karaniwang hinaing na naririnig natin sa mga bata ay masakit ang kanilang tiyan. At bilang mga magulang, hahanap tayo ng gamot sa sakit ng tiyan ng bata para maibsan ang nararamdaman ng anak. Mayroong ilang mga gamot sa sakit ng tiyan ng bata na maaaring magbigay ng ginhawa, ngunit mahalagang malaman ang tamang uri batay sa sanhi ng sakit.
Pero mahalagang tandaan na mayroong iba’t ibang sanhi ang sakit ng tiyan ng bata. Nakadepende kung saang bahagi ng tiyan ang sumasakit at ano pa ang ibang sintomas na nararamdaman. Ang tamang gamot sa sakit ng tiyan ng bata ay maaaring mag-iba depende sa sanhi nito, kaya’t mahalaga ring kumonsulta sa doktor bago magbigay ng anumang gamot.
Paano nga ba malalaman ang dahilan ng sakit ng tiyan ng bata? Kailan dapat kumonsulta sa doktor at mayroon bang home remedy sa sakit ng tiyan ng bata? Alamin dito!
Sakit ng tiyan ng bata
Mahalagang kausapin ang iyong anak kapag masakit ang tiyan nito para matukoy kung anong klaseng pananakit ang nararamdaman sa kaniyang tiyan. Sa pamamagitan ng tamang pag-unawa sa sintomas, mas madali mong matutukoy kung anong klaseng gamot sa sakit ng tiyan ng bata ang maaaring kailanganin.
Puwedeng tanungin ang iyong anak kung saang bahagi ng tiyan masakit at ano ang pakiramdam nito. Alamin din kung kailan niya simulang naramdaman ang pananakit ng tiyan at kung mayroon pa bang ibang masakit sa kaniya. Ang mga detalyeng ito ay makakatulong sa pag-diagnose at sa paghahanap ng wastong gamot sa sakit ng tiyan ng bata.
Kung sanggol pa ang iyong anak at hindi pa nakapagsasalita, obserbahan ang kanilang mood. Kung masakit ang tiyan ng sanggol, posibleng maging bugnutin ito at umiyak nang umiyak. Mahalagang obserbahan ang body language ng iyong anak. Bukod sa pag-iyak at pagiging bugnutin, posible ring tanggihan ng iyong anak ang pagkain o gatas na ibinibigay mo sa kanya kung masakit ang kaniyang tiyan. Maaaring kumonsulta sa inyong pediatrician kung nagdudulot ng pagkabahala ang nararamdaman ng iyong anak at upang malaman ang tamang gamot sa sakit ng tiyan ng bata.
Larawan mula sa Freepik
Karaniwang sanhi ng stomach ache sa bata
Hindi natunawan
Maaari ding makaranas ng indigestion ang mga bata tulad ng mga matatanda. Ilan sa mga posibleng dahilan ng indigestion ay ang mga sumusunod:
- Pagkain ng masyadong mamantika, mataba, at acidic na pagkain.
- Mabilis na pagkain at hindi nanguya nang maayos ang pagkain.
- Pag-inom ng carbonated beverages o soft drinks
Mga sintomas na hindi natunawan o nakararanas ng indigestion ang iyong anak:
- Bloated o matigas ang tiyan
- Pakiramdam na tila busog na busog
- Pagdighay
- Reflux o pagdighay na may kasamang tubig o pagkain
- Pagduwal
Intolerance sa pagkain
Maaari ding makaranas ng pananakit ng tiyan ang bata kung may nakain siyang hindi gusto ng kaniyang tiyan. Nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam ang food intolerance sa bata.
Maaari itong maging iritable at makaranas ng acid reflux. Puwede rin itong makaramdam na tila bloated o matigas ang tiyan dahil sa food intolerance.
Dagdag pa rito, posible ring makaranas ng iba pang sintomas tulad ng kabag, diarrhea o pagtatae, pagsusuka, heartburn, hirap sa pagtulog, at rashes.
Ilan sa mga pagkain na posibleng magdulot ng food intolerance ay gatas, dairy products, chocolate, itlog, isda, at kamatis. Gayundin ang mani, strawberries, wheat, at mga pagkaing may additives na tulad ng monosodium glutamate o betsin.
Posibleng constipation ang dahilan ng sakit ng tiyan ng bata. Kapag may constipation ang iyong anak posible itong makaramdam ng pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan.
Bukod pa rito, puwede rin itong maging bloated o matigas ang tiyan. Ilan pa sa mga sintomas ng constipation ay ang matigas at tuyong dumi ng bata. Dagdag pa rito, maaaring constipation ang dahilan ng sakit ng tiyan ng iyong anak kung ilang araw na itong hindi dumudumi.
Kapag nakaranas ng food poisoning ang iyong anak, o nakakakain ng kontaminadong pagkain tiyak na sasakit ang tiyan nito. Posible ring sanhi ng iba’t ibang bacteria at viruses ang food poisoning.
Ang norovirus na isa sa mga virus na nagdudulot ng food poisoning ay puwede ring maging dahilan ng pagkakaroon ng gastroenteritis. Uri ito ng inflammation o pamamaga ng bituka. Ilan sa mga sintomas nito ay ang:
Larawan mula sa Freepik
Maaari ding magdulot ng pananakit ng tiyan ng bata ang stress. Posibleng magdulot ng sakit ng tiyan ng bata ang matinding pakiramdam ng lungkot, galit, pangamba, o kahit labis na saya. Ilan pa sa sintomas na maaaring maramdaman ng iyong anak kung siya ay stress ay ang mga sumusunod:
- Kakaibang kilos at behavior
- Hirap sa pagtulog
- Pananakit ng ulo
- Pakiramdam ng labis na pag-aalala, pagkairita, at galit.
- Kawalan ng gana sa activities na gustong-gusto nitong gawin noon.
Samantala, bukod sa mga nabanggit na posibleng sanhi ng sakit ng tiyan ng iyong anak, mayroon pang mga kondisyon na seryoso at dapat pagtuunan din ng pansin at atensyong medikal, tulad ng:
- Appendicitis
- Intestinal obstruction
- Urinary tract infection
- Anaphylaxis
- Infections
- Intestinal problems
- Crohn’s disease
- Ulcerative colitis
- Irritable bowel syndrome (IBS)
- Celiac Disease
Ang gamot sa sakit ng tiyan ng bata ay nakadepende sa kung ano ang sanhi ng sakit. Kaya naman, mahalagang tukuyin muna kung bakit ba sumasakit ang tiyan ng iyong anak.
Mabisang gamot sa sakit ng tiyan ng bata
Ang mabisang gamot sa sakit ng tiyan ng bata ay nakadepende sa sanhi at iba pang sintomas na nararanasan nito. Kadalasang nawawalan din naman ng kusa ang sakit ng tiyan ng bata kahit na hindi gamutin. Pero may mga mahahalagang hakbang na dapat gawin para maibsan ang nararamdamang sakit ng anak.
Home remedy sa sakit ng tiyan ng bata
Kung ikaw ay nag-aalaga ng batang masakit ang tiyan, narito ang mga home remedy sa sakit ng tiyan ng bata na maaari mong subukan para siya ay matulungan:
- Bigyan siya ng clear fluids na puwede niyang higupin tulad ng tubig, broth, o fruit juice na hinalo sa tubig.
- Iwasan ang pagkain ng maanghang at mamantikang pagkain. Gayundin ang pag-inom ng caffeinated at carbonated na inumin.
- Bigyan ito ng bland foods tulad ng saltine crackers, plain na tinapay, dry toast, kanin, gelatin, o apple sauce.
- I-encourage ang bata na subukang dumumi.
- Tiyaking may maayos na pahinga ang bata. Iwasan muna ang activity lalo na matapos kumain.
- Kung sa palagay mo ay constipated ang iyong anak, paupuin ito sa maligamgam na tubig para matulungang mailabas ang matigas na dumi. Tandaan na maligamgam o warm water lamang na kakayanin ng kaniyang balat at hindi bagong kulong tubig.
Larawan mula sa Freepik
Mayroon ding mga halamang gamot na puwedeng gamitin sa sakit ng tiyan ng bata. Ang chamomile at luya ay kilalang may healing properties na nakagagaling ng pananakit ng tiyan.
Puwedeng gawan ng chamomile tea o ginger tea ang iyong anak. Haluan ng kaunting honey ang tsaa para madaling mapainom sa iyong anak.
Bukod pa rito, kung constipation ang dahilan ng pananakit ng tiyan ng iyong anak, puwede ring pakainin ang bata ng mga gulay at prutas na sagana sa fiber.
Kung may kasamang pagsusuka ang sintomas ng sakit ng tiyan ng bata, tiyakin na hindi ito made-dehydrate. Bantayan ang senyales ng dehydration tulad ng tuyong diaper, malimit na pag-ihi ng bata, tuyong labu, at pag-iyak nang walang luha.
Karaniwang wala namang kailangang gamot sa sakit ng tiyan at pagsusuka ng bata. Pero kung tuloy-tuloy ang pagsusuka nito o maya’t maya, mahalagang kumonsulta na agad sa iyong doktor.
Importanteng malaman ang underlying issue ng pagsusukat at pananakit ng tiyan ng bata. Kapag natukoy ng doktor ang sanhi makapagrerekomenda ito ng akmang gamot sa sakit ng tiyan at pagsusuka ng bata.
Ang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae ng bata ay depende sa sintomas, edad, at general health nito. Pinakamahalagang gawin ay iwasang ma-dehydrate ang iyong anak sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng fluids.
Puwedeng bigyan ito ng glucose-electrolyte solutions na mabibili sa mga botika. Iwasan din ang pagpapainom dito ng juice o soda dahil baka lumala ang pagtatae ng bata.
Kung sanggol o toddler ang iyong anak, ipagpatuloy ang pagpapasuso rito. Mahalaga ang breastmilk para maiwasan ang diarrhea sa bata. Sakaling formula milk naman ang iniino nito ay patuloy lang din na bigyan ng gatas ng iyong anak.
Kung hindi bumubuti ang pakiramdam ng bata at patuloy na nagtatae, dalahin ito sa doktor. Kapag bacterial infection ang sanhi ng sakit ng tiyan at pagtatae nito ay posibleng resetahan ito ng doktor ng antibiotics.
Muli, ang mabisang gamot sa sakit ng tiyan ng bata ay nakadepende sa sanhi ng sakit ng tiyan. Gayundin sa edad ng bata at pangkalahatang kalagayan ng kaniyang kalusugan. Kumonsulta sa pediatrician ng inyong anak kung nagdudulot ng pagkabahala ang sakit ng tiyan ng bata.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!