X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Pag-inom ng fruit juice at softdrinks, nakaka-cancer

3 min read
STUDY: Pag-inom ng fruit juice at softdrinks, nakaka-cancer

Pag-inom ng matatamis hindi lang nakakapagdulot ng diabetes. Sanhi rin daw ito ng cancer, ayon sa isang bagong pag-aaral.

Mga sanhi ng cancer, kabilang umano ang pag-inom ng 100% fruit juice! Ito ang nakakagulat na findings ng isang bagong pag-aaral.

Pag-inom ng matatamis bilang isang sanhi ng cancer

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Sorbonne Paris Cite University, ang pag-inom ng sugary drinks ay “significantly associated” umano sa pagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng cancer sa katawan ng isang tao.

Ang sugary drinks na tinutukoy sa pag-aaral ay mga inumin na nagtataglay ng 5% sugar. Kabilang dito ang 100% fruit juice na walang dagdag na asukal at ang soda o soft drinks. Habang ang mga artificially-sweetened drinks tulad ng diet soda ay wala umanong kaugnayan sa pagpapataas ng tiyansa ng cancer.

Ito ay ang natuklasan ng mga researchers matapos sundan ang 101, 257 adults sa loob ng limang taon. Na kung saan minonitor nila ang sugar-intake at pag-inom ng artificially-sweetened beverages ng mga ito.

Sa kanilang pagsubaysay, ay naitalang may 2,193 cases ng cancer ang na-diagnose sa mga participants. At karamihan sa mga ito ay ang mga taong laging umiinom ng mga sugary drinks.

sanhi ng cancer

Image from Freepik

Paliwanag ng mga researchers

Pero para sa mga researchers’ ng ginawang pag-aaral, kailangan pa ng dagdag at mas malaking pag-aaral para masuportahan ang kanilang natuklasan.

“These results need replication in other large scale prospective studies. They suggest that sugary drinks, which are widely consumed in Western countries, might represent a modifiable risk factor for cancer prevention,” sabi nila.

Dagdag pa nila, hindi daw ito nangangahulugang kailangan ng itigil ang pag-inom ng mga sugary drinks para maiwasan ang sanhi ng cancer. Kailangan lang daw itong balansehin at limitahan.

“As usual with nutrition, the idea is not to avoid foods, just to balance the intake,” pahayag ni Dr. Mathilde Touvier na namuno sa ginawang pag-aaral.

“The recommendation from several public health agencies is to consume less than one drink per day. If you consume from time to time a sugary drink it won’t be a problem, but if you drink at least one glass a day it can raise the risk of several diseases – here, maybe cancer, but also with a high level of evidence, cardiometabolic diseases,” dagdag pa niya.

Ayon parin sa mga researchers, ang kanilang natuklasan ay makakatulong para mas ma-isulong ang mga existing recommendations ng pag-lilimit ng pag-inom ng mga sugary drinks. At mas madagdagan pa ang mga policy actions ukol dito tulad ng taxations at marketing restrictions.

 

Source: CNBC, The Guardian
Photo: Freepik

Basahin: Inakalang nunal, sintomas na pala ng skin cancer

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • STUDY: Pag-inom ng fruit juice at softdrinks, nakaka-cancer
Share:
  • STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer

    STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer

  • Mga sintomas ng cancer sa bata

    Mga sintomas ng cancer sa bata

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer

    STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer

  • Mga sintomas ng cancer sa bata

    Mga sintomas ng cancer sa bata

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.