Pinilit ng ama ni Megan DiDio na siya’y magpatingin sa dermatologist nang bigla siyang nagkaroon ng buhay na nunal sa kaliwang pisngi noong Hunyo 2018. Sinabi ng dermatologist na walang problema ang pagkakaroon niya ng nunal. Dahil hindi kumbinsido, nagpakuha ng biopsy si Megan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Maaaring dahilan ng pagtubo ng nunal
- Cancer sa balat at sintomas nito
Matapos ang limang linggo, tinawagan siya ng kanyang doktor para ibalita na siya ay may melanoma o cancer sa balat. Ngayon, matapos maoperahan ang 22 na taong gulang na si Megan, siya na ay cancer-free.
Photo: DailyMail/Megan DiDio
Melanoma
Ang melanoma ay nagsisimula sa melanocytes. Ang melanocytes ang skin cell na responsable sa pag-gawa ng melanin. Ito rin ang nagbibigay sa sa balat ng tan o brown na kulay nito.
Ayon sa American Cancer Society, halos 96,000 ang masusuri sa pagkakaroon ng melanoma sa US ngayong 2019. Sa bilang na ito, tinatayang 7,200 na tao ang mamamatay.
Ang cancer sa balat ay ang pinakakaraniwang cancer na nakukuha. Kahit na 1% lamang ng dami ng cancer sa balat ang dahil sa melanoma, ito ang may pinaka-maraming bilang ng namamatay.
Biglang lumabas na buhay na nunal
Sa isang interview ni Megan DiDio sa Good Morning, America, sinabi niya rito na wala pa sa pamilya ang nagkakaroon ng melanoma.
Idinagdag din niya na halos lagi siyang gumagamit ng sunscreen sa tuwing lumalabas. Simula bata pa lamang ay maputla na si Megan kasama ng pagkakaroon ng mapulang buhok. Sinisigurado ng kaniyang magulang na mayroon siyang sunscreen bago lumabas kahit pa nagkakaroon parin siya ng sunburn minsan.
Ikiniwento ni Megan na nang lumabas ang nunal sa kaniyang kaliwang pisngi, hindi niya ikinabahala ito. Sa kabutihang palad, hindi kumbinsido ang kanyang ama. Pinilit siya nito na magpatingin sa dermatologist upang makasigurado.
Bago lumipat si Megan sa Chicago para sa bagong trabaho, ipinasuri niya ang nunal. Para sa kanyiang dermatologist, mukhang normal ang nunal at walang kakaiba. Para makasigurado, pinili ni Megan na ipa-biopsy ito.
Larawan mula sa Freepik
BASAHIN:
6 Unnoticed signs of thyroid cancer
Kemikal na maaaring pagmulan ng cancer, nakita sa ilang gamit ng mga baby
Inakalang kulani, paunang sintomas na pala ng cancer sa bata
Matapos ang limang linggo, nang makalipat na siya mula California papuntang Chicago, lumabas ang resulta ng biopsy. Si Megan ay tinawagan ng kaniyang doktor para sabihin na siya’y may melanoma.
Tinanggal ng mga doktor ang nunal ni Megan nuong Setyembre taong 2018. Nagkaroon siya ng peklat at kinailangan ng partial facial reconstruction. Ganon pa man, siya’y cancer-free sa balat magmula noon.
Hanggang ngayon, bumibisita pa rin si Megan sa kaniyang dermatologist kada tatlong buwan. Nais niyang makapagbigay inspirasyon din sa iba na maging mapagmasid sa kanilang katawan at magpasuri agad sa doktor kung may napansin kakaiba.
Sa kanyang interview sa Good Morning America, hinihikayat ni Megan ang iba na magpasuri sa mga eksperto kung may pinaghihinalaan na pagbabago sa katawan.
Ano ang cancer sa balat o skin cancer?
Ang melanoma o cancer sa balat ay isang uri ng mapanganib na cancer kung saan ang nasirang DNA ng skin cell ay nagkakaroon ng genetic mutation. Karaniwang nakukuha ito mula sa pagiging expose ng balat sa ultraviolet rays o UV rays ng araw o mula sa mga tanning beds. Nagde-develop ang depektong ito sa balat at kumakalat, na nabubuo bilang isang malignant melanoma.
Senyales ng cancer sa balat o skin cancer
Larawan mula sa Freepik
Nagsisimula ang skin cancer sa hindi normal na paglaki ng isang nunal ng tao. Malaki ang tiyansa na mayroong cancer na balat kung marami siyang nunal sa katawan na bigla na lamang tumubo. Kaya naman dapat maging mapagmatiyag ang sinuman sa mga pagbabago na mapapansin sa kaniyang mga nunal.
Narito ang tinatawag na “ABCDE” ng cancer sa balat:
- Asymmetry – iregular na hugis ng isang nunal.
- Border – ipagkakaroon ng hindi makinis at hindi pantay na ibabaw ng nunal.
- Color – ang kakaibang kulay ng nunal sa regular na kulay nito.
- Diameter – ang lawak ng isang nunal sa balat ng tao.
- Evolving or Elevation – anumang pisikal na pagbabago na mapapansin sa nunal.
Agad na magpatingin sa doktor kung ang iyong nunal ay may ganitong senyales ng pagbabago.
Source:
Dailymail UK
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!