Neuroblastoma, alamin kung ano ang uri at sintomas ng cancer na ito na madalas na nararanasan ng mga maliliit na bata. Upang malaman din ang mga paraang maaaring gawin upang maiwasang magkaroon ng karamdaman na ito ang iyong anak.
Beke at kulani sa bata, sintomas ng cancer na pala
Ayon sa 21-anyos na inang si Jessa De Guzman, una niyang napansin na may tumutubong bukol sa mukha ng kaniyang isang taong gulang na anak na si Crisha Elaine. Ang buong pag-aakala niya ang bukol na ito ay beke lamang at agad na gagaling sa pagdaan ng mga araw.
Para makasigurado ay agad na dinala ni Jessa ang kaniyang unica hija sa doktor. Diagnosis ng doktor, ito ay isang kulani na gagaling sa nireseta niyang gamot. Ngunit hindi ito gumaling bagkus lalo pang lumaki ang bukol nito sa pisngi.
“Noong 5 months po siya may tumubo sa panga niya po na parang beke. Noong araw din na iyong pinacheck-up namin siya sa pedia. Tapos yun po sabi nila kulani. Binigyan kami ng gamot na puwede niyang i-take 3 times a day. One week siyang nag-take walang nangyari. Lalong lumalaki yung bukol habang tumatagal. Hindi umeepekto yung gamot sa kaniya.”
Ito ang pahayag ni De Guzman sa isang panayam sa ABS-CBN. Dahil rito ay dinala nila sa ospital ang nag-iisang anak at na-confine. Dito na nila nalaman na ito ay may stage IV neuroblastoma. cancer na pala. Napag-alaman din nilang maaaring hindi na siya magtagal.
“Sabi ng doktor 6 months to 1 year lang ang itinatagal ng mga ganyang sakit. Tinanginan na po siya doon sa ospital. Kaya po nag-alala na kami.”
Ito ang pahayag pa ni De Guzman. Sa ngayon ay nananawagan siya ng tulong upang maipagamot ang anak. Lalo pa’t hirap ang kanilang pamilya at nawalan ng trabaho ang kaniyang asawa dulot ng pandemya.
Wala pa man ay nagpapasalamat na siya sa mga may mabubuting puso na makakatulong sa kaniyang anak.
Para makipag-ugnayan kay De Guzman ay maaring siyang matawagan sa mga numerong ito: 0921-281-6786.
Ano ang neuroblastoma?
Ayon sa Standford’s Children Health, ang pediatric neuroblastoma ay isang cancerous tumor na maaaring maranasan ng mga sanggol at maliliit na bata. Ito’y nagsisimulang mabuo sa mga young nerve cells ng sanggol na nasa sinapupunan pa lang ng kaniyang ina. Madalas itong nararanasan ng mga sanggol na edad isang taong gulang pababa. Madalang naman sa mga batang edad sampung taong gulang pataas.
Ang neuroblastoma o cancer tumor na ito ay madalas na nagsisimulang tumubo sa nerve fibers ng tiyan ng isang sanggol. Ngunit ito rin ay maaring tumubo sa nerve fibers malapit sa spine, dibdib, leeg at puson ng isang bata. Dulot ito nang pagbabago sa DNA ng cells ng isang sanggol at maaring mamana niya rin mula sa kaniyang mga magulang.
Sintomas ng neuroblastoma
Iba-iba ang sintomas ng neuroblastoma depende sa bahagi ng katawan na pinagtubuan nito. Ang mga sintomas ng cancer na ito ay ang sumusunod:
Sintomas ng neuroblastoma sa abdomen o tiyan
- Abdominal pain.
- Bukol sa ilalim ng balat na hindi matigas kapag hinawakan.
- Pagbabago sa bowel habits tulad ng diarrhea o contispation.
- Kawalan ng gana kumain.
- Pamamaga ng legs.
- Pamamaga ng bayag ng mga sanggol o batang lalaki.
- Pakiramdam na laging busog.
Sintomas ng neuroblastoma sa chest o dibdib
- Pamamaga sa mukha, braso, dibdib at leeg.
- Wheezing o tila humuhuning paghinga.
- Chest pain o pananakit ng dibdib.
- Pagbabago sa mata gaya ng paglalaylay ng talukap ng mata o hindi pantay na pupil size.
- Hirap sa paglunok at paghinga.
Ang ibang sensyales o sintomas ng neuroblastoma ay ang sumusunod:
- Bukol sa ilalim ng balat o ulo.
- Eyeballs na tila lumuluwa.
- Maiitim na tila pasa sa paligid ng mata.
- Back pain o pananakit ng likod.
- Unexplained weight loss o hindi maipaliwanag na pagbabawas ng timbang.
- Bone pain o pananakit ng buto.
- Labis na pagkapagod o panghihina.
- Madalas na pagkakaroon ng impeksyon.
- Madalas na pamamasa o pagdurugo sa katawan.
- High blood pressure.
- False heart rate.
- Pamumula ng balat at pagpapawis.
Vintage photo created by lifeforstock – www.freepik.com
Lunas at komplikasyon ng neuroblastoma
Ang neuroblastoma ay maaring ma-diagnose sa pamamagitan ng blood at urine tests, imaging tests, at biopsy.
Samantala ang lunas sa neuroblastoma ay nakadepende sa kung saan tumubo ang tumor at ang laki nito. Maaaring magamot ito sa pamamagitan ng surgery, chemotherapy, radiation, immunotherapy at stem cell transplants.
Ilan naman sa kumplikasyon na maaring maidulot ng neuroblastoma ay ang sumusunod:
- Pagkalat ng cancer (metastasis) sa ibang parte ng katawan gaya sa lymp nodes, bone marrow, liven, skin at bones
- Spinal cord compression o pagkakabuo ng tumor sa spinal cord na maaring magdulot ng sakit at paralysis.
- Paraneoplastic syndrome o mga sintomas na dulot ng pagsesecrete ng neuroblastoma cells ng chemicals na maaring makairritate sa ibang normal na tissue. Ang mga sintomas na ito ay mabilis na paggalaw ng mata at hirap nito sa coordination. Isang bibihirang syndrome na maaring madulot pa nito ay abdominal swelling at diarrhea.
Paano ito maiiwasan?
Paalala ng mga doktor bagamat ang ibang kaso ng neuroblastoma ay hereditary o namamana, may mga magagawa naman ang mga ina upang mabawasan ang tiyansa na maranasan ng kanilang anak ang kondisyon. Sa pamamagitan ito nang pag-inom ng prenatal vitamins habang nagbubuntis. Pagkain ng masusustansiyang pagkain at regular na pagpapa-checkup sa doktor.
Source:
ABS-CBN News, American Cancer Society, TheAsianparent Philippines
Photo:
Facebook
BASAHIN:
‘Naging sobrang antukin ang baby ko—sintomas na pala ng CANCER’
STUDY: Mas malaki ang chance na magkaroon ng rare cancer ang bata
10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!