10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer

10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer

Kilala ang processed meat bilang isa sa mga pagkain na nakakacancer, ngunit may iba ring mga pagkain na nakakacancer bukod sa karne.

Dahil sa busy ng araw-araw, madali na maging prayoridad ang kaginhawaan ng buhay. Ngunit, ang mga kaginhawaan na ito ay may nakakasamang epekto na hindi natin agad nakikita.

Pagkain ang isang magandang halimbawa nito.

Ang processed na karne ay isa sa kilalang mga pagkain na nakakacancer. Ayon sa pag-aaral nuong 2015 mula sa World Health Organization, isa ito sa pinaka-nakakacancer na pagkain. Ngunit, isa lamang ito sa marami.

Ito ang 10 pang mga pagkain na nakakacancer na dapat iwasan, ayon sa Cancer Hospital Chinese Academy of Medical Sciences.

1. Sunflower seeds

Mukha mang walang nadudulot na masama, madaling naaabsorb at ipon ng sunflower seeds ang heavy metal compounds. Ito ay lalong tumitindi kapag sila ay pinalaki mula sa lupang maraming metal. Ang heavy metal ay kilalang nagdudulot ng lung cancer.

2. Chewing gum

Ang mismong gum ay hindi nakakasama, ngunit nakakasama ang ilang sangkap nito. Kabilang dito ang aspartame at titanium dioxide. Kaya sa susunod na pagbili ng gum, siguraduhin na wala ito sa listahan ng mga sangkap.

Alam ba na na bahagi ng listahana ang MSG? Ipagpatuloy ang pagbabasa!

3. Monosodium Glutamate (MSG).

Madalas na dinadagdag sa pagkain bilang pampasarap, ang Monosodium Glutamate (MSG) ay maraming panganib na maaaring idulot sa kalusugan ayon sa mga pag-aaral.

4. Atay ng baboy

Hindi lang mataas ang cholesterol ng atay ng baboy, nauugnay din ito sa liver cancer at iba pang karamdaman.

5. Glass noodles at rice noodles

Isang mahalagang foof additive sa mga noodles na ito ay ang tinatawag na "Alum." Maraming pagsususri ang nagpatibay ng ugnayan ng Alum at breast cancer, pati narin ng Alzheimer's disease sa iba.

6. Adobong gulay

Simula bata pa tayo ay itinuturo nang maganda sa kalusugan ng pagkain ng gulay. Ngunit ayon sa Cancer Hospital Chinese Academy of Medical Sciences, kung inadobo, maaaring mas nakakasama ito kaysa nakakabuti. Pinaniniwalaang ang mga gulay sa adobo ay nakakataas ng panganib ng gastric cancer.

7. Naka-boteng juice

Ang juice ay mula sa prutas, at ang prutas ay masustansya, kaya ang juice ay masustansya. Tama? Oo at hindi. Ang mga prutas, masustansya man, ay siksik sa sugar. At nakakalungkot man, hindi lahat ng juice ay mula sa sariwang prutas. Sa totoo, karamihan ng naka-boteng juice ay nilalagyan ng artificial flavoring at sugar.

8. Naka-preserbang itlog

Ang paggamit ng tingga sa pag-preserba ng itlog ay isa sa malalaking safety concerns dito. Ang tingga, kakaunti man, ay nakakalason sa mga tao- lalo na kung nakain. Bago kumain ng naka-preserbang itlog, manaliksik muna para malaman kung gumamit ng tingga sa pagproseso nito.

9. Fermented na tofu

Sa fermentation process, ang tofy ay napatunayang bukas para sa microbial contamination. Ito ang dahilan kaya mahalagang kumain lamang ng fermented tofu mula sa kilalang pinagmulan.

10. Youtiao (piniritong bread sticks)

Ayon sa Cancer Hospital Chinese Academy of Medical Sciences, ang mga pritong pagkain tulad ng youtiao, ay nagpapataas ng panganib ng prostate cancer sa mga kalalakihan.

READ: 15 Cancer signs in children that you might be ignoring

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner