Pediatric neuroblastoma, narito ang mga impormasyon tungkol sa uri ng cancer na ito na maaring maranasan ng maliliit na sanggol.
Baby na biglang naging sobrang antukin
Mother Jill with baby Huey./Image from KidSpot
Pagdating sa ating mga anak ay madalas hindi nagkakamali ang instinct nating mga ina. Halimbawa rito ang karanasan ng 36-anyos na inang si Jill May na mula sa Sydney, Australia.
Ayon kay Jill, isang content sleeper o maayos naman ang sleeping pattern ng kaniyang baby na si Huey mula ng ito ay maipanganak ng taong 2017. Ngunit ng mag-11-week-old na ito ay tila nagkaroon ng malaking pagbabago sa behaviour ni Huey.
Ito ay naging sobrang antukin na kahit sa kaniyang pagdede ay nakakatulog ang sanggol. Pero sa tuwing ibaba na nila ito, ito ay agad na nagigising. Dahilan upang hindi ito pumayag na maalis sa pagkakarga at manatiling nakayakap lang sa kaniyang ina.
Dahil sa ipinapakitang behaviour ng anak, alam ni Jill na may mali sa kaniyang baby. Kaya naman agad niya itong dinala sa duktor upang patingnan.
Ayon sa unang duktor na tumingin kau Huey, posibleng may acid reflux ang sanggol. Habang, ang pag-woworry na labis ni Jill ay maaring epekto umano ng sobra niyang pagkapagod bilang isang bagong ina.
Pero hindi kampante si Jill sa diagnosis ng unang duktor na tumingin sa kaniyang anak. Kaya naman dinala niya ito sa iba pang duktor upang makahingi ng second opinion sa kondisyon ng kaniyang Baby Huey.
“But I knew something was wrong and so I pushed, and finally when he was 11 weeks old I got into a pediatrician.”
Ito ang pahayag ni Jill sa isang panayam. Ang persistence niyang ito ay nagbunga at nalaman niya ang tunay na dahilan ng ipinapakitang behavior ng kaniyang baby. Isang bagay na akala niya ay hindi mangyayari sa kaniya at madalas niya lang nakikita sa pelikula.
Sintomas na may cancer na pala
Ang baby ni Jill na si Huey ay na-diagnose na may cancer na pala. Ito ay tinatawag na pediatric neuroblastoma. Ito ay isang uri ng cancer na nagdulot ng pagkakaroon ng 5cm na tumor o bukol sa leeg ni Huey. Naapektuhan nito ang kaniyang maayos na paghinga at lumaki na ng 5 beses na mas malaki sa normal size nito.
“He did some tests and felt his tummy and went out of the room and came back again and was measuring things. He went out and came back and then he sat us down, looked at us and said: ‘I don’t know how to say this, but I think your son has cancer’.
“It was like a movie, I felt like I was out of my body.”
Ito umano ang naging reaksyon ni Jill ng malaman ang tunay na kondisyon ng kaniyang baby. At upang maisaayos ito ay agad na sumailalim sa chemotherapy si Huey. Sa loob ng 7 buwang pag-che-chemo ay naalis ang bukol sa leeg ni Huey.
Ngayon, sa edad na 4, si Huey ay isang napaka-energetic at active na bata. Mahilig itong mag-bike na hindi aakalaing nakaranas ito ng cancer noong siya ay sanggol pa lang.
4 year old Huey./Image from KidSpot
Mensahe sa mga ina: Sundin ang motherly instincts pagdating sa iyong anak.
Ayon kay Jill, kung hindi niya sinunod and bulong ng instinct niya, malamang ay hindi niya malalaman ang tunay na kondisyon ni Huey. At baka sa mura nitong edad ay maaga itong nawala sa buhay nila.
“He was a very sick little boy – but it saved his life, and without getting into that appointment, we don’t know what would have happened – he would have gone into liver failure.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Jill na may pahabol na mensahe sa lahat ng mga magulang. Ito ay ang makinig sa sinasabi ng ating instinct lalo na patungkol sa kondisyon o mga pagbabago sa kilos at galaw ng ating mga anak.
“If you’ve got that motherly instinct that something is wrong, you have to push for answers.”
Ito ang paalala ni Jill sa mga ina.
Ano ang pediatric neuroblastoma?
Ayon sa Stanford’s Children Health, ang pediatric neuroblastoma ay isang cancerous tumor na maaring maranasan ng mga sanggol at maliliit na bata. Ito ay nagsisimulang mabuo sa mga young nerve cells ng sanggol na nasa sinapupunan palang ng kaniyang ina. Madalas itong nararanasan ng mga sanggol na edad isang taong gulang pababa. At madalang naman sa mga batang edad sampung taong gulang pataas.
Ang pediatric neuroblastoma o cancer tumor na ito ay madalas na nagsisimulang tumubo sa nerve fibers ng tiyan ng isang sanggol. Ngunit ito rin ay maaring tumubo sa nerve fibers malapit sa spine, dibdib, leeg at puson ng isang bata. Ito ay dulot ng pagbabago sa DNA ng cells ng isang sanggol at maaring mamana niya rin mula sa kaniyang mga magulang.
Sintomas ng pediatric neuroblastoma
Iba-iba ang sintomas ng pediatric neuroblastoma depende sa bahagi ng katawan na pinagtubuan nito. Ang mga sintomas na ito ay ang sumusunod:
Sintomas ng pediatric neuroblastoma sa abdomen o tiyan:
- Abdominal pain.
- Bukol sa ilalim ng balat na hindi matigas kapag hinawakan.
- Pagbabago sa bowel habits tulad ng diarrhea o contispation.
- Kawalan ng gana kumain.
- Pamamaga ng legs.
- Pamamaga ng bayag ng mga sanggol o batang lalaki.
- Pakiramdam na laging busog.
Sintomas ng pediatric neuroblastoma sa chest o dibdib:
- Pamamaga sa mukha, braso, dibdib at leeg.
- Wheezing o tila humuhuning paghinga.
- Chest pain o pananakit ng dibdib.
- Pagbabago sa mata gaya ng paglalaylay ng talukap ng mata o hindi pantay na pupil size.
- Hirap sa paglunok at paghinga.
Ang ibang sensyales o sintomas ng pediatric neuroblastoma ay ang sumusunod:
- Bukol sa ilalim ng balat o ulo.
- Eyeballs na tila lumuluwa.
- Maiitim na tila pasa sa paligid ng mata.
- Back pain o pananakit ng likod.
- Unexplained weight loss o hindi maipaliwanag na pagbabawas ng timbang.
- Bone pain o pananakit ng buto.
- Labis na pagkapagod o panghihina.
- Madalas na pagkakaroon ng impeksyon.
- Madalas na pamamasa o pagdurugo sa katawan.
- High blood pressure.
- False heart rate.
- Pamumula ng balat at pagpapawis.
Lunas at komplikasyon ng neuroblastoma
Ang neuroblastoma ay maaring ma-diagnose sa pamamagitan ng blood at urine tests, imaging tests, at biopsy.
Samantala ang lunas sa neuroblastoma ay nakadepende sa kung saan tumubo ang tumor at ang laki nito. Ito ay maaring magamot sa pamamagitan ng surgery, chemotherapy, radiation, immunotherapy at stem cell transplants.
Ilan naman sa kumplikasyon na maaring maidulot ng neuroblastoma ay ang sumusunod:
- Pagkalat ng cancer (metastasis) sa ibang parte ng katawan gaya sa lymp nodes, bone marrow, liven, skin at bones
- Spinal cord compression o pagkakabuo ng tumor sa spinal cord na maaring magdulot ng sakit at paralysis.
- Paraneoplastic syndrome o mga sintomas na dulot ng pagsesecrete ng neuroblastoma cells ng chemicals na maaring makairritate sa ibang normal na tissue. Ang mga sintomas na ito ay mabilis na paggalaw ng mata at hirap nito sa coordination. Isang bibihirang syndrome na maaring madulot pa nito ay abdominal swelling at diarrhea.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
KidSpot, Stanford Children Health
Photo:
Freepik
BASAHIN:
Mga ina na walang ng sapat ng tulog mas at risk magkaroon ng cancer
STUDY: Mas malaki ang chance na magkaroon ng rare cancer ang bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!