Alamin dito ang gamot sa pagsusuka ng bata o home remedy na makakatulong sayo.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ano ang gastroenteritis?
- Paano nagkakaroon ng gastroenteritis ang isang tao?
- Gamot sa pagsusuka ng bata o home remedy na maaring gawin.
Palagi bang sumasakit ang tiyan ng iyong anak, na may kasamang pagtatae at pagsusuka? Maaaring siya ay mayroong gastroenteritis o sakit sa digestive tract. Ano nga ba ang sanhi ng gastroenteritis at mayroon bang gamot sa pagsusuka ng bata o home remedy pati na rin sa kaniyang pagtatae? Alamin dito!
Talaan ng Nilalaman
Ano ang gastroenteritis?
Gamot sa pagtatae o Gastroenteritis: Mga dapat mong malaman! | Image from Freepik
Ang gastroenteritis o stomach flu ay isa sa mga karaniwang sakit sa digestive tract na dumadapo sa mga tao, partikular sa mga baby at maliliit na bata.
Tinatawag mang stomach flu ay wala itong kinalaman sa influenza o respiratory virus na nagdudulot ng common flu. Bagkus ito ay isang impeksyon sa bituka na kadalasang dulot ng virus, bacteria, o mga germs na siyang nagiging sanhi ng mga sumusunod na sintomas ng gastroenteritis:
Sa artikulong ito, ipaliliwanag kung paano nagkakaroon ng gastroenteritis ang isang tao at kung ano ang mga gamot sa pagtatae at pagsusuka ng bata na pangunahing sintomas ng sakit na ito.
Paano nagkakaroon ng gastroenteritis ang isang tao?
May iba’t ibang posibleng sanhi ang gastroenteritis sa tao. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Virus
Ang mga virus na ito ay ang norovirus, calicivirus, astrovirus, adenovirus at ang pinaka-karaniwan sa lahat, ang rotavirus. Kadalasan itong nakukuha ng mga bata sa pagsubo ng maruming kamay o bagay.
2. Bacteria
Ilan sa mga ito ay ang E.coli, salmonella, shigella, clostridium difficile at campylobacter. Nakukuha ang mga ito sa mga pagkaing hindi naluto nang maayos o nakontamina.
3. Parasitiko
Ito ang mga entamoeba histolytica, giardia lamblia at cryptosporidium. Bagaman bihirang magkasakit mula rito, nakukuha ang mga ito sa maruruming swimming pools at pag-inom ng kontaminadong tubig.
4. Bacterial toxins
May mga bacteria na nagdudulot ng gastroenteritis dahil sa kanilang by-product gaya ng staphylococcal bacteria na naglalabas ng toxins na kumokontamina ng isang pagkain. Ilan sa mga ito ay nakukuha sa mga kontaminadong seafood.
5. Mga nakalalasong kemikal
Halimbawa nito ay ang pagkalason sa arsenic, cadmium, lead o mercury na siyang nagiging trigger sa pagkakaroon ng gastroenteritis.
6. Medikasyon sa isang sakit
May ilang gamot na nagiging sanhi ng gastroenteritis gaya ng ilang antibiotics, antacids, laxatives at mga gamot sa chemotherapy.
7. Labis na pagkain ng maasim na pagkain gaya ng mga citrus fruits
Pinatataas nito ang acid level ng digestive tract ng tao na siyang nagiging sanhi ng stomach flu.
Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy
Gamot sa pagtatae at pagsusuka ng bata
Mayroon bang home remedy sa pagsusuka at pagtatae ng bata? May gamot ba para sa pagsusuka ng bata dulot ng gastroenteritis?
Walang specific na gamot sa nasusuka o gamot para sa sakit na gastroenteritis. Kaya naman narito ang mga dapat gawin kung isa sa miyembro ng iyong pamilya ay mayroon nito. Ito ay ang mga home remedy na maaaring maging gamot sa pagsusuka at pagtatae.
Tandaan na hindi lang sa bata nangyayari ang pagsuka at pagtatae. Kaya naman ang mga sumusunod ay hindi lang paraan para gamutin ang pagsusukat at pagtatae ng bata, gamot din ito para sa mga matatanda. Makatutulong ang mga ito upang mabawasan ang mga sintomas ng gastroenteritis.
Narito ang ilang gamot sa pagsusuka home remedy sa bata na maaari mong subukan sa iyong anak. Pati na rin kung nagtatae ang bata:
1. Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy: Painumin ng maraming liquids.
Isa ito sa pinakaimportanteng gamot sa pagsusuka home remedy sa bata. Gayundin sa pagtatae. Kailangan ito upang hindi madehydrate ang isang taong dumaranas ng pagsusuka at pagtatae. Pinakamainam na painumin lagi ng tubig o oral rehydration drinks. Maaari ring pakainin ng mga pagkaing may sabaw.
Kung baby ang may gastroenteritis, ang gamot sa pagsusuka ng bata home remedy ay ipagpatuloy lamang ang pagpapa-breastfeed sa kaniya. Huwag naman painumin ng kape, tsaa at softdrinks ang mga matatanda.
Gamot sa pagtatae o Gastroenteritis: Mga dapat mong malaman! | Image from Unsplash
2. Bigyan ng mga gamot na paracetamol, anti-diarrhea o anti-vomiting.
Maaaring painumin ng paracetamol ang tao kung siya ay nilalagnat.
Puwede ring painumin ng gamot sa pagtatae gaya ng loperamide. Metoclopramide para naman sa pagsusuka. Ngunit mas mabuting magpatingin muna sa doktor upang maresetahan ng tamang gamot.
3. Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy: Pagkain para sa nagsusuka
Kung ang iyong anak ay nagsusuka dahil sa gastroenteritis, at kaya nang kumain muli. Maaaring kumain ng kaunting pagkain tulad ng mga sumusunod:
- Bananas, rice, applesauce, dry toast o BRAT diet
- Bland, easy-to-digest foods
Samantala, sa loob ng 24-48 oras pagkatapos ng huling pagsusuka, iwasan ang mga pagkaing maaaring makairita sa tiyan. Pati na rin ang mga mahirap tunawin tulad ng alkohol, caffeine, taba/langis, maanghang na pagkain, gatas o keso.
Pagsusuka ng bata: Gastroenteritis nga ba?
Bago bigyan ng ano mang gamot sa pagsusuka ng bata ang iyong anak, mahalagang malaman din muna kung ano ba talaga ang underlying cause ng kaniyang pagsusuka.
Ano ba ang sanhi ng pagsusuka ng bata? May gamot ba para sa sakit ng tiyan at pagsusuka ng bata?
Dahilan ng pagsusuka ng bata
Kung iyong anak ay nakararanas ng pagsusuka, mahalagang alamin muna ang maaaring sanhi ng pagsusuka ng bata. Ito ay para mas mabigyan ng angkop na gamot o tulong para sa sakit ng tiyan at pagsusuka ng bata. Ang mabisang gamot sa pagsusuka ng bata ay nakadepende sa kung ano ang sanhi ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka.
Ang pagsusuka ng bata pero walang lagnat ay maaaring senyales na ito ay apektado ng gastroenteritis. Nagsisimula ang mga sintomas 12–48 oras pagkatapos makuha ng iyong anak ang virus. Kasama ng pagsusuka, malamang na magkakaroon din sila ng pagtatae, pagduduwal, at pananakit ng tiyan.
Karamihan sa mga bata na may ganitong karamdaman ay bumubuti sa loob ng 1 hanggang 3 araw. Ngunit ang mga sintomas ng gastroenteritis ay maaaring tumagal ng 7-10 araw.
Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy: Lunas sa sakit ng tiyan at pagsusuka
Mabisang gamot sa pagsusuka ng bata o home remedy na maaring gawin
Maaaring magbigay muna ng gamot sa pagsusuka o home remedy para sa iyong anak. Maaari ring tumawag na agad sa iyong doktor para sa mas siguradong gamot sa pagsusuka ng bata.
Ang mga bata na nagsusuka ay dapat bigyan ng maraming fluids upang makatulong na maiwasan ang dehydration. Siguraduhin ang pag-inom ng iyong anak ng fluids. Kapag hindi ito sinuka, painumin ulit ang bata ng mas maraming fluids kada 10 hanggang 15 minuto.
Huwag bibigyan ang bata lalung-lalo na ang sanggol ng mga sumusunod:
- Juice
- Soda
- carbonated na inumin
- tsaa
- sports drink
- inuming naglalaman ng caffeine
Ang mga inuming ito ay maaaring maglaman ng masyadong maraming asukal, na maaaring magpalala ng pagtatae. Naglalaman din ito ng kaunting salt (electrolytes), na kailangan upang palitan ang mga nawala sa katawan.
Kapag natigil ang pagsusuka nito at maaari nang kumain, subukan itong bigyan ng kaunting pagkain tulad ng sopas, kanin, pasta at tinapay.
Kung sila naman ay may lagnat, maaari silang bigyan ng angkop na paracetamol para sa bata.
Siguraduhing regular na naghuhugas ng kamay habang inaalagaan ang anak na may sakit. Panatilihin din ang pagdi-disinfect. Hintayin ang 48 na oras pagkatapos mawala ang mga sintomas bago papasukin muli ito sa paaralan.
Halamang gamot sa pagsusuka ng bata: Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy
Kung walang kakayahan o paraan upang magtanong sa doktor, maaaring gamitin ang sumusunod na halamang gamot sa pagsusuka ng bata. Ngunit mas nararapat pa rin na gumamit ng gamot na angkop at ligtas para sa iyong anak.
Narito ang ilan sa mga gamot sa pagsusuka ng bata home remedy:
Ang isang halamang gamot para sa sakit ng tiyan at pagsusuka ng bata ay ang luya. Maaaring uminom ng salabat o tsaa na gawa sa luya. O kaya naman ay maliit na piraso ng luya o candy na gawa sa luya.
Larawan mula sa Pexels Cup of Couple
Bakit hindi dapat balewalain ang pagsusuka ng bata? Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy sapat ba?
Ang simpleng pagtatae at pagsusuka ay maaaring maging malubha kung hindi ito aagapan ng mga gamot sa pagsusuka at pagtatae ng bata. Maaari itong ikamatay ng tao kaya dapat na maging mapagmatiyag sa mga nakikitang sintomas ng gastroenteritis.
Hindi rin sapat ang gamot sa pagsusuka ng bata home remedy, paunang dapat gawin lamang ito. Importante pa rin na magpatingin sa doktor lalo na kung hindi nawawala ang pagsusuka at pagtatae ng iyong anak.
Dalhin agad sa ospital ang taong may pagsusuka at pagtatae kung siya ay nakararanas ng mga sumusunod:
- Kung nagpapakita na ng senyales ng dehydration gaya ng pamumutla. panlalamig ng mga paa at kamay. Gayundin ng pagkatuyo ng bibig at pagkakaroon ng madalang at madilim ng kulay ng ihi
- Kung ang lagnat ay hindi bumababa sa 38.9 C
- Pagkakaroon ng dugo sa kanyang dumi
- Pagsuka ng may kasamang dugo
- Pagiging sobrang iritable
- Pagkaramdam ng matinding pananakit ng katawan
Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng stomach flu
Sinoman, bata o matanda ay maaaring magkaroon ng gastroenteritis o stomach flu. Ngunit may mga tao na mas mataas ang tiyansa na magkaroon nito. Sila ay ang mga sumusunod:
- Mga pasahero ng cruise-ship
- Military personnel
- Mga estudyante na nakatira sa dormitory
- Travellers sa mga less-developed na bansa
- Mga tao sa nursing homes at psychiatric wards
- Prisoners o mga taong nasa bilangguan
- Sino man na may problema sa immune system
Ang mga nabanggit ang kadalasang naaapektuhan ng stomach flu dahil sila ang madalas na nakakasalamuha sa maraming tao. Bukod sa mga ito ay ang mga bata at sanggol na madalas magsubo ng kanilang kamay at mga laruan ay mataas din ang tiyansa na magkaroon ng stomach flu.
Paano malalaman kung stomach flu ang dahilan ng pagtatae at pagsusuka
Maraming iba pang maaaring maging dahilan bakit nagsusuka o nagtatae ang bata. Paano nga ba matitiyak na ito ay stomach flu?
Kapag nagpatingin sa doktor, magsasagawa ito ng ilang test para masiguro na stomach flu nga ang dahilan ng nararanasan ng iyong anak.
Una, kukuha ito ng sample ng dumi o stool sample ng taong may sintomas ng gastroenteritis at isasalang ito sa test. Titingnan kung mayroon bang bacteria, virus, o parasite sa dumi.
Bukod pa rito, maaari ding sumailalim sa sigmoidoscopy. Medical process ito kung saan ay ipapasok ng doktor ang manipis at flexible na tube sa puwet ng pasyente.
Mayroong tiny camera ang tube na ito na siyang gagamitin para masilip ang large intestine. Titingnan ng doktor gamit ang camera kung mayroon bang sintomas ng inflammatory bowel disease sa bituka. Tatagal ng 15 minuto ang proseso na ito.
Kailan dapat mabahala
Agad nang kumonsulta sa doktor kung makitaan ng mga sumusunod na sintomas ang iyong anak:
- Mataas na lagnat o lagnat na nasa 39-degree celcius
- Nagtatae nang may kasamang dugo sa dumi
- Tila pagod na pagod
- Iritable
- Mga senyales ng dehydration tulad ng pag-iyak nang walang luha, kaunting ihi, tuyong labi.
- Nakararamdam ng matinding sakit sa tiyan.
Gayundin naman, mahalagang magpakonsulta rin ang matanda kung nakararanas ng mga sumusunod na sintomas:
- Walang tigil na nagsusuka at nagtatae sa loob ng dalawang araw
- Napunang mayroong dugo sa dumi
- Nagsusuka ng dugo
- Dehydrated
- Matinding pagkahilo
- Malalang pananakit ng tiyan
- Lagnat na tumaas ng 40-degree celcius
- Pakiramdam nang matinding pagkapagod
Paano maiiwasan ang pagsusuka o pagkakaroon ng gastroenteritis sa pamilya
Gamot sa pagsusuka ng bata home remedy
Prevention is better than cure kaya naman narito ang ilang tips upang maiwasan ang pagkakaroon nito sa pamilya.
1. Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng mga kamay.
Turuan ang mga bata na maghugas ng kanilang mga kamay bago at pagkatapos kumain. Maghugas ng kamay bago mag-prepare ng mga pagkaing lulutuin para sa pamilya.
Maghugas rin ng kamay pagkatapos:
- gumamit ng palikuran
- umubo, bumahing o suminga
- manigarilyo
- humawak ng mga alagang hayop
Gamot sa pagtatae o Gastroenteritis: Mga dapat mong malaman! | Image from Unsplash
2. Paggamit ng hiwalay na utensils
Gumamit ng hiwalay na kitchen utensils sa mga pagkaing basa at tuyo upang maiwasan ang kontaminasyon ng mga pagkain. Bukod pa rito, ugaliin din na gumamit ng magkakaibang tuwalya ang bawat miyembro ng pamilya.
3. Tamang temperatura ng mga pagkain
Ilagay ang mga pagkain sa tamang temperatura at laging siguruhing selyado ito upang maiwasan ang pagkapanis ng mga pagkain at food poisoning.
4. Siguraduhin na lutuing mabuti ang mga pagkain na ihahain
Lutuing maigi ang mga pagkain. Sa ganitong paraan mapapatay ang mga virus at bacteria sa pagkain. Bukod pa rito, hugasan din ang lahat ng gulay at prutas bago ito kainin.
5. Kalinisan ng kapaligiran
Panatilihing malinis ang kapaligiran. Gumamit ng mga disinfectant sprays sa paglilinis ng bahay upang mapatay ang mga virus at bacteria na sanhi ng gastroenteritis.
Dagdag pa rito, tiyakin na malinis ang kusina tuwing naghahanda ng pagkain. Iwasan ding magluto o maghanda ng pagkain kung ikaw ay may sakit. Ipakiusap na lamang muna ito sa ibang miyembro ng pamilya.
6. Iwasan ang pagsasama ng mga eating utensils sa taong infected nito.
Nakakahawa ang gastroenteritis kaya dapat na iwasan ang paggamit ng parehong utensils ng taong infected. Banlian ng mainit na tubig ang mga utensils upang mapatay ang virus o bacteria.
7. Huwag munang makisalamuha sa ibang tao
Huwag munang pumasok sa eskwela o opisina ng at least 48 oras pagkatapos lumipas ng mga sintomas ng sakit. Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng sakit o viral infection sa lugar at hindi mahawa ang ibang tao.
8.Tiyaking mayroong hiwalay na kwarto para sa pagpapalit ng diaper ang child care center kung iiwan ang anak dito.
Siguraduhin na hiwalay ang kwarto kung saan puwedeng magpalit ng diaper, sa kuwarto kung saan inihahanda ang pagkain ng bata. Kung mayroon namang diaper-changing table sa kwarto, mahalaga rin na may lababo ito at malapit na basurahan kung saan maayos na maitatapon ang ginamit na diaper.
9. Iwasang hawakan ang labahing damit ng taong na-expose sa virus.
Kung mayroong may gastroenteritis sa inyong pamilya, makabubuting gumamit ng gloves sa paglalaba ng mga sinuot nitong damit. Mahalaga ring labahan ang sapin nito sa higaan, kumot, at mga damit pati na ang tuwalya sa mainit na tubig.
Patuyuin din ito sa pinakamainit na setting. Pagkatapos maglaba o humawak ng damit kahit naka-gloves ay hugasan pa rin ang mga kamay nang maayos.
10. Pabakunahan ang mga anak
Magtanong sa inyong health center o sa doktor kung may available bang bakuna kontra rotavirus. Ang rotavirus ang karaniwang nagdudulot ng stomach flu sa mga bata. Kung maaari ay pabakunahan nito ang iyong anak para maiwasan na maimpeksyon ng virus.
Samantala, narito naman ang mga dapat tandaan para maiwasang magkaroon ng stomach flu kung bibyahe:
- Iwasang kumain ng mga karne na hindi masydong luto
- Uminom lang ng tubig na maayos ang pagkaka-seal o carbonated water
- Iwasang gumamit ng ice cubes dahil hindi tiyak kung gawa ba ito sa malinis na tubig. Posibleng contaminated ang tubig ng ginawang yelo.
- Gumamit ng nakaboteng tubig sa pagsesepilyo.
- Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing tulad ng mga gulay at prutas na binalatan na ng ibang tao. Posibleng nahawakan kasi ng iba ang laman nito nang hindi naghuhugas ng kamay.
Mas mabuting makatiyak kaya mag-ingat sa mga kakainin at iinumin tuwing bumabyahe.
Maaari bang maging Covid-19 ang pagsusuka at pagtatae?
Narito ang mga sintomas ng Covid-19 na maaari niyong tignan upang malaman kung simpleng pagsusuka at pagtatae nga ba ito, sintomas ng Gastroenteritis o baka naman ay isa ng sintomas ng Covid-19.
Common na sintomas:
- Hirap sa paghinga
- Malalang ubo sa paglipas ng panahon
- Runny nose
- Lagnat
- Panginginig
- Pagkapagod
Iba pang sintomas:
- Mga sintomas ng gastrointestinal tulad ng pagtatae, pagduduwal, at pagsusuka
- Panginginig
- Sakit sa lalamunan
- Pagkawala ng lasa o amoy
- Sakit ng ulo
- Pananakit ng kalamnan
- Baradong ilong
- pagkawala ng kulay ng mga daliri o paa
- Pink eye
- Pamamantal
Ang mga indibidwal na may COVID-19 ay maaaring magkaroon ng ilan o lahat ng mga sintomas ng gastroenteritis na nabanggit sa itaas.
Kung makakaramdam man ng anumang sintomas, may exposure sa isang positive patient, o kaya naman may hinalang Covid-19 nga ang nakaapekto sa iyong kalusugan, agad na makipag-ugnayan sa iyong local health unit o doktor. Panatilihin din ang pag-isolate, pagsuot ng face mask, at paghuhugas ng kamay at infected surfaces.
Karagdagang impormasyon sinulat ni Margaux Dolores at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!