Parents, siguraduhin na malayo ang iyong pamilya sa risk ng salmonella food poisoning sa susunod na bibili ka ng itlog. Paano nga ba ang tamang pagluto ng itlog?
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dapat malaman tungkol sa Salmonella
- Mga dapat tandaan para maiwasan ang pagkalason dahil sa Salmonella
- Sintomas ng Salmonella food poisoning
- Alternatibong protina maliban sa itlog
Sa pinakabagong balita mula sa Singapore Food Agency (SFA), nakitaan ng Salmonella enteritidis ang mga itlog mula Lay Hong Berhad Layer Farm Jeram sa Malaysia. Sinuspinde pansamantala ng SFA ang farm na ito.
Mga dapat malaman tungkol sa Salmonella
Ang Salmonella ay isang bacteria na nagdadala ng sakit. Maaaring nanggaling ito sa bituka ng mga hayop at maaari mong makuha sa pagkain ng hilaw na karne, dairy product, poultry o mismong itlog. Bukod sa pagkain, pwede ka ring magkaroon nito kapag na-contaminate ang isang pagkain o inumin.
Maaaring ma-contaminate ng Salmonella ang itlog sa dalawang paraan:
- Ang una ay sa pamamagitan ng fecal contamination. Maaaring makontamina ang loob ng itlog kapag nakapasok sa pores ng shell ang bacteria na nanggaling sa dami.
- Pangalawa naman ay dahil sa partikular na uri ng Salmonella na kung tawagin ay Salmonella Enteritidis (SE). Ang bacteria na ito ay matatagpuan sa ovary ng mga manok. Malaya itong makakapasok sa mga itlog bago pa mabuo ng tuluyan ang shell. Mahirap malaman na infected na ang isang manok dahil ito ay hindi mukhang may sakit. Malalaman lang na ito ay may salmonella bacteria kapag nangitlog na.
BASAHIN:
Help! Anong kakainin at iinumin ko pagkatapos ma-food poison?
Kaning lamig, posible raw magdulot ng food poisoning
Pagpapakain ng itlog sa baby: Safe nga ba para sa kanila?
Sintomas ng Salmonella food poisoning
Ang sintomas ng salmonella food poisoning ay:
- Pagdumi
- Pananakit ng tiyan
- Abdominal cramps
- Lagnat
- Pagsusuka
- Nausea
Ayon sa SFA, tumatagal ng isang linggo ang salmonella enteritidis bago ito gumaling. Nagiging severe lang ang epekto nito sa maga matatanda, bata, buntis o may mahinang resistensya.
Kailan kailangan dalhin sa doktor ang bata?
Parents, maging alerto at bantayan ang mga sintomas na ito sa iyong anak:
- Pagdumi
- Pagkakaroon ng dugo sa kanilang dumi
- Umaabot ng 12 hours ang pagsusuka sa mga sanggol, isang araw sa mga bata (2 years old pababa) o dalawang araw sa ibang bata
- Malalang dehydration. Kabilang dito ang labis na pagkauhaw, hindi pag-ihi ng mahigit tatlong oras o kaya naman pag-iyak ng walang luha
Mga dapat tandaan para maiwasan ang pagkalason dahil sa Salmonella
Maituturing na masustansya at madaling kainin ang itlog. Para makaiwas sa salmonella food poisoning, narito ang mga dapat tandaan sa tamang pagluto ng itlog:
- Bumili lamang ng itlog sa mga aprubadong tindahan o negosyo. Katulad ng farm, importers at retailers. Siguraduhin na malinis ang shell, nakaiwas sa fecal contamination at hindi basag.
- Ang tamang pagluto ng itlog ay lutuin ito ng mabuti bago kainin dahil ang init ay nakakapatay ng bacteria. Kailangang luto na ang yolk at puti ng itlog para makaiwas sa risk ng salmonella food poisoning.
- Kainin agad ang itlog pagkatapos lutuin.
- Gumamit ng ibang utensil sa hilaw at lutong itlog.
- Para makaiwas sa cross-contamination, hugasan ng mabuti ang kamay ng sabon bago at pagkatapos humawak ng itlog.
- Ang temperatura ng itlog ay dapat nasa 4°C pababa. Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng bacteria.
- Bumili ng itlog na pasteurised na.
- Gumamit ng pasteurised eggs sa mga putaheng mayroong raw eggs katulad ng tiramisu o hollandaise sauce.
- Payo ng CDC, ‘wag tumikim o kumain ng anumang hilaw na dough o batter. Katulad ng cookie dough at cake mix na gawa sa hilaw na itlog.
Alternatibong protina maliban sa itlog
Kung nais mong palitan ang itlog sa diet ng iyong anak, marami pa namang pagkain ang mayaman sa protina na mahalaga sa kanilang paglaki at development. Narito ang mga alternatibong pagkain:
- Lutong lentils
- Tofu
- Keso
- Isda
- Yoghurt
- Mani
Tandaan: Nakadepende ang protina ng isang bata base sa kanilang edad at timbang. Mababasa ito sa US Department of Agriculture and Health and Human Services na nalimbag sa Dietary Guidelines for Americans in 2020.
- Ayon dito, kailangang makakain ng 13 grams ng protina araw-araw ang mga batang nasa edad 2-3 years old.
- Pagsapit naman ng 14 years old, pareho na ang dapat na makuhang protina ng mga babae at lalaki.
- Sa mga susunod na taon, kinakailangang kumain ng maraming protina ang mga lalaki dahil sa kanilang muscle mass kumpara sa mga babae.
- 46-grams araw-araw naman ang dapat makuha ng mga babae na may edad na 14-18 years old.
- Habang 52-grams araw-araw naman ang dapat makuha ng mga lalaki na may edad na 14-18 years old.
Malaya kang mag-experiement ng pagkain para sa iyong anak. Karamihan sa kanila, gustong-gusto ang makukulay na pagkain. Samakatuwid, imbes na manatili sa pagkain ng parehong protina araw-araw, maaaring subukan ang ibang pagkain na mayroong protina rin.
Bilang magulang, kailangan ay magkaroon tayo ng sapat na kaalaman tungko lsa salmonella. Lalo na ngayong nasa bahay ang ating mga anak. Tandaan, hindi kailangang mag-panic. Ligtas ang itlog kung ito ay lulutuin ng tama at maayos.
News Source: Straits Times
Isinilan sa wikang Filipino ni Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!