Hindi na bago para sa ating mga Pilipino ang pagkain ng kaning lamig, o bahaw kung tawagin. Siyempre, sino ba namang Pilipino ang magsasayang ng kanin? Kaya normal lang sa atin ang mag-init ng sinaing para sa sunod na araw.
Ngunit alam niyo ba na posible pala itong maging magdulot ng food poisoning?
Kaning laming, posibleng magdulot ng food poisoning
Ayon sa National Health Service ng UK, ang pagkain raw ng bahaw ay posibleng maging sanhi ng food poisoning. Ito ay dahil sa isang uri ng bacteria na kung tawagin ay Bacillus cereus.
Ang Bacillus cereus raw ay isang uri ng bacteria na natatagpuan sa bigas. Kahit raw isaing ang bigas na may ganitong bacteria ay hindi ito namamatay.
Sa kaunting amounts ay hindi naman ito nagiging mapanganib. Ngunit dumarami raw ang bacteria na ito kapag hinayaan lang ang bigas. At sa kaso ng bahaw, posibleng mabilis na kumalat ito kahit nasa loob lang ng ref ang kanin.
Ngunit payo naman ng mga eksperto ay hindi raw dapat gaanong matakot ang mga pamilya dito. Kailangan lang raw na ilagay ang kanin sa ref 1 oras matapos isaing. At huwag hahayaan na lumagpas ng 24 oras ang bahaw.
Ito ay dahil kapag lumagpas na sa 24 oras ang kanin sa ref, posibleng marami na ang Bacillus cereus dito. At ito ang magiging sanhi ng food poisoning.
Paano makakaiwas sa food poisoning?
Hindi biro ang pagkakaroon ng food poisoning. Ito ay dahil mapa-bata man o matanda ay posibleng malagay sa panganib dahil dito. Kaya importante na alamin ng mga magulang ang kanilang magagawa upang makaiwas dito.
- Siguraduhing maghugas ng kamay bago kumain. Ang mga germs o bacteria ay puwedeng pumunta sa pagkain kapag madumi ang kamay, kaya importante ang paghuhugas.
- Lutuin ng maigi ang mga pagkain, lalong lalo na ang karne.
- Huwag iwan sa labas ang mga pagkain, dahil posible itong mapanis o kaya magkaroon ng bacteria.
- Linisin ang inyong refrigerator dahil kapag hindi ito nalilinis ay posibleng tirhan ng mga bacteria at microorganisms.
Source: WRIC
Basahin: Baby gets food poisoning from sushi rice, mom warns other parents
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!