Ano ang mga sintomas ng food poisoning na dapat bantayan? Mga pagkain o inumin na dapat kainin pagkatapos, alamin!
Sintomas ng food poisoning at mga dapat kainin o inumin pagkatapos
Kahit na sobra ang pag-iingat natin araw-araw ay nagkakataon talaga na hindi natin napapansin ang mga nakakain natin. Hindi natin nammalayan na ito pala ay panis na o expired. Dahil rito, nagkakaroon tayo ng pagdudumi o paglason sa pagkain. Bukod sa pagpunta sa doctor, ano nga ba ang mga dapat kainin o inumin pagkatapos ma-food poison?
Sintomas ng food poisoning | Image from Freepik
Dahilan kung bakit nalalason sa pagkain
Isa sa pangunahing dahilan kung bakit nalalason sa pagkain ang isang tao ay dahil sa bacteria, parasite o virus na nasa pagkain na nakain nito.
- Bacteria – Kadalasang nakikita ito sa mga pagkain na dahilan ng pagka-food poison ng tao. Kilala ang bacteria na E. coli, Listeria at Salmonella na dahilan nito.
- Parasite – Nakukuha ang parasite sa pagkain kung ito ay delikado. Isa sa kilalang parasite ay ang Toxoplasma na dahilan ng pagkalason sa pagkain ng isang tao. Isa pang nakakatakot ay maaaring manirahan sa iyong digestive tract na tumatagal ng ilang taon.
- Virus – Isa ring dahilan ng pagkalason ng tao ay ang norovirus. Kasama na ang Hepatitis A virus na sobrang delikado at naipapasa sa pagkain.
Sintomas na ikaw ay na-food poison
Nakadepende ang sintomas ng food poison base sa infection na nakuha mo. Maaaring maramdaman ang sintomas pagkatapos ng isang oras. Narito ang mga sintomas na kailangan mong bantayan:
- Pagdudumi
- Pagsusuka
- Pananakit ng tiyan
- Pagkawalan ng ganang kumain
- Pagkahilo
- Panghihina
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
Ito naman ang seryosong sintomas na hindi dapat ipagsawalang bahala. Kung sakaling nararamdaman ito, agad na pumunta sa doctor.
- Pagdudumi ng mahigit tatlong araw
- Hirap sa pagsasalita
- Hirap makakita
- Mataas na lagnat
- Matinding dehydration
- Hirap sa pag-ihi
- Pagkakaroon ng dugo sa ihi
- Dry mouth
Gamot sa food poisoning ng bata | Image from Unsplash
Gamot sa food poisoning ng bata o matanda
Pagkatapos ma-food poison, kailangang kumain ng mga bland na pagkain. Makakatulong kasi ito sa iyong bituka para indi ma irritate o magkaroon ng matinding pressure agad. Habang nirerekomenda na uminom lang ng madaming tubig para makatulong sa mabilis na pag-galing ng taong nalason sa pagkain.
Pagkatapos ma-food poison ng isang tao, kailangan nitong kumain ng mga madaling matunaw o i-digest na pagkain. Ito ay mas kilala nilang BRAT diet.
- Bananas
- Rice
- Applesauce
- Toast
Ito ay isang uri ng diet ng mga taong nasa recovery process ng gastrointestinal illness. Ito kasi ay mga pagkaing bland ngunit mataas sa starch. Ang BRAT diet ay napag-alamang mataas sa potassium na nakatutulong para mapalitan ang mga nawalang electrolytes. Maaari namang subukan din ang mga pagkaing ito:
- Nilagang patatas
- Low-sugar oatmeal
- Bone broths
- Baked chicken without skin
Sintomas ng food poisoning | Image from Freepik
Babalik naman sa dating diet ang taong nagsagawa ng BRAT diet pagkatapos ng 12 – 48 hours. Narito ang mga fermented foods na maaring subukan:
- Miso soup
- Yogurt
- Kombucha tea
Mga dapat inumin pagkatapos ma-food poison
Ang taong nalason sa iang pagkain ay nawalan electrolytes dahil sa labis na pagdurumi at pagsusuka. Kaya naman makatutulong ang mga inumin na ito para mapanatili ang pagbalanse ng fluid sa katawan.
- Ceralyte
- Oralyte
- Pedialyte
Pwede ring inumin ang mga caffeine-free na tea katulad ng lemon, peppermint at ginger tea. ‘Wag munang iinom ng caffeinated drinks dahil maaaring maka-irritate at makadagdag ng pressure ito sa iyong tiyan.
Source:
Medical News Today
BASAHIN:
Babae muntik mamatay pagkatapos kumain ng watermelon na iniwan sa ref ng dalawang araw
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!