May bacteria nga ba na makukuha sa watermelon na inilagay sa ref ng overnight?
Nakasanayan na natin na kapag may tirang kanin mula sa dinner na hindi naubos o kaya naman tirang prutas na nahati na ay ilalagay sa ref para makain ulit sa susunod.
Halos araw-araw na natin itong ginagawa pero wala namang nangyayari. Ngunit para sa iba hindi lahat ay nakakaranas ng ganito. May iba kasing nakaexperience ng discomfort, food poisoning at ang malala ay death.
Para sa isang 50-year-old na babae sa Wuhan City, isang pagsubok ang dumating sa kaniya dahil lamang sa bacterial infection sa kanyang kinain at naging dahilan kung bakit siya nag agaw buhay.
Bacteria na makukuha sa watermelon na nilagay sa ref ng overnight
Ayon sa Sin Chew Daily report, isang babae ang bumili ng isang buong pakwan at kinain lang ang kalahati nito. Saka niya nilagay ang tirang watermelon sa ref ng overnight.
Saka lang niya kinain ito pagkatapos ng dalawang araw.
Wala pang ibang binigay na detalye kung paano nakuha ng babae ang infection. Kung ang watermelon ba na nilagay sa ref ay contaminated na bago pa lamang o namuo lang ang bacteria pagkatapos nito.
Bacteria na makukuha sa watermelon na inilagay sa ref ng overnight | Image from Unsplash
Panlalamig ang unang naramdamang sintomas ng babae pagkatapos niyang kainin ang pakwan sa ref. Dagdag pa sa report na lalong lumala ang kalagayan ng babae kinabukasan. Dito na siya nakaramdam ng panlalabo ng paningin, panghihina ng tuhod at panginginig ng buong katawan.
Saka na siya isinugod sa ospital para magamot.
Pagkatapos magamot ng babae, napagalaman na ito ay nagkaroon ng “shock blood pressure”
Ito ay isang severe bacterial infection kung saan libo libo ang amount ng bacteria sa katawan na sobra sobra kumpara sa normal.
Ayon sa Sin Chew, maaaring ang pagpasok ng bacteria sa bloodstream sa bituka ang naging dahilan ng sepsis at septic shock ng babae at nagdala sa kanya upang mag agaw buhay.
Naging maayos naman ang kalagayan ng babae pagkatapos ng ilang araw at dahil na rin sa pag rescue sa kanya ng mga doctor.
Nagbigay naman ng paalala ang isang propesor sa China Agricultural University. Ayon dito, nakukuha o nabubuo ang isang bacteria kapag hindi malinis ang ref o sobrang taas ang temperature nito.
Similar Incident in 2018
Noong 2018, isang lalaki ang na-diagnosed na mayroong necrotising enterocolitis (NEC). Isang medical condition kung saan nabubulok ang isang parte ng bituka.
Ang 70-year-old na lalaki ay tinanggalan ng small intestine na may sukat na 70 cm matapos magkaroon ng bacterial infection dito.
Napag-alaman na ang Necrotising Enterocolitis ay isang severe condition kung saan kadalasang naapektuhan ang mga baby na premature.
Bacteria na makukuha sa watermelon na inilagay sa ref ng overnight | Image source: Apple TV screengrab
Ang maling paghanda ng pagkain ay delikado
Kahit na sabihin nating naging maganda ang resulta ng dalawang kaso, nagbigay pa rin ito ng lesson para sa iba. Ang maling paghanda ng pagkain ay may consequence na kaharap.
Mas delikado ang magkaroon ng foodborne illness sa ilang mga grupo ng tao. Narito ang ilan sa kanila:
- Infants at mga bata
- Buntis at ang kanilang fetus
- Matatanda
- Taong may mahinang immune system
Mapapaisip tayo kung paano nga ba nakokontamina ang isang pagkain at paano ito maiiwasan. Kahit na ito ay watermelon o iba pang pagkain. Tanungin ang iyong sarili ng:
- Inilagay ba ang pagkain sa tabi ng hilaw na karne?
- Maayos ba ang seal nito at naka-store ng maayos?
- Matagal ba itong nailagay sa fridge?
- Ano ang kondisyon bago bilhin?
- Nakalagay ba ito sa maduming lugar?
- Matagal bang nakalagay sa fridge ang pagkain?
Para maging safe ang pamilya, tandaan lahat ang mga ito bago bumili o kainin ang pagkain. Narito pa ang ilang tips para masigurado ang kaligtasan ng pamilya.
Rekomendasyon ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) na ilagay sa 4ºC ang watermelon. Kung hindi naman nalagay sa fridge ito ng halos dalawang oras, ‘wag nang kainin at itapon na lamang.
Bacteria na makukuha sa watermelon na inilagay sa ref ng overnight | Image from Unsplash
Narito ang ilang safety considerations:
- Kung bibili ng hati o packed watermelon, piliin ang naka ref o napapaligiran ng yelo.
- Para sa buong watermelon
- Hugasan ng malamig na tubig ang watermelon at punasan ito ng malinis na towel para matanggal lahat ng dumi
- ‘Wag patagalin ng lagpas isang linggo ang pakwan sa loob ng ref
- ‘Wag patagalin ng lagpas dalawang linggo ang pakwan sa loob ng kwarto
- Para sa cut watermelon
- Kung tatanggalin ang buto, gumamit ng kutsilyo imbes na kamay
- Balutan ng mabuti ng plastic ito. Siguraduhin na walang makakapasok na hangin.
- Kainin agad bago ang tatlo o limang araw.
Iba pang tips na kailangang tandaan
- ‘Wag kalimutan ang basic hygiene katulad ng paghuhugas ng kamay bago humawak ng pagkain.
- Ilagay sa ref ang mga prutas at gulay.
- Ipaghiwalay ang prutas at gulay sa magkaibang compartment. Dahil kapag nahinog na ang prutas, nagdudulot ito pagkadilaw ng gulay.
- Ipaghiwa-hiwalay ang raw meat, seafood at poultry products.
- Siguraduhin na nasa tamang lamig ang iyong ref. Dapat ito ay nasa 0ºC and 4ºC. Napapataas nito ang shelf life ng pagkain at napapababa ang pagdami ng bacteria.
- Protektahan ang iyong pagkain sa pathogens. Laging basahin ang label sa storage instructions.
- Ilagay sa sealed plastic bag o covered containers ang mga hati na prutas o gulay sa ref. Maiiwasan nito ang cross-contamination.
- Ilagay sa room temperature ang mga root vegetables o prutas na kailangang mahinog katulad ng patatas.
- Siguraduhin na ikaw ay may malinis na kamay kapag naghahawak ng gulay o prutas.
- Gumamit ng magkaibang chopping board at utensils kapag naghahawak ng iba’t-ibang hilaw na pagkain katulad ng karne.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!