Clonorchiasis, ito ang sakit na nakuha ng isang lalaki sa China dahil sa pagkain ng hilaw na isda. Atay ng lalaki, punong-puno umano ng parasites ng suriin ng doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Lalaking nagkasakit dahil sa pagkain ng hilaw na isda
Mataas na lagnat, pagsusuka at hindi mawala-walang ubo na halos sampung araw na ang inirereklamo ng isang lalaki ng magpunta ito sa doktor. Nang suriin ng doktor at lumabas ang resulta ng kaniyang X-ray, natuklasang ang atay niya pala ay punong-puno ng parasites. Ayon sa doktor na tumingin sa lalaki, ang kondisyon na ito ay tinatawag na clonorchiasis. At ito ay nakukuha sa pagkain ng hilaw na isda.
Hindi naman itinanggi ng lalaki ang pagkain niya ng hilaw na isda. Ayon pa nga sa kaniya ay regular niya itong ginagawa sa loob na ng tatlong taon. Akala umano ng lalaki na kapag nilagyan ng mustard ang hilaw na isda ay mamatay na ang mga parasites na mayroon ito. Ngunit nagkamali siya.
Clonorchiasis
Ayon sa World Health Organization o WHO, ang clonorchiasis o tinatawag ding Chinese liver fluke disease ay isang infection na dulot ng clonorchis sinensis. Ang clonorchis sinensis ay isang foodborne pathogen na nagdudulot ng liver disease at madalas na nakukuha sa pagkain ng hilaw na isda. Maliban sa liver ay maari ring maapektuhan ng parasite na ito ang gall bladder at bile duct o apdo.
Kung hindi magagamot, ang infection na ito ay maaring tumagal ng 25-30 years. Ito ang buhay na itinatagal ng nasabing parasite na maaring mag-resulta sa enlarged liver at malnutrition. Maari ring mauwi sa liver o bile duct cancer ang kondisyon na ito kung hindi agad malulunasan.
Sintomas ng clonorchiasis
Sa una ay walang mapapansin o mararamdamang sintomas ang sinumang may taglay ng sakit na clonorchiasis.
Ngunit, kapag lumala na ang impeksyon at dumami na ang parasites sa katawan ng taong may clonorchiasis ay saka na ito makakaramdam ng mga sintomas ng sakit.
Ang mga sintomas ay pananakit ng itaas na bahagi ng tiyan, mataas na lagnat, fatigue o labis na pagkapagod. Maari ring makaranas ng hindi nawawalang-ubo, diarrhea at constipation ang may taglay ng kondisyong ito.
Samantala, malulunasan naman ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot na praziquantel o albendazole na kailangang may preskrisyon mula sa doktor.
Para maiwasan ang sakit, inirerekumenda ng Food and Drug Administration o FDA na lutuin ang isda sa temperaturang hindi bababa sa 145° F. O kaya naman ay i-freeze ito ng -31°F hanggang sa mag-yelo ng hindi bababa sa 24 oras.
Source: CDC, AsiaOne, WHO
Basahin: STUDY: Paghugas ng hilaw ng manok, maaaring magdulot ng sakit
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!