Malaki ang kahalagahan ng paglalaro sa mga bata. Maituturing itong “brain booster” habang sila’y lumalaki. Subalit alam mo ba kung ano ang nararapat na ibigay na laruan sa iyong anak?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Kahalagahan ng paglalaro ng bata
- Mga tips kung paano pumili ng tamang laruan sa kanila
- Kahalagahan ng empathy sa bata
Ano ang kahalagahan ng paglalaro ng bata?
Ang paglalaro sa mga bata ay hindi laro “lang”, masasabing ito’y isang ehersisyo ng parehong katawan at utak nila. Maganda ang benepisyong taglay ng paglalaro.
Kahalagahan ng paglalaro ng bata | Image from Unsplash
Isa na rito ang pagpapabuti ng kanilang critical thinking skills na makukuha sa mga puzzle, board games at riddle. Habang ang pisikal na laro katulad ng sports ay makakatulong sa pagpapatibay ng kanilang katawan. Subalit ano nga ba ang mga factor na kailangang tandaan ng magulang sa tamang pagbibigay ng laruan sa kanila?
Mga katangian ng laruan na dapat nilalaro ng iyong anak
Narito ang tips para sa’yo!
1. Mag-relax habang naglalaro
Makatutulong sa isip at concentration ng bata ang ilang mga activities na ito. Mababawasan din ang kanilang stress o maliliit na problemang kinakaharap kahit bata pa lamang. Maglaan ng oras para maglakad sa umaga o hapon. Magandang ehersisyo ito at nakapagpapatibay ng buto. Ang sariwang hangin at matatayog na puno ang makakapagparamdam ng relaxation feeling sa inyo ni baby.
Puwede rin namang i-engage siya sa gardening. Swak na swak itong bonding time para sa buong pamilya.
BASAHIN:
Nakadapa ang baby habang naglalaro, nakakabuti nga ba sa kanila?
STUDY: Paglalaro ng manika, may positibong epekto sa mga bata!
Bata, kumikita ng halos 85k dahil lang sa paglalaro ng Roblox
2. It’s memory time!
Magandang sanayin ang iyong anak sa mga construction toys katulad ng blocks, puzzle, laruan na mayroong iba’t ibang hugis o laki. Pagsasanay ito sa kanila para maging pamilyar sa iba’t ibang konsepto kung paano hinihiwalay ang mga bagay. Katulad ng hugis, kulay, laki, sukat o texture.
3. Bonding with mommy
Malaki rin ang ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa paglalaro ng kanilang anak. Kung nais mong mapalapit ng todo sa iyong anak at malaman ang kaniyang interes habang bata pa, bakit hindi ka makisali sa kaniyang mini tea party? Pwede rin namang sumali sa hide-and-seek ni bunso at ang favorite ng mga baby, peek-a-boo!
Napagalaman na mas natututo ang mga bata kapag kasama nila ang kanilang magulang.
Kahalagahan ng paglalaro ng bata | Image from Freepik
4. Sporty kiddo
Magandang pagsasanay sa mga bata ang physical sport katulad ng basketball, martial arts, swimming, aerobics at iba pa. Hindi lang nito mapapanatili ang pagiging fit kundi makakakita rin siya ng iba’t ibang ka-edad niya na magiging kaibigan.
Bukod pa rito, hindi makukumpleto ang childhood memory ng iyong anak kung hindi siya makakapaglaro ng mga larong pinoy! Katulad ng pagpapalipad ng saranggola, paglalaro ng tumbang preso, luksong tinik, hopsnotch at iba pa.
5. Dolls!
Para sa mga batang babae, normal na sa kanila ang pagkahilig sa manika o maliliit na tautauhang binibihisan. ‘Wag mahihiyang makisali sa kaniyang paglalaro kapag tinawag ka niya. Gayahin ang kaniyang mga ginagawa. Maganda itong pagkakataon para malaman kung saan siya curious at ano ang mga interes niya.
I-explore ng mabuti ang iyong anak, i-enjoy ang pretend play!
Nagpapatunay ang isang pag-aaral na ang paglalaro ng manika, nakakatulong ito upang ma-develop ang empathy at masanay ang social skills ng mga bata. Halimbawa na lamang nito, kapag naglalaro mag-isa ang iyong anak ng manika, gumagawa sila ng sariling scenario kung paano sila makikipag-usap sa ibang bata.
Kahalagahan ng empathy sa mga bata
1. Upang maintindihan nila ng mas maigi ang damdamin ng iba
Sa pamamagitan ng empathy, mas maiintindihan ng iyong anak ang behavior ng ibang tao. Tatanggapin na ang bawat isa ay may opinyon at pakiramdam. Idagdag pa rito ang pagkaintindi na ang kanilang action ay maaaring makaapekto sa iba.
Kahalagahan ng paglalaro ng bata | Image from Unsplash
2. Upang magkaroon ng magandang relasyon sa mga kaibigan
Kapag nakilala ng mabuti ng isang bata ang mga taong nakapaligid sa kaniya katulad ng pamilya o kaibigan, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung sino ang pagkakatiwalaan at lalapitan.
3. Upang ma-develop ang skill kung paano iresolba ang isang problema
Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa pakiramdam ng iba’y nakakatulong sa mga bata upang ma-develop hindi lang ang kanilang social skill kundi kung paano magresolba ng isang problema. Maaaring magamit sa school activities kapag may team work.
4. Upang maging responsable at maalagang mamamayan paglaki
Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa empathy sa murang edad ay isang susi para maging maalaga at responsableng tao habang lumalaki. Malaki ang tiyansa na maging successful sila kung bata pa lamang ay natututunan na nila kung paano basahin at makibagay sa ibang tao.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!