Trending ngayon sa social media ang isang bata na halos kumita na ng 85,000 pesos sa paglalaro lang ng roblox. Ating alamin kung paano ang proseso rito at kung ano ang age limit para makapaglaro ng roblox.
Bata, kumikita ng halos 85k dahil lang sa paglalaro ng Roblox
Maaaring ang paglalaro ng roblox ay isang hobby para sa isang batang ito. Ngunit laking gulat ng kaniyang mga magulang na siya pala ay kumikita na at nakapagpundar ng sariling laptop na gagamitin sa paglalaro!
Roblox age limit | Image from Russell Dan Bernardino Quiambao on Facebook
Sa isang Facebook post ni Russell Dan Bernardino Quiambao, ibinahagi nito ang nadiskubre niya sa kaniyang anak. Hilig kasi nito ang paglalaro ng Roblox, isang online 3D world game na patok sa kabataan ngayon. Ayon sa ama ng bata, nagulat na lang siya ng may bumibili ng robux sa kaniyang anak at kumikita ng halos 2 thousand pesos.
“Hanggang sa dumating ang araw na may mga kumakatok at pumipila na mga batang kalaro niya sa bahay namin para bumili ng ROBUX daw yun. Nagugulat kami ng Lola nya halos kumikita sya ng 1-2k dun.”
Dagdag ng ama ay nakapagpundar na ito ng gaming laptop niya na gagamitin sa paglalaro. Dinagdagan niya lang ito ng 4,000 pesos. Sa ngayon, patuloy na pumapasok ang kita ng kaniyang anak sa PayPal account nito.
Suportado naman nila ang paglalaro ng kanilang anak.
“Guys magandang maikwento ko lang dahil ‘yung anak kong si Aston Marki Nieto nakabili ng sarili nyang Gaming Laptop sa…”
Posted by Russell Dan Bernardino Quiambao on Saturday, October 3, 2020
Roblox age limit
Base sa website ng nasabing laro ito ay,
“Roblox is an imagination platform, where users are encouraged to design, create, and interact with whatever they can imagine. As a user of the Roblox platform, you and your friends can collaborate on building or just gather and explore other users’ creations.”
Ang Roblox game ay walang ibinigay na age limit ngunit inaaabiso sa mga magulang na ipalaro ito sa mga 13 years old pataas. Nakasaad sa Roblox Community Rules, na kailangan maging palakaibigan at welcoming ng mga taong maglalaro rito.
Para sa mga user na 13 years old pababa, iaabisuhan nila na tutukan ito ng mga magulang sa paglalaro at iwasang ibigay ang mga personal na impormasyon katulad ng buong pangalan, email at password, address, national identity number o iba pa.
“We strongly encourage you to protect your personal information. In some cases (such as when you are under 13), we employ automated tools and other techniques so as to help comply with legal requirements concerning your personal information. In all cases, you are not allowed to share personal information of others, including through any comment or message posted on Group walls, private or public chats, forums or personal posts.”
Roblox age limit | Image from Unsplash
Mahigpit din na ipinagbabawal ang harassment at cyberbullying sa larong ito. Kasama na rito ang stalking, pananakit, abuse o pagpapahiya sa isa’t isa. Pati na rin ang pambabastos o pagmumura sa kasama.
Lagi nating tatandaan na kailangan ng gabay ng mga bata sa paglalaro ng anumang online games. Ito’y para makaiwas sa mga masasamang loob na nagkalat online. Magset rin ng proper screen time sa paglalaro ng iyong anak.
Paano ito maiiwasan ang mga predators sa online?
Hindi masama ang gumamit ng social media. Ngunit lagi lang mag doble ingat sa lahat ng gagawin dito. Maging mapanuri at ‘wag basta basta magpapaloko. Kung ang anak mo naman ay mahilig gumamit ng social media, mas mabuting patigilin muna ito lalo na kung ito ay menor de edad pa lamang.
Narito ang dalawang mahalagang dapat gawin upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente:
1. ‘Wag makikipag-usap sa hindi mo kilala
Gaya ng kasabihan ng mga magulang sa isang bata, “Wag na ‘wag makikipag-usap sa hindi mo kilala.” Kailangan mo rin itong i-apply sa social media. Mas lalong delikado rito dahil wala ka talagang alam sa kanila. Maaaring sila ay gumagamit ng pekeng pangalan at litrato kapag sila ay makikipag-usap sa’yo.
Roblox age limit | Image from Unsplash
2. Panatilihin ang privacy
Iwasan ang mag-accept ng hindi kilala. Marami sa ganito ang balak lang mangloko. Ang pangunahing intensyon nila ay makipagkaibigan ngunit kapag naglaon, gagawin na nila ang kanilang totoong nais. Nagpapanggap silang ibang tao at kadalasan silang gumagamit ng mga pekeng litrato at pangalan.
Kung maaari, ‘wag maglalagay sa iyong profile ng mga pribadong impormasyon katulad ng iyong address at birthday. Iwasan din ang magpost ng mga current happenings katulad ng pag post tungkol sa mag-isa sa tinutuluyang bahay.
Maraming mata ang nakabantay sa’yo sa social media at wala kang kaalam-alam sa maaari nitong intensyon sa’yo.
Kaya mga moms and dads, bigyan ng sapat na gabay at aral ang iyong mga anak kung gagamit ito ng social media. Mas mabuting alam nila ang maaring dulot nito sa kanilang mga sarili. Kung maaari, limitahin ang kanilang paggamit at gawin na lang ang iba pang mas makabuluhang bagay.
Source:
Roblox
BASAHIN:
7-anyos, naimpluwensiyahang mag-suicide dahil sa Youtube at Roblox
6 na litrato ng bata na hindi dapat pinopost sa social media
Negatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!