Pictures ni baby na hindi dapat ipost sa facebook
Lahat ng ina ay proud sa kanilang anak kahit ano man ang kanilang gawin. Ang social media ang madaling paraan para maipakita sa mundo kung gaano ka kaswerte na may anak kang katulad ni baby.
Ngunit kahit totoo ang mga ito, ang mga pictures katulad ng nakaswimsuit si baby ay magandang i-private na lang at ‘wag nang ipost po sa social media.
Kung mahilig mong ipost ang mga picture ni baby katulad nito, maaaring siya ay mahiya kapag nalaman niyang nakapostt sa social media ang picture niyang nasa bathtub.
Mahalagang ugaliin na hindi i-post ang picture ni baby sa online dahil maiwasan mo ang mga naglaganap na online predators.
Para mabigyan kayo ng context, isang pangyayari noong 2012 ang napagalamang may grupo ng Facebook users ang gumagamit at nagpapakalat ng child pornography gamit ang kanilang mga facebook accounts.
Ngayong 2020, may nabalitang katulad rin nito.
Take note moms and dads! Narito ang anim na picture ng iyong anak na hindi mo dapat i-post sa social media.
*Please note that the images used in this gallery are from a subscription-based image bank, and are used to highlight each point raised in the gallery. This means the childrens’ parents have approved the use of these images by those who have subscribed to this image bank.
**Images in this gallery were updated on 02/03/2020 in keeping with highlighting the key message of this article and after taking our readers’ comments into consideration.
1. Litrato ng ibang baby
Pictures na hindi dapat ipost sa facebook | Photo: iStock
Bago mo i-post o i-tag ang mga picture ng birthday party ng iyong anak, siguraduhin lang na may pahintulot ng magulang ng batang nasa picture bago ito i-post sa Facebook.
Maaaring okay lang sa’yo na ipost ang picture ng iyong baby sa social media. Ngunit ang iba ay hindi komportable sa ganitong ganap o yung ipapakita sa publiko ang pictures ng kanilang baby. Kaya naman mahalaga ang humingi ng permission sa mga magulang ng bata bago i-post sa social media ang ganitong uri ng mga litrato.
2. Kapag papasok ng school ang iyong anak
Kadalasan, nakakasiguro tayong safe ang iyong kids kapag nasa paaralan. Ngunit tandaan, hindi mo sila nababantayan physically kapag nasa school sila.
Ang kidnapping sa school ay bihira lamang ngunit maaaring mangyari pa rin. Kaya naman iwasan ang magpost sa social media ng picture nila habang sila ay naka uniform o kapag nasa mismong paaralan na sila. Kung nais mo pa rin na ipost ito sa social media, siguraduhin lang na hindi kita ang unifom o location ng school.
3. Bath-time o shower-time
Pictures na hindi dapat ipost sa facebook | Photo: iStock
Ang pagligo ng bata ay may kasamang nudity o semi-nudity ng iyong anak.
Kapag nakikita natin ang ating mga anak na masayang naliligo dahil sa pagtalsik ng tubig at mga rubber duck nila, hindi natin maiwasang picturan sila. Ngunit hindi na ito kailangang i-post pa sa social media. Tandaan, nagkalat na ang gma online predator at Paedophile sa tabi-tabi.
4. Litrato ng iyong anak na hindi kaaya-aya
Pictures na hindi dapat ipost sa facebook | Photo: iStock
Oo, bata pa lamang ang iyong mga anak. Ngunit sila ay kailangan pa ring irespeto katulad ng pagrespeto nila sa’yo.
Sinong magulang ang nais makita ang picture ng kanilang anak na nakapost sa social media habang nagsasagawa ng potty session? Gugustuhin mo ba ito?
Dagdag pa rito, ang ‘child-shaming’ ay maaaring may short at long term consequences sa mga bata. Maaaring sila ay magkaroon ng anxiety o depression kapag sila ay lumaki.
5. Unsafe picture mo at ni baby
Pictures na hindi dapat ipost sa facebook | Photo: iStock
Para maiwasan ang judgement galing sa ibang tao, isiping mabuti kung kailangan mo bang i-post ang picture mo na nasa loob ng kotse habang hawak ang steering wheel at nasa lap si baby.
Marami na ang mapanghusgang tao na nagkalat sa social media. Madali nilang i-judge ang isang litrato habang hindi nila inaalam kung ano ba ang totoong kwento nito.
6. Holiday locations
Pictures na hindi dapat ipost sa facebook | Photo: iStock
Aminin nating lahat, guilty tayo dito. Ngunit ang pag post ng picture ng iyong pamilya habang kayo ay nasa bakasyon ay nagdadala lamang sa inyo ng panganib.
Una, ang mga taong nagmamatyag sa inyo ay malalamang wala kayo sa bahay. Kaya naman maaaring looban nila ang inyong bahay at magnakaw ng mga importanteng bagay sa inyo. Pangalawa, ang mga online predators ay malalaman ang inyong holiday destination na magdadala sa inyo sa kapahamakan.
May iba pa ba kayong alam na paraan na kailangang iwasan ng mga magulang?
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Babies for sale? Social media groups, iniimbestigahan ngayon
Negatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?