Babies for sale in PH, bentahan ng baby talamak sa Facebook!
Babies for sale in PH sa pamamagitan ng Facebook
Hindi lang damit, mga sapatos at iba pang gamit ang ibinebenta sa Facebook. Ayon sa isang investigative documentary, pati baby ay maari na ring mabenta at mabili.
Mukha mang hindi kapani-paniwala, pero ang kalakaran ng pagbebenta ng sanggol sa bansa ay matagal ng nangyayari. Ngayon nga ay mas naging talamak dahil sa social media partikular na ang Facebook. Dito mas naibebenta at nakakabili ng sanggol nang mas mabilis at mura kung ikukumpara sa proseso ng adoption. Ayon kay NBI International Operations Division Chief Ronaldo Aguto, sa tulong nga ng Facebook ay mas madaling nakukubli ng mga nagbebenta ng sanggol ang kanilang sarili. At mas mabilis din silang makakahanap ng buyer para sa baby.
“Currently, they’re using our social media sites. They’ve become anonymous.”
Ito ang pahayag ni Aguto tungkol sa pagbebenta ng baby sa Facebook. At parte ng kaniyang panayam sa Babies for sale PH documentary ng Channel News Asia.
Ilegal na pag-aampon
Dagdag pa niya, base sa kanilang nakalap na impormasyon ang pagbebenta ng sanggol sa Pilipinas ay nangyayari na sa nakalipas na 15-20 na taon.
Pahayag pa ni Aguto, madalas ang mga mismong magulang ng sanggol pa ang nagbebenta sa baby nila. Habang may mga kaso namang mayroong broker ang pumapagitna sa ginawang bentahan. Ang pagbebenta ay itinuturing o tinatawag nilang adopsyon. Pero ayon kay Aguto, ito ay isang kaso ng child trafficking na illegal at ipinagbabawal sa Pilipinas.
“Blatantly, they were discussing online they can buy a baby for this much, how they can go around the laws in the Philippines to kind of ‘adopt.”
“We have the adoption law. So, the moment you divert from that law, the moment you do it the ‘shortcut’ way – you receive money from it, you profit from it – it becomes child trafficking.” Ito ang dagdag pang pahayag ni Aguto.
Dahil sa kahirapan
Ayon parin kay Aguto, karamihan ng mga nahuhuli nilang nagsasagawa ng krimen ay mula sa mga slum areas ng Maynila. At ang pangunahing dahilan kung bakit nila ito ginagawa ay kahirapan.
“Most of the time, we find these people in slum areas. They don’t want the pregnancy in the first place. So, the moment the child is born, they try to dispose of it. They try to sell it for money.”
Ayon parin nga sa datos ng NBI, ang presyuhan ng pagbebenta ng sanggol ay nagkakahalaga mula P5,000 hanggang P25,000. Minsan ay umaabot pa ng higit sa P50,000 ang bentahan ng kada sanggol kung ito ay maganda at may lahing banyaga. Ito ay ayon naman sa pahayag ng dating midwife at broker sa pagbebenta ng sanggol na pinangalanang Joyce.
“We agreed on 50,000 pesos (US$1,000) but the price went up because the baby was half-foreign. The mother didn’t expect it’d turn out that way. So, they added 10,000 pesos (US$200) as they found the child beautiful. That 10,000 pesos came to me, and the mother gave me an extra 5,000 pesos (US$100).”
Ito ang pahayag ni Joyce base sa Baby for sale PH investigative documentary na ginawa ng Channel News Asia.
Mga inang nagbenta ng baby nila
Sa kaso ng inang si Jasmine na ibinenta ang kaniyang 3 months old baby boy sa halagang P10,000, bagamat mahirap ay naniniwala siyang mas mabibigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak ng mga umampon sa kaniya. At hindi niya naisip na maari itong maging biktima ng pang-aabuso. O kaya naman ay pagtratrabahuin ito sa kaniyang batang edad.
“I cried. It was like my chest hurt because of it. I thought ‘So, this is what it’s like to sell a kid’. The pain was indescribable. We stood outside the gate and I looked at them. They were dancing around with the baby. We were both crying.”
“I don’t think anyone would adopt him to abuse him. I don’t think anyone would adopt him and make him work at a very young age.”
Ito naman ang pahayag ni Jasmine.
Samantala, para namang sa mother of 8 na si Christine na ibinenta ang kaniyang 2-month old baby boy, maliban sa magandang kinabukasan para sa anak ay kailangan niya rin ng pera upang buhayin ang anak niya pang iba.
“If you’re interested in my child, I’ll give him to you as long as you give me something. Money. Of course, I need that for my children. It’s not that I want to sell my kid. I just need the money.”
Ito ang pahayag ni Christine.
Hakbang na ginagawa ng pamahalaan
Ayon sa DSWD o Department of Social and Welfare Development, bagamat mahirap ay ginagawa nila ang lahat upang mapigilan na ang kalakarang ito. Nakikipag-ugnayan na sila sa Facebook tungkol sa mga page na ginagamit na platform ng bentahan ng sanggol. Dahil karamihan sa mga ito ay naka-close at tanging members lang ang makakita ng mga impormasyon mula rito. Habang ang aktwal na bentahan naman ay nagagawa o kanilang naplaplano sa mas pribadong pag-uusap o messaging app.
Para naman kay Yvette T. Coronel, deputy executive director ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Department of Justice, kung talagang gustong masiguro ng mga magulang ang kinabukasan ng kanilang mga anak ay gawin ang pag-aampon sa legal na paraan. Dahil kung kayang sumunod ng mag-aampon sa legal na paraan ito ay nangangahulugan na malinis ang intensyon nila sa sanggol. Ngunit kung hindi, ito ay maaring gusto nilang mapabilis at mapagkakitaan na agad ang baby na kanilang binili.
“That kind of step-by-step process sort of establishes the good intention of the adopter – that you really want this child as your own child and you have to prove it along the way.”
Ito ang pahayag ni Coronel.
Epekto ng illegal na pag-aampon sa mga bata
Para naman sa International Labour Organization o ILO, ang illegal na kalakarang ito ay nakakabahala. Lalo na ang pinag-uusapan ay ang kapakanan ng mga bata. Dahil base sa kanilang datos ang ilan sa mga batang naampon sa illegal na paraan ay nagiging tagapagsilbi o utusan ng mga taong umampon sa kanila. Habang ang iba naman ay ginagamit sa sexual exploitation at nakakaranas ng pang-aabuso.
“The babies that are sometimes trafficked for adoption are sometimes an exception to this rule, because they may find themselves in a loving home. Often, however, they find themselves being raised for a specific exploitative purpose, for example to work on the family farm or in the family business.”
Ito ang nakasaad sa training manual ng ILO laban sa children trafficking.
Dito sa Pilipinas ay mariing ikinukundena ang pagbebenta ng sanggol o mga bata. Ang sinumang mahuling gumagawa nito ay maaring makulong ng panghabang-buhay. At magmulta ng mula P500,000 hanggang P1milyon.
SOURCE: Channel News Asia Part 1, Part 2, Part 3
BASAHIN: Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!