Kahalagahan ng paglalaro
Dahil limitado ang pamamasyal ngayong pandemic, maraming magulang ang nangangamba na baka hindi nakakakuha ng tamang social interaction ang kanilang mga anak sa loob ng bahay. Ang solusyon dito? Bigyan ng madaming laruan ang kanilang anak habang nasa loob ng bahay para malibang.
Mababasa sa article na ito ang:
- Kahalagahan ng paglalaro ng manika sa mga bata
- Kahalagahan ng empathy sa mga bata
- Tips para ma-develop ang empathy
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Barbie at grupo ng mga neuroscientists, nakita rito na ang paglalaro ng manika ng mga bata ay nakakatulong sa kanila para ma-develop ang empathy o pang-unawang sosyal.
Kasama sa pag-aaral na ito ang 22 na iba't ibang bansa at 15,000 na mga magulang. 91% sa kanila ay ninanais na magkaroon ng social skill na empathy ang kanilang mga anak. Habang 26% lamang ang may alam kung ano ang magandang naidudulot ng paglalaro ng manika sa empathy ng mga bata.
Kahalagahan ng paglalaro ng manika
Kahalagahan ng paglalaro | Image from Unsplash
Sa ginawang research, binantayan ni Dr Sarah Gerson at ang grupo nito ang mga batang nasa edad 4 hanggang 8 taong gulang habang naglalaro ng manika at iba pang play set. Nalaman nila kung paano pinapasigla ng paglalaro ang isip ng mga bata habang naglalaro mag-isa. Ang interaction na ito ay may pagkakahawig sa paglalaro mag-isa at paglalaro kasama ang ibang bata.
Mas nagiging aktibo ang utak ng mga bata sa paglalaro ng manika kumpara sa tablet. Ito ay parehong nakita sa batang babae at lalaki.
Nagpapatunay na ang paglalaro ng manika ay nakakatulong upang ma-develop ang empathy at masanay ang social skills ng mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kapag naglalaro mag-isa ang iyong anak ng manika, gumagawa sila ng sariling scenario kung paano sila makikipag-usap sa ibang bata.
Ang pag-aaral na ito'y mahalaga sa bata at magulang. Ayon kay Dr Sarah Gerson,
"So, as parents, we can be reassured that playing alone with dolls lets children practice skills that they use when playing with playmates and in future social interactions."
Nauugnay ang pag-aaral na ito sa sitwasyon ng mga bata at magulang ngayon na nag-aalala sa hindi paglabas ng kanilang mga anak.
Kahalagahan ng paglalaro | Image from Unsplash
Kahalagahan ng empathy sa mga bata
-
Upang maintindihan nila ng mas maigi ang damdamin ng iba
Sa pamamagitan ng empathy, mas maiintindihan ng iyong anak ang behavior ng ibang tao. Tatanggapin na ang bawat isa ay may opinyon at pakiramdam. Idagdag pa rito ang pagkaintindi na ang kanilang action ay maaaring makaapekto sa iba.
-
Upang magkaroon ng magandang relasyon sa mga kaibigan
Kapag nakilala ng mabuti ng isang bata ang mga taong nakapaligid sa kaniya katulad ng pamilya o kaibigan, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung sino ang pagkakatiwalaan at lalapitan.
-
Upang ma-develop ang skill kung paano iresolba ang isang problema
Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa pakiramdam ng iba ay nakakatulong sa mga bata upang ma-develop hindi lang ang kanilang social skill kundi kung paano magresolba ng isang problema. Ito ay maaaring magamit sa school activities kapag may team work.
-
Upang maging responsable at maalagang mamamayan paglaki
Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa empathy sa murang edad ay isang susi para maging maalaga at responsableng tao habang lumalaki. Malaki ang tiyansa na maging successful sila kung bata pa lamang ay natututunan na nila kung paano basahin at makibagay sa ibang tao.
BASAHIN:
5 tips para makapaglaro mag-isa ang iyong anak
Bata, kumikita ng halos 85k dahil lang sa paglalaro ng Roblox
Wag mong i-judge ang anak mo kung gusto niya ng mga "larong pambabae"
10 tips para ma-develop ang empathy sa paglalaro ng manika
Gumawa rin ang Barbie ng online hub na kung tawagin ay 'Benefits of Doll Play'. Ito'y makakatulong sa mga magulang, caregiver at mismong mga bata kung paano ma-enhance ang kanilang social processing skills. Matatagpuan sa kanilang site ang mga tips kung mapabuti ang empathy ng bata na ginawa nig Dr. Michele Borba.
1. Makinig habang naglalaro ng manika ang iyong anak
Bigyan ng iba't ibang manika ang iyong anak at hayaang maglaro lang ito ng sila lamang. Likas na sa mga bata ang magsalita mag-isa habang naglalaro. Ito na ang pagkakataon mo para makinig at malaman ang mga interes at mga ayaw nito.
2. Pag-usapan ang feelings
Bigyang pansin ang nararamdaman ng iyong anak sa pamamagitan ng pagtatanong ng "Natatakot ka ba?" o "Masaya ka ba ngayon?". Maaari rin namang "Para kang galit eh." o "Natatakot ka ata." Makakatulong ito sa pagpapalawak ng kanilang 'feeling vocabulary'.
3. Palawakin ang kaalaman ng iyong anak tungkol sa mundo
Makakatulong ang pagbibigay ng manika na may iba't ibang kulay ng balat, kasarian o disability para malaman nila ang iba pang sangay ng mundo. Ito ay makakatulong sa iyong anak para magkaroon siya ng kusa na makisalamuha sa iba't ibang kultura o races.
4. Gumawa ng feeling flash cards
Sa isang index card, magdikit dito ng iba't ibang emosyon katulad ng lungkot, saya o takot. Maaaring gayahin ang mukha sa flash card nang walang ibinibigay na tunog. Makakatulong ito para matukoy nila kung anong emosyon ang iyong ipinapakita.
5. 2 kind rule
"Kailangang magsabi o gumawa tayo ng dalawang mabuting bagay araw-araw." Ang activity na ito ay magandang pagsasanay para malaman ng iyong anak kung ano ang mga kabutihan sa mundo. Maaaring ibahagi ang kaniyang laruan o pagtulong sa iba. 'Wag kakalimutan na bigyan ng compliment ang iyong anak para sa kaniyang "job well done!" activity.
Kahalagahan ng paglalaro | Image from Unsplash
6. Turuan ang iyong anak kung paano pahalagahan ang iba
Ang paglalaro ng manika ng iyong anak ay nakakapag turo sa kanila ng pagpapahalaga sa ibang tao. Maaaring sanayin din ito sa pamamagitan ng pagpapakain sa alagang hayop.
7. Purihin sila
Magandang sanayin ang sarili na purihin ang iyong anak na may kasamang "noun" para maging mas maalaga. Katulad na lamang ng "Pwede ka bang tumulong?" maaaring sabihin na "Pwede ka bang maging katulong?" para mas maging mabuti ang loob sa mga "helper".
8. Kindness box
Gamit ang lumang box ng sapatos, lagyan ito ng butas sa taas. Kapag may kabutihan na ginawa ang isang member ng pamilya, ilusot lamang ito dito. Para sa family gathering, maaaring basahin ito ng malakas at malalaman ng iyong anak ang mga kabutihang ginawa ng bawat isa.
9. Hayaang sanayin na gumawa ng mabuti
Hayaan lamang na maglaro ng manika ang iyong anak habang inaalagaan nila ito. Makakatulong ito sa kanila para masanay ang mga sarili kung paano alagaan ang mga taong nasa paligid niya.
10. Manika, baby at mga puppy
Nakakapag-develop ng empathy ang pagkakaroon ng alagang hayop o kapatid ng iyong anak. Natututunan ito ng mga bata sa paglalaro nila ng manika habang inaalagaan ito.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!