Kung ang inyong anak ba’y ayaw mawalay sa inyo, at gusto kayong palaging kalaro. Narito ang mga paraan upang maturuan siyang makapaglaro ng mag-isa. Ang paglalaro mag-isa ng isang bata ay makakatulong din sa kaniya at sa inyo bilang mga magulang.
May mga batang talagang laging gusto kasama ang magulang sa paglalaro. Gusto nila palaging involved o bahagi ang kanilang mga magulang sa paglalaro. Pero siyempre hindi naman ito puwede. Bilang magulang marami ka pang ibang tungkulin katulad ng paglilinis o pag-aasikaso sa bahay o kaya naman pagtatrabaho.
Paglalaro ng mag-isa. | Image from Unsplash
Kapag lagi siyang ganito tiyak na mahihirapan kayo lalo kung mag-aaral na siya. Pero may bright side naman ito. Ang maganda rito may kakahayan siyang makipaghalubilo o interacts sa mga matatanda at ibang bata at isa itong positibong senyelas sa pagde-develop niya ng maturity. Ayon ito kay Jane Hewes isang associate professor sa Early Learning and Child Care program sa MacEwan University.
Sa madaling hindi laging kailangan ng inyong anak ng kalaro. Ang paglalaro ng mag-isa ay makakatulong sa kaniya at kailangan niyang masanay rito. Narito ang ilang mga pamamaraan upang maging kumportableng maglaro ang inyong anak na mag-isa.
-
Dahan-dahan magsimula
Huwag agad na iwan ko hindi pansinin ang inyong anak. Halimbawa sabihan siya agad na aalis ka ng ilang minuto para maghugas halimbawa. Pero huwag kang lalayo masyado at siguraduhin mong babalik ka agad, sabi ni Chaya Kulkarni, director ng infant mental health sa Toronto’s Hospital for Sick Children.
“Over time, the need for your proximity will reduce,” dagdag pa niya. Kaya naman hindi mo na kailangang tumukas sa iyong anak kapag hindi siya nakatingin sa ‘yo. Maglilikha lang ito ng alarma sa kanila at mas hihingi sila ng mas marami pang atensyon mula sa ‘yo.
-
I-swap mo ang mga laruan niya
Ilagay sa isang box ang iba’t ibang laruan ng inyong anak at itabi muna ito ng ilang linggo. Kapag in-introduced mo ulit ito sa kaniya ay magmumukhang bago ito sa kaniyang paningin. Magiging magandang paraan ito para ma-distract ang iyong anak sa pagkawala ng iyong presence.
Image from Unsplash
-
Subukan ang parallel play
Upang mahikayat ang mga bata sa paglalaro mag-isa ayon kay Hewes kailangan umanong maging example ng mga magulang. Halimbawa ipakita mo sa iyong anak na nag-e-enjoy kang magbasa ng libro mag-isa. Tapos mag-set up ka rin ng isang table kung saan puwede siyang mag-coloring book.
“There’s a big benefit in doing similar activities alongside them,” sabi pa ni Hewes. “They watch what you’re doing and imitate your behaviour. They want to be just like you.”
-
Kapag safe na, mag-plano ng mga playdates
Dahil may COVID-19 pa at hindi pa safe sa labas hindi mo ito magagawa ngayon. Pero kapag natapos na ang krisis na ito malaki ang maitutulong nito sa inyong anak. Baka naiisip niyo na hindi makakatulong sa pag-train niyo sa kaniya mag-isa ang method na ito pero mali kayo. Ayon kay Hewes,
“self-regulated play does not develop from playing alone—it actually comes from interacting with others,” sa ganitong pamamaraan maaaring ma-develop pa ang kaniyang imagination hanggang sa pagdating sa inyong bahay.
Magde-develop din ang inyong anak ng patience na isang skill na kailangan nila para maging kuntento sila sa kanilang sarili kapag hindi mo kayang makipaglaro o interact sa kanila.
Image from Unsplash
-
Isali sila o i-involve sila
I-acknowledge ang need ng inyong anak para sa inyong atensyon sa pamamagitan ng pag-involve sa kanila sa inyong mga gawain. Katulad na lang paghuhugas o pagliligpit sa bahay. Mai-entertain ang inyong anak habang tinatapos mo ang mga Gawain sa bahay at magkakaroon sila ng sense of accomplishment sa huli.
Benepisyo ng paglalaro ng mag-isa ng bata:
- Tinuruan nito ang bata na mag-enjoy independently
- Nailalabas nila ang kanilang imagination
- Nade-develop nila ang social indenpence
- Nag-i-encourage ito ng calmness para sa kanila
- Nakakatulong ito para malaman ng isang bata kung paano i-soothe ang kanilang sarili
- Magiging komportable ang bata kahit mag-isa at wala ka sa tabi niya.
- Naihahanda ang iyong anak sa pagpasok nito sa school. Hindi ka na mahihirapan na iwan pa siya.
- Nabibigyan ka ng pahinga
Source:
todaysparent, verywellfamily
BASAHIN:
Paano mapakain ng tama ang iyong snack monster?
Anak na pihikan sa pagkain, narito ang dapat mong gawin!
7 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!