Kung sakaling napapansin mong tumitigas ang ulo ng iyong anak at hindi nakikinig kapag pinagsasabihan mo, ‘wag ikabahala ito mommy. ‘Wag na ‘wag rin silang papaluin. Ang dapat mong gawin ay kausapin sila ng masinsinan at gawin ang mga tips sa disiplina sa bata na ayaw sumunod.
10 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod
Habang bata pa lamang ang iyong anak at nakikita mong ito ay tumitigas ang ulo, kailangang baguhin agad ito at bigyan sila ng tamang disiplina.
Narito ang mga dapat mong gawing disiplina sa bata na ayaw sumunod:
Disiplina sa bata na ayaw sumunod | Image from Unsplash
1. Magbigay ng consequence
Kapag sinabing consequence, ito ay may pagkakatulad sa parusa. Katulad na lamang kapag may ginawa kang isang desisyon, nasayo ang responsibilidad nito at kailangan mong harapin ang consequence o maaaring maging aftermath nito.
Katulad na lamang kapag hindi sumunod ang iyong anak sa ibinigay mong rule sa kanya. Maaaring ito ay hindi pagtulog ng maaaga, hindi pagkain ng gulay o pag-iyak kapag hindi nasusunod ang kaniyang gusto. Sa ganitong pagkakataon, kapag ginawa nila ang ganitong klase ng gawain, maaaring bigyan mo sila ng disiplina. Katulad na lamang ng pagbabawal gumamit ng gadget, pagbawas ng allowance o pagtago sa kanilang laruan.
2. Pakinggan muna sila
Normal na sa bata ang mag dahilan kahit na wala sa lugar. Katulad na lamang kapag kinuha mo ang kanilang gadgets dahil sa labis na paglalaro. Ang kadalasan nilang gagawin ay iiyak, magdadabog at pipilitin kang ilabas ito. Ang maaari mong gawin ay pakinggan muna ang kanilang mga hinaing. Siguraduhin mong nilabas na nila ang kanilang saloobin at kumalma na sila.
Ngayon, dito kana pumasok. Ipaliwanag sa kanila ng masinsinan kung bakit mo sila binibigyan ng disiplina. Saka rin ibigay ang dahilan kung ano ang epekto ng labis na pag gamit ng gadget.
Disiplina sa bata na ayaw sumunod | Image from Freepik
3. Bigyan sila ng sapat na atensyon
Kadalasan, kaya nagiging matigas ang ulo ng isang bata ay dahil kulang ng atensyong binibigay sa kanila. Kaya naman nililipat nila ang kanilang atensyon sa ibang bagay at dito ginugugol ang kanilang oras.
Ako mismo ay naniniwalang ang pinakamabisang paraan ng pagdidisiplina ay ang magbigay ng atensyon sa aking mga anak. Sa paraang ito, napagtutuunan ko sila ng pansin at naitutuwid agad ang maliit na bagay na alam mong kailangang baguhin sa kanilang ugali.
4. Mag-set ng rule sa bahay
Bawat bahay ay kadalasang may ibinibigay na rule sa bawat myembro ng pamilya. Mahalaga ang magbigay ng rule para madisplina ang iyong anak. Katulad na lamang ng oras ng kanilang pagtulog, oras ng kanilang screentime at ang oras ng kanilang pag-aaral.
5. Magbigay ng compliment
Aminin natin, ang mga bata ay natutuwa talaga kapag sila ay pinupuri. Kaya naman bigyan sila ng compliment sa bawat accomplishment ng kanilang errands, maliit man ito o malaki.
Makakatulong rin kasi ito sa kanilan para ganahan sa kanilang simple task at patibayin ang kanilang self confidence.
Disiplina sa bata na ayaw sumunod | Image from Unsplash
6. Irespeto ang kanilang pangangailangan
Tumitigas ang ulo ng isang bata dahil rin sa epekto ng maling pag didisiplina ng magulang. Hindi naman kailangan ay pagbawalan ang iyong anak sa lahat ng hindi mo gusto para sa kanila. Sa paraang kasing ito nagsisimula ang pagrerebelde nila na may kaugnayan sa pagtigas ng kanilang ulo.
Pag-aralan na pakinggan ang iyong anak at ibigay rin sa kanila ang kagustuhan nila ngunit siguraduhin na ito ay hindi sosobra.
7. Maging consistent sa pagdidisiplina
Bilang isang magulang, kailangan nating maging consistent o maging matibay sa lahat ng desisyon na ating gagawin. Katulad na lamang sa pagdidisiplina sa iyong anak. Kapag kukunin mo ang kanilang laruan o ibibigay ang kanilang consequence, ‘wag agad maging malambot ang puso dahilan para bitawan ang pagdidisiplina sa kanila.
Isipin rin na ang pagdidisiplina ay hindi parusa para sa kanila. Pagtatama ito sa kamalian ng iyong anak para maging mabuting tao.
Source:
Cleaveland Clinic
BASAHIN:
Iba’t-ibang paraan ng pagdidisiplina sa bawat edad ng bata
Pinapalo ko ang anak ko, ito nga ba ang tamang disiplina sa mga bata?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!