Ang dami kong naalala na masasayang bagay noong infant pa lang ang mga anak ko, pero ibang usapan ang tummy time. Kapag nakadapa ang baby ko para maglaro, iiyak na lang ito at biglang dudura. Wala akong ibang magawa kundi kunin sila at punasan ang likido na lumabas sa kanilang bibig. Buti na lang dahil tumitigil sila sa pag-iyak pero hindi ko maiwasang ma-guilty. Mali ba ang ginawa ko?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Iba’t-ibang pag-aaral tungkol sa tummy time
- Epekto ng pagdapa ng baby habang tulog at gising
Thankful naman ako dahil okay ang dalawa kong anak ngayong 8 at 4 years old sila. Payo ng American Academy of Pediatrics, kinakailangang nakadapa ang baby para maglaro ng kahit tatlong beses sa isang linggo at tumatagal ng 5 minutes. Makakatulong ito para ma-enjoy nila ang nakadapa. Ang paraan na ito’y para sa pagpapatibay ng kanilang leeg, likod at braso para na rin maayos silang makaupo, makagapang o makalakad. Ngunit ano nga ang halaga na nakadapa ang baby araw-araw?
Nakadapa ang baby | Image from Unsplash
Nakadapa ang baby habang naglalaro
Ang “tummy time” ay mula sa “Back to Sleep” campaign ng American Academy of Pediatrics noong 1994. Nakapaloob dito na kinakailangang pahiga kung matulog ang mga baby imbes na nakadapa para maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome. Ngunit ito ay may downside. Ayon sa documentation ng mga paediatrician, tumataas ang kaso ng infant torticollis. Ito’y isang kondisyon kung saan sadyang tumatagilid ang ulo ng mga sanggol sa isang bahagi. Kasama na rin dito ang plagiocephaly, ang flat spot sa likod ng buto ng ulo ni baby. Noong 1996, ibinahagi ng North Carolina medical center ang “a dramatic increase in the incidence of deformation of the occipital skull,” na may kinalaman sa “Back to Sleep.”
Walang nagbigay ng hinaing sa value ng Back to Sleep. Kahit na nakakatakot ang torticollis at plagiocephaly, ito naman ay nagagamot. Ayon kay Dr Tricia Catalino, isang physical therapist sa Touro University Nevada School of Physical Therapy, “When we catch it early, almost all the time it resolves,”
Nakadapa ang baby | Image from Unsplash
Ngunit para maiwasan ang mga kondisyon na ito, nirerekomenda ng AAP ang pagsasanay na nakadapa ang baby kapag sila’y gising.
Epekto ng nakadapa ang baby
Malakas ang paniniwala ng mga researcher na napapababa ang risk ng torticollis at plagiocephaly kapag nakadapa ang baby. Para kay Dr Lee Beers, M.D. isang paediatrician sa Children’s National Health System sa Washington, D.C., ito’y mahirap na katanungan. Ito’y dahil hindi magsasagawa ng pag-aaral ang mga researcher na magtuturo sa tummy time na ito ay mali. Ngunit maaaring ang “accidental experiments” ang makakapagbigay ng clue sa iyo.
BASAHIN:
SIDS: Ano ang pinaka dahilan ng trahedyang ito?
9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)
Coleen Garcia to Baby Amari: “Nakakaiba ng mood when he’s around.”
Taong 1998, pinapatulog nang nakadapa ang mga baby ng kanilang magulang. Ito ay dahil hindi pa masyadong kilala ang “Back to Sleep”. Napagalaman ng mga researcher na ang mga batang madalas pinapatulog nang nakadapa ay mabilis na nakakaikot at nakakagapang kumpara sa mga batang pahiga kung matulog. Dahil dito, para sa mga researcher, mabilis ang naging development ng mga batang ito sa kanilang motor skills.
Ayon sa kanila,
“All infants achieved all milestones within the accepted normal age range,”
Nagkaroon din ng parehong conclusion ang isang pag-aaral dito. Habang ang 2008 study naman ay nagsasabing ang mga batang nakadapa habang sila ay gising ay mas mabilis matuto na gumapang o umikot kumpara sa iba.
Nakadapa ang baby | Image from Dreamstime
Paliwanag ni Dr. Catalino, nagiging mas matalino ang mga batang nasasanay na nakadapa dahil sa katagang “move to learn,”. May tiyansa kasi na gumalaw ang mga batang nakadapa. Sa kanilang paggalaw, makakakita sila ng iba’t ibang bagay at paligid. Ayon pa sa pag-aaral na ang mga batang marunong umupo ng maaga ay mas naiintindihan ang konsepto ng three-dimensional nature ng iba’t ibang bagay. Ito’y dahil magkakaroon sila ng pagkakataon na kunin ang mgalaruan na maaabot nila.
Bukod pa rito, mayroong mas magandang spatial memory skills ang mga batang hilig na ang pag gapang at paglalakad. Ayon sa 2014 study, mas nauunang madevelop ng mga bata ang kakayahang maglakad kumpara sa pagsasalita. Kaya naman kung maagang natutong maglakad ang anak mo, maaaring mabilis din itong matuto magsalita.
“The Truth About Tummy Time” by Melinda Wenner Moyer © 2020 The New York Times Company
Melinda Wenner Moyer is a mom of two and a science journalist who writes for Slate, Mother Jones, Scientific American and O, The Oprah Magazine, among other publications.
This story was originally published on 13 April 2020 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!