Coleen Garcia, ibinahagi ang kaniyang karanasan bilang isang first mom sa cute little baby boy niyang si Amari.
- Mababasa rito ang karanasan ni Coleen Garcia bilang first time mom.
- Pagbabahagi ni Coleen Garcia kung paano naiba ang kaniyang buhay dahil kay baby Amari.
- Pagkukuwento niya sa pagbabalik sa trabaho.
Image from Coleen Garcia-Crawford’s Instagram account
Coleen Garcia as a mom
Sa isang panayam sa online program ni Tony Gonzaga na “I Feel U” ay ibinahagi ng TV host-actress na si Coleen Garcia ang karanasan niya bilang isang first time mom. Ayon kay Coleen ay napakalaking pagbabago ang idinulot ng pagdating ni Baby Amari sa buhay niya. Ganoon rin sa kaniyang mister na si Billy Crawford.
Pagbabahagi nga ni Coleen ang dating tahimik nilang bahay ngayon ay nabuhayan na. Ang mga bagay na akala niya noon ay importante ay na-realize niyang hindi pala.
“Parang there are so many things before na sobrang sa tingin ko importante pero ngayon, parang ang babaw or parang hindi na ako. With him, siguro nag-change ‘yung perspective ko with life. And I focus on the things that matter now. Parang paliit nang paliit ‘yung mga things that are really important, ‘yung mundo ko. Parang I don’t have to look so far anymore to see what really matters to me. Nandito lang talaga sa paligid ko.”
Ito ang pagbabahagi ni Coleen sa kung paano binago ng pagiging ina ang pananaw niya sa buhay.
Pero maliban sa pagbabago sa pananaw niya sa buhay, marami ring mga pagbabago sa lifestyle ni Coleen ang hanggang ngayon ay nag-aadjust pa rin siya. Tulad ng pagkakaroon ng kompletong tulog, breastfeeding, postpartum recovery na ilan lamang sa sakripisyo ng mga bagong ina.
“Honestly, dito talaga ko nanibago. May mga nag-warn na sa akin na oh mahirap ang postpartum, mahirap ang breastfeeding, ‘yung recovery and everything. Pero ang hindi ko lang naisip is yung ipagsasabay-sabay mo lahat. Parang I am trying to learn how to breastfeed pero at the same time, nagre-recover palang ako. From the day na nanganak ako, wala pa akong buo na tulog.”
Coleen as a breastfeeding mom
Mahirap man ang pag-bebreastfeed para sa first time mom na si Coleen, nai-enjoy niya naman daw ito. Lalo na’t ginagawa niya ito sa ikabubuti ng baby niyang si Amari.
“Breastfeeding in itself is actually super hard already pero yung gusto ko kasi direct latching. Kasi lalo na ngayon na parang hindi naman ako lumalabas. Might as well na hindi muna magbote, mag-pump.”
Para nga masigurong makakapagbigay siya ng masustansiyang gatas para sa kaniyanga anak ay kumakain ng kumakain si Coleen. Isang bagay na talaga nga namang nanibago siya. Dahil bilang artista noon ay strict ang diet niya.
“Noong una talaga, nanibago ako because of the diet also na every two hours, kailangan talaga kumakain. Kasi breastmilk stays the same, nutritious talaga no matter what. Pero kapag kulang, kinukuha talaga from my nutrition. So ako ‘yung parang nanghihina, ako ‘yung nakukulangan sa nutrition. I always have to be eating and everything. Tapos totoo ‘yung sinasabi din nila na your body is no longer yours.”
BASAHIN:
LOOK: Mikee Agustin, nanganak na
LOOK: Coleen Garcia, balik sa dating katawan 1 week after manganak
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari
Coleen on giving birth
Maliban sa mga sakripisyong ito, isa na siguro sa pinaka-nakakahangang ginawa ni Coleen bilang isang ina ay ang manganak sa pamamagitan ng waterbirth. Ito ay ginawa niya sa bahay mismo nila at walang ginamit na anesthesia.
Napakasakit man ng kaniyang naging panganganak, ayon kay Coleen ay na-treasure niya naman ito. Ito talaga ang gusto niya pagdating sa panganganak.
“The pain nakatulong talaga sa ‘kin. Because I was able to navigate the birth so much better. Kasi may times na hips ko masakit so I was able to sooth it. Hindi ko ma-explain but I feel like my body was really guiding me. Like which positions to take and kung the time kailangan ko ng pumasok sa tub hindi ko alam na 10 cm na pala ako. Parang naramdaman ko na I think it’s time to go in na. It’s time to push na which I don’t think I would have felt if I had an epidural. I think I would have just kept on pushing and pushing na hindi ko alam kasi hindi ko nararamdaman. Ito talaga I felt that my body was coaching me.”
Ito ang pahayag pa ni Coleen. Ayon sa kaniya, ang sakit na naranasan niya sa panganganak ay napawi naman ng makita niya na si Amari. At sa ngayon sa bawat araw na nakakasama niya ito ay parang hindi niya na ma-imagine kung paano kapag siya ay mag-isa nalang.
Coreen on going back to work and leaving Amari
“It’s hard to be imagine what it will be like when it is back to work, when I start going out again. So excited din naman ako for that because everything is really going to be different. I don’t know what it feels like kapag mag-isa nalang ako kasi lagi ko ng kasama ‘yung baby.”
Inaalala rin ni Coleen ang magiging pakiramdam ni Amari. Lalo pa’t sa tuwing nakikita siya nito ay napapansin ng first time mom ang malaking pagbabago sa mood ng anak niya.
“Nakikikita ko kasi ‘yung mood shift niya when he’s with somebody else then kapag nagpakita ako sa kaniya. Nagtse-change, nagla-lighten-up ‘yung face niya. And it’s really the best feeling in the world. And nakakakaiba ng mood when he’s around.”
Sa ngayon ayon kay Coleen, ay nasasabi niyang wala talagang formula ang pagiging isang mabuting magulang. Pero sa paglaki ng kaniyang anak na si Amari ay narito ang gusto niyang maisip ng anak tungkol sa kaniya bilang isang ina.
“I want him to see me as somebody who is always present. As somebody he can always run to, he can always approach with everything. Just somebody he won’t have to hide anything from”, sabi pa ni Coleen.
Source:
I Feel U
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!