Nanganak ang dating PBB housemate at Girltrend member na si Mikee Agustin sa kanikang first baby ng content creator at toy collector na si Yexel Sebastian.Inanunsyo nila sa kanilang kaniya-kaniyang Instagram account ang panibagong blessing na dumating sa kanilang buhay.
Relasyon Mikee at Yexel
Halos 7 years ng magkarelasyon ang dalawa, subalit nung nakaraang taon naghiwalay sila at nagkabalikan nga ulit. Ngayon nga’y nabigyan na sila ng panibagong blessing.
Larawan mula sa Instagram account ni Yexel Sebastian
Noong Setyember nang inanunsyo ng dalawa na magkakaanak sila, sa YouTube channel ni Yexel. Inanunsyo nila ito sa pamamagitan ng isang video prank na ginawa nila sa kanilang kaibigan na si Vhong Navarro.
Sa video sinabi ni Yexel, “Actually, hindi naman talaga si Kuya Vhong ang pina-prank naming kundi kayo.”
Dagdag pa ni Yexel nag-ipon umano talaga sila, at nagpursige sa pagbebenta kasi magkakaroon na sila ng baby.
Kahit umano pandemic ngayon maituturing pa rin nilang blessing ang taong 2020 dahil sa biyayang hatid na ibinigay sa kanila, ang kanilang anak.
BASAHIN:
Angel Locsin on Nov. 8: “We were supposed to get married today”
FIRST LOOK: Ryza Cenon, ipinanganak na ang kaniyang first baby!
LOOK: Regine Angeles, gives birth to her 2nd baby!
Pangangak ni Mikee
Ayon kay Mikee hindi umano madali ang kaniyang pinagdaanan ng halos dalawang araw. Katakot-takot na sakit umano ang kaniyang naranasan para maisilang ang kanilang anak ni Yexel Sebastian.
“Kahit katakot takot na sakit ang dinanas ko ng 2days, worth it lahat anak ng makita kita 😭😭😭 mahal na mahal ka naming lahat. ❤️Thank you Lord 🙏🏻”
Sa ibinahagi video post ni Yexel sa kaniyang Instagram account. Sinabi niyang nagpapasalamat siya Diyos sa biyayang hatid nito sa kanila ng kaniyang girlfriend na si Mikee.
View this post on Instagram
A post shared by Yexel Sebastian (@yexelsebastian) on
Tunay ngang isang blessing ang first baby ni Mikee Agustin at Yexel Sebastian. Congratulations Mikee Agustin at Yexel Sebastian sa inyong new blessing.
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!