X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Regine Angeles, gives birth to her 2nd baby!

4 min read

Bago matapos ang October, ipinanganak na ni Regine Angeles ang kaniyang pangalawang baby sa asawang si Viktor Alesso.

Regine Angeles, ipinanganak na ang kaniyang 2nd baby

Masaya ang naging simula ng November para sa aktres na si Regine Angeles. Noong October 31, isinilang ni Mommy Regine ang kaniyang 2ng baby na si Kaia Rosalie.

“Hello world! Gave birth via normal delivery last night (Oct 31) to our baby girl Kaia Rosalie at 10pm. Thank you so much @thejavismd for helping me get through this kahit na ang laki laki ni baby. Thank you Lord for this wonderful blessing!”

-Regine Angeles (@regineangeles)

Naibahagi niyang medyo naging mahirap ang paglabas nito dahil malaki ang kaniyang baby girl. Sa isang Instagram post ng aktres, proud nitong ipinakita ang kaniyang panganay at si baby Kaia. Ito ay may caption na, “Mama, How come baby Kaia has no leeg?”

regine angeles

Regine Angeles, ipinanganak na ang kaniyang 2nd baby | Image from Regine Angeles Instagram

Matatandaan na noong buwan ng April, inanunsyo ng model-actress at ngayon ay celebrity mom na si Regine Angeles ang kaniyang 2nd baby! Sa kaniyang Instagram post, dito niya masayang ibinahagi na siya ay 12 weeks pregnant.

“Hello Baby #2! Hope you are doing ok there, my love. Never had the chance to do a transV or ultrasound since the ECQ started. Sending some love to all the preggy moms out there. May the Lord give us extra strength in this time of crisis”

-Regine Angeles-Leano (@regineangeles)

Nagbigay rin siya ng dasal sa mga kapwa niya preggy mom sa gitna ng pandemic.

Kitang-kita ang pagiging blooming ni Mommy Regine! Ano kaya ang gender ng kanilang baby #2? It’s a boy or a girl?

Noong August 31 nga ay proud na proud na in-announce ng aktres na magiging babae ang kaniyang baby #2.

Nagsimula ang career ni Regine Angeles nang ito ay manalo sa Be Bench at hindi tumagal ay naging official talent na rin ng ABS-CBN ngunit ngayon ay kasalukuyang aktres sa GMA Network.

Siya ay kinasal kay Van Victor Leaño noong 2016 at ang kanilang panganay ay si Viktor Alesso na kasalukuyang 2 years old na.

regine-angeles

Regine Angeles, ipinanganak na ang kaniyang 2nd baby | Image from Regine Angeles Instagram

5 early signs ng pregnancy

1. Labis na pagkapagod

Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.

Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”

2. Mood swings

Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.

Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.

3. Pagiging sensitibo ng nipples

Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.

early signs pregnancy

Regine Angeles, ipinanganak na ang kaniyang 2nd baby | Image from Unsplash

4. Cramps

Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.

5. Pagkahilo

Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.

Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.

 

 

Partner Stories
Next-Gen Ford Everest: 6 Reasons Why This Is Your Family's Next Dream Car!
Next-Gen Ford Everest: 6 Reasons Why This Is Your Family's Next Dream Car!
Gut Health and Probiotic Survival Rate
Gut Health and Probiotic Survival Rate
Evelyn Ng, P&G high ranking executive, shares her story as a career woman and a working mom
Evelyn Ng, P&G high ranking executive, shares her story as a career woman and a working mom
Creating an Absolute-ly Merry Christmas
Creating an Absolute-ly Merry Christmas

BASAHIN:

Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

Assunta De Rossi’s baby Fiore: Meaning behind the name

Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Mach Marciano

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Celebrities
  • /
  • LOOK: Regine Angeles, gives birth to her 2nd baby!
Share:
  • Regine Angeles shares her struggles with having low milk supply

    Regine Angeles shares her struggles with having low milk supply

  • 7 ways for postpartum weight loss timeline without going to the gym!

    7 ways for postpartum weight loss timeline without going to the gym!

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Regine Angeles shares her struggles with having low milk supply

    Regine Angeles shares her struggles with having low milk supply

  • 7 ways for postpartum weight loss timeline without going to the gym!

    7 ways for postpartum weight loss timeline without going to the gym!

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.