TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

5 min read
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

May rashes sa balat ang iyong baby? Narito ang paraan upang natural itong malunasan!

First time mom na si Coleen Garcia, may ibinahagi na kaalaman tungkol sa kung paano malulunasan ang mga rashes sa newborn baby. Coleen umamin na tulad ng nakakaraming mommy, siya ay praning din pagdating sa kaniyang Baby Amari.

coleen garcia

Image from Billy Crawford’s Instagram account

Coleen Garcia may tip para sa new moms na tulad niya

Sa isa sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ng TV host-actress na si Coleen Garcia kung gaano siya kapraning bilang isang first time mom. Sa pagkukuwento ni Coleen, matapos ang ilang araw pagkapanganak ay nagkaroon ng rashes sa mukha ang kaniyang Baby Amari. Ipinaalam niya agad ito, hindi lang sa pedia ng kaniyang baby kung hindi pati na rin sa kaniyang midwife at OB. Ang sagot nila sa bagong ina ay normal lang ito sa mga new born at kusang nawawala.

“Also want to share. After a couple of days, he started to get rashes and ofc (of course), I got so praning. Showed them to our midwife, OB, pedia & they all said it’s completely normal & that they go away on their own after some time. But I felt sorry 4 him.”

Ito ang pahayag ni Coleen Garcia.

Pero si Coleen, hindi mapakali sa nangyari sa anak. Kaya naman bilang isang ina, gumawa siya ng paraan upang maalis ang mga rashes na ito sa mukha ng anak niya. Ang ginawa ni Coleen ipinahid ang kaniyang breastmilk sa mukha ni Baby Amari. Ito nga’y naging effective at balik makinis ulit ang mukha ng baby niya.

“So I put my breastmilk all over his face except eyes. Then everything disappeared except for the rashes sa eyes. Then I started spreading my milk on his eyes as well & now he so makinisss.”

Ito ang proud na ibinahagi ni Coleen sa pagsisimula ng kaniyang mommy journey.

coleen garcia

Image from Coleen Garcia’s Instagram account

Nasubukan mo na rin ba ang ginawa ni Coleen sa iyong baby?

Breast milk bilang lunas sa mga rashes ni baby

Ayon sa health website na WebMD, ang mga balat ng mga newborn babies ay prone sa iba’t ibang uri ng rashes. Madalas itong lumalabas sa unang mga araw, linggo o buwan matapos silang maipanganak. Pero karamihan naman umano sa mga ito ay hindi naman delikado o harmless. Kusa naman itong naaalis sa pagdaan ng mga araw kahit hindi gamutin.

Base naman sa isang artikulo sa Healthline, may isang very effective na paraan na maaaring gawin ang mga breastfeeding mom para magamot ang mga rashes na ito. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang gatas na napatunayang nagtataglay ng mga properties na safe and healthy para sa skin ni baby.

Ilan nga sa mga properties na taglay ng breastmilk ay ang sumusunod na very beneficial sa ating balat.

  • immunoglobulin A (IgA) o ang blood protein na nagtataglay ng infection-fighting bacteria.
  • palmitic acid na isang super-moisturizer.
  • lauric acid na isang moisturizer at antibacterial agent.
  • oleic acid na nakakatulong i-moisturize ang balat at labanan ang skin aging.
  • vaccenic acid na pinoprotektahan at ni-nourish ang balat.
  • linoleic acid na nag-lilighten ng spots at binabawasan ang skin inflammation.
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

Image from Freepik

Pagpapatunay ng mga pag-aaral

Ang properties na mayroon ito ayon sa isang 2015 study ang dahilan kung bakit kayang lunasan ng breastmilk ang mild to moderate na eczema sa mga baby.

Ganoon din sa mga baby acne na nilalaban ng antibacterial properties na taglay ng gatas ng ina.

Napatunayan din ng isang 2013 study na tulad ng 1% hydrocortisone ointment, ang breastmilk ay effective na lunas sa mga diaper rash o dermatitis. Pati na sa mga kagat ng insekto o lamok.

Hindi nga lang umano ang mga baby ang maaaring mag-benefit sa mga nutrient na ito sa breast milk. Sapagkat kahit sa ating mga adult ay nakakatulong ito para malabanan ang infection at malunasan ang blocked tear ducts. Ipinapayo nga sa mga breastfeeding mom na may cracked nipples na magpahid nito sa kanilang suso. Sapagkat napatunayan ding nakakatulong ito para maibsan ang soreness o pamamaga nito.

Maliban nga sa direktang paglalagay ng breastmilk sa apektado parte o bahagi ng balat, isang paraan na siguradong mai-enjoy ni baby upang malunasan ang kaniyang skin rashes ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng warm breastmilk bath. Ito ay magagawa sa sumusunod na paraan:

Breast milk bath para kay baby

Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

Image from Freepik

  • Ihanda ang maligamgam na tubig pampaligo ni baby.
  • Haluan ito ng 150-300 ml ng iyong breastmilk. Ang dami na ito ng iyong gatas ay sapat na upang maging cloudy o milky ang tubig pampaligo ni baby.
  • Saka hayaang mababad o mabasa nito si baby. Siguraduhin rin na maabot o malilinisan ang mga kasingit-singitan ng kaniyang katawan.
  • Matapos ang 5-15 minuto ay alisin na si baby sa tubig at punasan upang matuyo.
  • Saka sunod na masahiin ang kaniyang mga binti, braso at balat. Ito ay upang mas maaborb nito ang hydrating agents at nutrients mula sa breastmilk mo.

Kung may skin rashes si baby ay mabuting subukan na ang paraang ito. Ngunit kung matapos ang nabanggit ay hindi parin naaalis ang rashes sa katawan ni baby ay agad ng magpa-konsulta sa doktor. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng iba pang sintomas tulad ng lagnat na maaaring palatandaan na ng isang sakit o karamdaman.

 

Source:

GMA News, WebMD, Healthline

BASAHIN:

Help! Bakit nagbago ang kulay ng breastmilk ko?

Breast Milk: Paano nga ba ito pino-produce ng katawan?

Partner Stories
3 health concerns that affect Filipinas today
3 health concerns that affect Filipinas today
Indulge in Krispy Kreme’s newest Milk Choco Creations
Indulge in Krispy Kreme’s newest Milk Choco Creations
Here's Why Retinol is the Precise Solution for Erasing Age Spots and Blemishes
Here's Why Retinol is the Precise Solution for Erasing Age Spots and Blemishes
Smile Train global ambassador Catriona Gray joins online speech therapy sessions for cleft patients
Smile Train global ambassador Catriona Gray joins online speech therapy sessions for cleft patients

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko