Ibinahagi ni Assunta De Rossi ang meaning sa likod ng pangalan ng kaniyang miracle baby na si Fiore.
Meet Assunta De Rossi’s miracle baby Fiore
Ganap na ngang mommy ang aktres na si Assunta De Rossi sa edad na 37!
Matapos ang 16 years na pag-iintay, isinilang ni Mommy Assunta De Rossi noong biyernes, October 23, si baby Giulia Fiorentina Alessandra o “Fiore” for short.
Hindi maitago ang excitement sa Instagram post ni Alessandra De Rossi na kapatid ni Mommy Assunta sa pagdating ng kaniyang baby pamangkin. Matatandaang siya pa ang ang unang nag-anunsyo na matagumpay nang nanganak ang kaniyang kapatid!
Ibinahagi rin ni Alessandra na nginitian agad siya ni baby Fiore nang ito ay nakita sa unang pagkakataon.
“My sister is now a mother and…’Di ako makaget over. I’m so proud of you @assuntaledesma!!!! What a brave woman! Sobrang cute ni Fiore. Lagi kasi siyang malikot sa tiyan ‘pag dinadalaw ako dati. So, nagsmile siya sa akin. Sabi niya… Ahaaaaa…. Ito ‘yung maingay na babae!! Canfeeerm! I love you both! See you soonest! Swab ulit! Ano toooh. It’s hard. But I’ll focus on the miracles! Swab it is!”
-Alessandra De Rossi (@msderossi)
Kapansin-pansin ang elegante at mahabang pangalan ni baby Fiore. Ngunit ano nga ba meaning sa likod ng Giulia Fiorentina Alessandra?
Sa naging unang post ni Mommy Assunta matapos ang kaniyang successful pregnancy sa miracle baby nito, agad niyang ipinakita ang kahulugan ng tatlong pangalan ni baby Fiore.
GIULIA– Ang basa rito ay Julia. Dahilan kung bakit hindi letter ‘J’? Ayon kay Mommy Assunta, walang letter J sa Italian alphabet. Ang pangalan din na ito ay isang tribute para sa kaniyang paternal great-grandfather na si Don Julio.
FIORENTINA– Isa rin itong tribute mula sa kaniyang great-grandmother na si Doña Florentina aka lola Puring.
ALESSANDRA– Tribute ito mula sa kaniyang kapatid at lola na si Alejandra.
Dagdag din ng aktres na ang pangalan na “Alessandra” ay may kahulugan na “Defender of Mankind”. Dagdag pa ni Mommy Assunta sa miracle baby nito na, “You give me hope.”
Marami naman ang nagbigay ng mensahe sa aktres at sa baby nito mula sa kasamahan niya sa industriya. Isa na riyan sina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Diana Zubiri at AiAi Delas Alas.
Assunta’s pregnancy journey
Halos 16 years din ang paghihintay ni Assunta De Rossi bago siya magka-anak. Taong 2002, ikinasal si Assunta kay Jules Ledesma na dating Congressman ng Negros Occidental. Kahit na ito ay nagsilbing ina sa dalawang anak ni Jules Ledesma, marami pa rin ang nag-aabang sa pagbubuntis ng aktres.
Ngunit noong May 5, masaya nitong inanunsyo na siya ay 14 weeks pregnant. Ibinahagi nito na matapos ang 3 years, bumisita siya sa kaniyang OB-GYN noong March 5 matapos nitong hindi datnan ng buwanang dalaw.
“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!❤️🙏🏻❤️ Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight. Everything I eat goes to my tummy and ( . )( . )”
-Assunta De Rossi (@assuntaledesma)
Nararanasan na rin niya ang pregnancy norms katulad ng pamamaga ng suso, pagkahilo at panghihina.
Kahit sa pinagdaanang myoma uteri ni Assunta at sumailalim ito sa caesarean section, malusog niyang ipinanganak si baby Fiore noong biyernes at mayroong timbang na 5 pounds and 12 ounces.
BASAHIN:
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari
Congratulations! Andi Eigenmann is now pregnant with baby #3!
LOOK: Bettinna Carlos, engaged na sa non-showbiz boyfriend!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!