LOOK: Bettinna Carlos, engaged na sa non-showbiz boyfriend!

LOOK: Bettinna Carlos, engaged na sa non-showbiz boyfriend!

Kahapon, October 7, nag-post si Bettinna Carlos ng litrato niya kasama ang kaniyang nobyo na si Mikki Eduardo at and anak niyang si Gummy.

Kahapon, October 7, nag-post si Bettinna Carlos ng litrato niya kasama ang kaniyang nobyo na si Mikki Eduardo at ang anak niyang si Gummy. Simple ngunit makahulugan ang caption niya sa kaniyang Instagram, “👨‍👩‍👧❤🙏.” Makikita na suot-suot ng TV host-actress ang isang diamond engagement ring!

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos) on

Sa Instagram naman ni Mikki ay makikita ang close-up ng singsing na ibinigay niya kay Bettinna. Kagaya ng kaniyang nobya, emoji lang din ang naging caption ni Mikki.

 

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

🤍

A post shared by Mikki Eduardo (@mikki.e.eduardo) on

Bettinna Carlos engagement

Wala pang detalyeng inilalabas ang magkasinatahang Bettinna Carlos at Mikki Eduardo sa kanilang napipintong kasal. Gayun pa man, umulan na ng greetings ng congratulations mula sa mga kamag-anak at kaibigan ng dalawa. Kabilang sa mga well-wishers ay ang mga celebrities na sina Pauleen Luna, Marian Rivera, Saab Magalona, at Yasmien Kurdi.

Sa Instagram post ng kapatid ni Mikki na si Anj, makikita na naka-set-up ang living room ng maraming rose petals sa sahig. Kinantahan ni Mikki si Bettinna ng “I will be here.” Sa gitna ng kanta ay sinabi nito, “I love you. I want to spend the rest of my life with you and Gummy. I love you both. Will you marry me?”

Mabilis na sinagot naman ito ni Bettinna ng: “Of course, love. Of course, yes!”

bettinna carlos engaged

Bettinna Carlos announced her engagement to boyfriend Mikki Eduardo.

Marrying her best friend

Sa previous post ni Bettinna, sinabi nito na isa sa nagustuhan niya sa kaniyang relasyon kay Mikki ay ang pagkakaroon nila ng bukas na komunikasyon sa isa’t isa.

“Mikki and I like to talk.❤” Aniya, “Mikki likes to talk. And Mikki loves to listen too. We could talk for hours about anything and everything…😊”

Malaki raw ang pasasalamat niya na biniyayaan siya ng Diyos ng isang taong marunong makinig. Isa raw ito sa dinadasal niya na magkaroon ang mapapangasawa niya ng ganitong quality.

“I remember praying for this when a friend of mine told me how her husband is so patient and loving to sit down with her and endure 5hrs just listening to her thoughts feelings and hurts… like childhood hurts. ‘I want a man like that too, God’ I clearly remember saying out loud. A true softee, emphatic man.❤”

Sinabi nito na si Mikki ang kaniyang answered prayer. 

“He could listen for hours. Just listen and I guess help himself understand why I am how I am (with my topaks and saltiks and all 😁).

“Im so thankful that our top love languages are the same too. Time words touch. Time together. Just talking and being. Over kape. And when words are difficult to hear, there’s touch to help absorb the impact. Pisil pisil kamay pag mahirap sabihin hehehe.”

Hindi pa man daw sila ganoong katagal na naging magkasintahan ngunit tuwing nag-uusap sila ay may lalim ang kanilang napapagkuwentuhan.

“We have only known each other a short while but our conversations have been on topics maybe a lot of long-time couples have not even discussed yet or struggle to open-childhood hurts, insecurities, fears, tendencies, coping mechanisms/escape etc (So we feel weve known each other for sooo long!) Something Ive always admired in Mik from day 1 is how he’d be so bold to lead us to discuss such topics. (Naaaaks. So wise and mature naman this man!) 😍😍😍 Eeeee kilig me hahaha”

Maligaya si Bettinna na nahanap na niya ang taong gusto niyang maging asawa at hinihiling niyang makahanap na rin ang ibang babae ng taong para sa kanila.

“I pray every woman will really be bestfriends with their partners.❤ (Pray for this ladies!!! God hears and heeds!🙏)”

Congratulations, Bettinna and Mikki!

 

Sources: PEP, GMA News

Read more:

Single mom Bettina Carlos opens up about cancer scare in 2016

Single mom Bettina Carlos shares the tantrum-controlling technique that always works for her!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner