X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angel Locsin on Nov. 8: "We were supposed to get married today."

4 min read
Angel Locsin on Nov. 8: "We were supposed to get married today."

Hindi nagbigay ng eksaktong detalye kung kailan ikakasal ang dalawa ngunit ito ay maaaring sa susunod na taon na.

Ngayong buwan na sana ang wedding nina Angel Locsin at Neil Arce ngunit ikinansela muna ito dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa likod nito, hindi pa rin nakalimutang maging positibo ng aktres at ng magiging asawa nito.

Angel Locsin and Neil Arce wedding 2020

Maganda ang pagpasok ng taong 2020 sa aktres na si Angel Locsin at sa film producer boyfriend nitong si Neil Arce dahil sa espesyal na anunsyo nila sa publiko. Kamakailan nga lang, nagbigay ng pasilip ang aktres sa tila ‘engagement photo’ ng dalawa na kinuhaan sa bansang Japan habang sila’y nagbabakasyon noong 2019.

angel locsin and neil arce wedding

Angel Locsin and Neil Arce wedding date | Image from Angel Locsin on Facebook

Sa Instagram post ni Angel Locsin noong Januray 3, kitang-kita ang sweet photo nila na may caption na, “Can’t wait to spend every New Year with you, @neil_arce.”

Mahigit isang taon na rin ang nakakaraan nang inanunsyo ni Angel na siya ay engage na kay Neil. Subalit dahil sa caption at emoji na singsing, nagbigay ito ng pahiwatig sa publiko na ang kasalang Locsin-Arce ay posibleng ngayong taon na ito.

Sunod-sunod din ang mga interview sa aktres tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Confident naman niyang sinasabi na “I’m ready” patungkol sa kaniyang pagpapakasal sa fiancé.

Subalit nito lamang November 8, nag-post ang aktres sa kaniyang Instagram account tungkol sa ‘wedding’ nila na mangyayari sana sa araw din na iyon.

“So, we were supposed to get married today, Nov 8, 2020. How about you guys? Did you have plans this year that got moved?”

-Angel Locsin (@therealangellocsin)

Nanatiling positibo ang aktres kahit na naurong ang kanilang kasalan ni Neil, “Can’t wait a few more months.” dagdag pa niya.

angel locsin and neil arce wedding

Angel Locsin and Neil Arce wedding date | Image from Angel Locsin on Instagram

Agad namang nag-reply si Neil na, “A few more months… Can’t wait to be your husband.”

Hindi nagbigay ng eksaktong detalye kung kailan ikakasal ang dalawa. Ayon sa interview kay Neil, maaaring next year na ito pero nakadepende pa rin sa pandemic.

Naisip nilang gawin na lang sanang intimate wedding ito ngunit marami silang kaibigan. Nais pa nilang maging malaki ang celebration at lahat ay makakapunta. Kaya naman kailangan nilang magplano ulit para na rin sa kaligtasan ng mga dadalo.

BASAHIN:

Heart Evangelista kung bakit hindi pa siya nagkaka-anak: “It’s God’s choice.”

Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

Dimples Romana, niregaluhan ng bagong bahay ang kasambahay niya for 17 years

Lumabas din ang pagiging supportive at mabuting kaibigan ni Dimples Romana kay Angel. Ayon sa kanya, saksi siya sa lovestory ni Angel at Neil kaya naman natutuwa siya sa kanila. Alam din niyang maaalagaan ng husto ni Neil ang kaibigan kaya panatag siya dito.

“Ang saya lang. Ang cute ni Gel eh. Natutuwa ako sa kanya kasi nandoon ako simula noong simula. Kumbaga na-witness ko ‘to. Na-witness ko lahat ng pinagdaaan nila. Alam ko na aalagaan siyang maigi ni Neil. Alam ko na mahal na mahal siya ni Neil, iniingatan siya.”

Nakuwento rin ni Dimples na nahihirapan siyang pumili ng pang-regalo para kay Angel, dahil ayon sa kanya, sobrang simple lang ni Angel at hindi siya mahilig sa mamahalin at magarbong gamit.

“Ang hirap regaluhan ni Gel. Alam mo kung bakit? Sobrang simple niya. Hindi kasi siya mahilig sa magarbong gamit. As you know, nauuna ‘yan magdonate.”

Kilala si Angel Locsin bilang isa sa mga hinahangaang aktres na laging present sa mga volunteer works sa Pilipinas. Napasama pa nga siya sa list ng Forbes’ Asia 2019 Heroes of Philanthropy.

angel locsin and neil arce wedding

Angel Locsin and Neil Arce wedding date | Image from Angel Locsin on Facebook

Wedding ngayong 2020

Sa inilabas na pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dito nila tinalakay ang pagdalo sa mga sagradong seremonya na ginaganap sa mga simbahan ngayong “new normal”.

Ayon sa guidelines, kinakailangang pili lamang ang dadalo sa seremonya. Pasok dito ang bride, groom, magulang ng mga ikakasal at ang mga sponsors nila.

Ang kasal ngayong tao ay magiging simple para mapanatili ang social distancing.

“Due to social distancing, wedding celebrations this year will have to be simpler than usual. We have to forego all of the secondary elements of a normal wedding such as the entourage,”

Ilang mga couple ang naglabas ng saloobin sa naturang guidelines. Ayon sa kanila, binago nito ang nakagawiang magarbong seremonya ng kasal rito sa Pilipinas.

Subalit para kay Father Geronimo Borneos, ‘wag kakalimutan na kinakailangang mas pagtuunan ng pansin ang relasyon ng mag-asawa kaysa sa takbo ng seremonya.

Bukod sa kasal, ganito rin dapat ang sanayin ng mga magulang na ipapa-binyag ang kanilang anak. Kinakailangan na imortanteng tao lamang ang kasali sa sagradong seremonya na ito habang naka-suot ng face mask.

Partner Stories
mWell To Provide Free Doctor Consultation with National mWellness Day August 28 -29
mWell To Provide Free Doctor Consultation with National mWellness Day August 28 -29
#ConquerRedDays and Overcome Anything with Superior #GyneProtection
#ConquerRedDays and Overcome Anything with Superior #GyneProtection
Ignite your celebrations with a spark from Primo!
Ignite your celebrations with a spark from Primo!
Access Travel CEO launched her first book “Meet the World”, inspires people around the globe to be adventurous like kids
Access Travel CEO launched her first book “Meet the World”, inspires people around the globe to be adventurous like kids

 

Source:

UCA News

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Angel Locsin on Nov. 8: "We were supposed to get married today."
Share:
  • Angel Locsin at Neil Arce, ikakasal na nga ba ngayong 2020?

    Angel Locsin at Neil Arce, ikakasal na nga ba ngayong 2020?

  • Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

    Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Angel Locsin at Neil Arce, ikakasal na nga ba ngayong 2020?

    Angel Locsin at Neil Arce, ikakasal na nga ba ngayong 2020?

  • Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

    Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.