Heart Evangelista kung bakit hindi pa siya nagkaka-anak: "[It's] God's choice..."

Heart Evangelista kung bakit hindi pa siya nagkaka-anak: "[It's] God's choice..."

Ayon kay Heart, may baby man o wala, masaya at sobrang blessed na siya sa kaniyang buhay.

Heart Evangelista naging emosyunal matapos sabihin ng isang netizen na kailangan niya ng baby sa buhay niya.

Netizen kay Heart Evangelista: "You need a baby in your life."

Hinahangaan si Heart Evangelista sa online world dahil sa mga nagagandahan niyang porma at style sa pananamit. Nito ngang mga nagdaang araw ay patuloy ang pagpo-post ng aktres ng ilan sa mga OOTD niya sa Instagram. Pero sa isa sa kaniyang mga post imbis na paghanga sa kaniyang suot ay may isang netizen ang masyadong naging personal ang komento sa IG post ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

From Paris, with love. ❤️

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Ayon sa netizen kailangan na daw ng aktres ng baby sa buhay niya.

"You need a baby in your life?..."

Sinagot naman agad ito ng aktres. Ayon kay Heart, ay ang Panginoon lang ang kaniyang kailangan at ang iba ay bonus nalang.

iamhearte

"God is all you need and everything else is a bonus ❤️"

Isang netizen naman ang sumagot sa komentong ito ni Heart na sinabing mukhang kailangang-kailangan niya ng bonus sa ngayon.

"@iamhearte u need a bonus then. Badly. ❤️"

heart evangelista

Sagot at reaksyon ni Heart

Hindi pinalampas ni Heart ang komentong ito na tinawag niyang bitter sweet at inappropriate. Ayon sa aktres ay masyado na siyang blessed para humiling pa ng dagdag na blessing sa Panginoon. Pero kung ibibigay nito ang isang anak sa kaniya ay labis siyang magpapasalamat.

heart evangelista

 

May isang netizen din ang hindi napigilang magkomento sa usapin ng pagkakaroon ng anak ni Heart. Ang punto niya ay hindi madali ang pinagdaan nitong miscarriage tulad ng naranasan niya.

heart evangelista

Ang komento na ito ng netizen ay ang nagtulak kay Heart para mailabas ang tunay niyang nararamdaman. Ito ay ang tungkol sa kaniyang naging miscarriage noong 2018 na tinawag niyang most traumatizing feeling. Isang karanasan na nagpaisip sa kaniya na kung isa ba siyang mabuting tao o hindi.

Heart Evangelista on having a bay and suffering a miscarriage

"Having a miscarriage is the most traumatizing feeling. I carried my twins 4 months after because my doctor wanted me to naturally go through the process. It was the most horrible feeling thinking maybe God can bring them back to me . Or me thinking am I not a good person for this to happen"

Pagbabahagi pa ng aktres, ang pagkakaroon ng baby ay isang bagay na nagturo sa kaniya na maari kang magmahal ng isang tao kahit hindi mo pa ito nakikita. Sa katunayan nga sa sobra niyang excited na pagkakaroon ng anak, sa pagsisimula pa lang ng kaniyang pagbubuntis ay nakabili na ito ng mga gamit ng kaniyang ipinagbubuntis na twins. Mayroon na ring room ang mga ito at naisipan niya ng mga pangalan.

"Having babies is for sure a blessing or just actually being able to feel that you can love someone even if you haven’t met them. I had a stroller, a baby room and a name. My babies already had a life prepared for them."

Mahirap ang kaniyang pinagdaanan. Pero tinanggap ito ng aktres at naniniwala siya na ipagkakaloob ito ng Diyos sa tamang oras.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Heart: "Baby or not I am very happy with my life."

Positibo man ang kaniyang pananaw tungkol sa usaping ito, hindi umano mapapalampas ng aktres ang nakakasakit na komentong wala namang kinalaman sa naging IG post niya. Pero may baby man o wala, ayon kay Heart ay masaya siya sa buhay niya. Dahil may mapagmahal siyang pamilya at solid na relasyon sa Panginoon.

"Now me trying after a year or so is my choice but me not having a baby as of the moment is Gods choice and I wouldn’t want to question that - now coming to my ig and posting a comment on a pic that has nothing to do with that is hurtful. To even ask or shove it down my throat is unthinkable or doesn’t say much about you as a woman. Is it because people like to hurt others nowadays just to make their lives seem better? Baby or not I am very happy with my life. I have a loving family, a HOME. A solid relationship with God. Contentment is what I have and that my dear is hard to achieve. ✔️?"

heart evangelista

Reaksyon ng mga netizens

Ang hirit na ito ni Heart ay sinuportahan naman ng iba pang mga netizens. Ang iba nga ay naka-relate pa dahil tulad ni Heart ay nakunan rin sila noong nagbubuntis.

“Very well said. Your home is complete when you have God in your relationship - with or without kids. I had a miscarriage too and had to wait until the baby is due to go out. I feel you.? More blessings to you!”

“God will provide someday. Nakikinig ang Diyos sa atin at pag alam nyang handa na tayo dun nya ibibigay. I hope one day mag heal na yung pain from your miscarriage alam ko hindi madali pero mapagtatagumpayan basta may Diyos sa buhay mo. ?

“I understand what you're going through heart. Had a miscarriage too a could of years ago and we've been trying again to have a baby since then. We can only hope but it's all in God's perfect time. ?❤️”

“You are so brave and amazing, heart. God has plans for you in his own time. Please don’t let other people’s words get into you. It baffles me that people take time to go to your IG to say nasty things. ??‍♀️”

“thank you for that words. I did feel like I am a sinner or I have a bad karma because I got my miscarriage. But ur words give me strength. God bless u and ur fam ❤️”

Heart Evangelista miscarriage

May 2018 ng ipaalam sa publiko ni Heart na siya ay buntis. Ayon sa 1st ultrasound ay twins sana ang magiging anak ng aktres at asawang si Chiz Escudero. Ngunit maaga palang sa kaniyang pagbubuntis ay agad ng bumitaw ang isa sa mga kambal. At ilang linggo matapos ang kaniyang pag-aanunsiyo ay tuluyan naring nakunan si Heart sa isa pa sa mga ito. Isang bagay na labis na ikinalungkot ng aktres.

Photo:

Instagram

BASAHIN:
Aicelle Santos, ibinagi ang maternity photos plus gender reveal ng kaniyang baby

LOOK: Giselle Sanchez at asawang si Emil Buencamino, nagdiwang ng 20th anniversary

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner