Aicelle Santos, ibinagi ang maternity photos plus gender reveal ng kaniyang baby

Aicelle Santos, ibinagi ang maternity photos plus gender reveal ng kaniyang baby

Blooming at bakas sa mukha ni Aicelle Santos at Mark Zambrano sa pagdating ng kanilang first baby na si Baby Z sa ibinahagi nilang maternity shoot sa kanilang social media account.

Blooming ang soon to be mommy na si Aicelle Santos sa ibinahagi niyang maternity photoshoot kasama ang kaniyang asawa na si Mark Zambrano. Ibinahagi ang mga larawang ito sa kaniyang Instagram account.

aicelle santos

Larawan mula sa Facebook post ng Nice Print Photography & Exige Weddings

Sa kahiwalay na post ibinahagi rin ng Nice Print Photography & Exige Weddings sa kanilang Facebook post; ang blooming at much in love na mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano sa maternity photo shoot ng dalawa. Halatang-halata sa mukha sa soon to be parents na excited na excited na sila sa pagdating ng kanilang first baby.

Sinabi ni Aicelle Santos sa caption sa kaniyang post na ibang saya ang kaniyang nadarama sa pagdala ng kaniyang anak sa sinapupunan.

aicelle santos

Blooming Aicelle Santos in her maternity shoot. | Larawan mula sa Instagram account ni Aicelle Santos

“Oh the joy of carrying you inside me, anak!🤰👶💓 #amazinggrace #8mos.”

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa kaniya sa pagsasawa ng kaniyang maternity shoot. Hunyo nitong taon nang inanunsyo ng singer at new anchor na sila’y magkakaanak na. Marami ang natuwa sa balitang ito. Blessing umano agad sa kanila ito dahil kakasal pa lamang nila noong November 2019.

Nagsimula ang love story ng dalawa ng mag-send ng personal message ang news anchor ng GMA 7 na si Mark Zambrano kay Aicelle noong 2016. Hindi niya pa noon kilala si Mark Zambrano at hindi niya pa alam na isa itong GMA 7 news anchor. Fan na umano talaga si Mark ni Aicelle, sabi pa nga niya sa isang panayam ay “gandang-ganda” talaga siya sa singer na si Aicelle.

Sa unang date nga nilang dalawa hindi nila inasahan ang matinding connection na naramdaman nila sa isa’t isa. Taong 2018 nga ay inaya nang magpakasal ni Mark si Aicelle at 2019 ng sila’y nagpakasal at ngayon nga ay sasalubungin na nila ang kanilang unang anak na pinangalanan nilang Zandrine Anne.

Gender reveal ng baby ni Aicelle Santos at Mark Zambrano

Sa isang post ni Mark Zambrano, ibinahagi niya na magkakaroon na sila ng baby girl ni Aicelle Santos.

Maraming nagpaabot nang pagbati sa dalawa. Isa na rito si Lani Misalucha na nag-comment ng heart emoticon sa post ni Mark. Narito pa ang ilang comments at pagbati ng mga celeb.

“Congrats brother!!! 🙌🏻🙌🏻🙌🏻” – Mark Herras.

“Yahoooo Congratulations 🎉🎊” – Raffy Tima.

Online baby shower para kay Aicelle

Nagsawa rin ang dalawa ng online baby shower para kay Zandrine Anne. Dinaluhan ito ng kanilang mga kaibigan, pamilya at katrabaho sa kani-kanilang industriya na kinabibilangan. Bigatin ang mga dumali sa online baby shower ni Aicelle Santos. Isa na sa mga kasama ay sina Pops Fernandez, Lea Salonga, Regine Velasquez, Jed Madela, Christian Bautista, Raffy Tima, Mariz umali at iba pa.

aicelle santos

Online baby shower for Baby Z! | Larawan mula sa Instagram account ni Mark Zambrano

Kahit umano pandemic ay nagpapasalamat si Mark Zambrano dahil naging matagumpay ang online baby shower ng kanilang anak kahit sa gitna ng pandemic. Sa ngayon nasa ika-32 weeks na si Aicelle sa kaniyang ipinagbubuntis kaya malapit na talagang makita nina Aicelle at Mark ang kanilang Baby Z.

Kaya naman para kay soon to be mommy Aicelle Santos, have a safe and successful delivery at goodluck sa bagong niyong journey ni Mark Zambrano as parents sa inyong unang anak na si Baby Z!

 

Source:

Instagram, Facebook

 

BASAHIN: 

LOOK: Juday and Ryan’s daughter Yohan, nag-celebrate ng 16th birthday

LOOK: First birthday ng anak ni Sofia Andres pinaghahandaan na!

Ryza Cenon: “As a first-time mom minsan nakaka-frustrate ‘yung wala ka pang maibigay na gatas.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner