Inamin ng aktres na si Ryza Cenon na bilang isang first-time mom ay nahihirapan siyang magpa-suso ng anak niya. Isang bagay umano na nakakapag-frustrate sa kaniya. Lalo pa’t gusto niya talagang pasusuin ang anak niyang si Baby Night.
Image from Ryza Cenon’s Instagram account
Ryza Cenon as a first-time mom
“As a first time mom minsan nakaka frustrate yung wala ka pang maibigay na gatas, kahit gusto mo mag pabreast feeding kay Baby Night.”
Ito ang pahayag ni Ryza sa kaniyang Instagram account. Pero buti na nga lang daw at to the rescue ang kaibigan niyang si Chariz Solomon na binibigyan siya ng breastmilk na maipapadede sa anak niya. Isang bagay na labis na pinasasalamatan ni Ryza.
Pagpapasalamat ni Ryza sa kaibigang si Chariz Solomon
“Buti nalang andyan si @chariz_solomon para matulungan ako sa breast milk. Super thank you missy!!! 🥺❤️”
Ito ang pahayag pa ni Ryza.
Image from Ryza Cenon’s Instagram account
Reaksyon at tips ng mga netizens kay Ryza Cenon
Pinalakas naman ng mga mommy fans at followers ng aktres ang kaniyang loob. Nagbahagi rin sila ng tips kung paano lalakas ang supply ng breastmilk niya.
“Unli malunggay po 😍 eventually dadame din yan 💖”
“Ok lang yan mamsh. maliit pa ang stomach ni baby. Unli latch lang po… 💖”
“Yes. Its natural po after giving birth wala pa po milk na lalabas.”
“Pa hilot mo po likod mo pataas..tas and sabaw na may malunggay.”
“Its normal for few days wala tlagang milk like what happened to me, kasi di pa alam ni baby pano mag latch so u have to keep offering him kahit feeling mo walang millk. Sobrang mahina pa sila sumipsip kya hindi sya lumalabas gaano. Kaylangan i-latch pa din pra ma exercise yung breast nerve to help lumabas yung milk natin. Enjoy motherhood❤️”
“Do not be discouraged, momshie. Pa latch lang lagi, drink plenty of fluids, and malunggay. 😍”
Pagpapasuso ng mga first time moms
Inirerekumenda na eksklusibong pasususuin ang isang bagong panganak na sanggol hanggang sa ito ay umabot sa ika-anim na buwan. Dahil sa ang gatas ng ina ay nagtataglay ng mga nutrients na mahalaga sa resistensya niya. Partikular na ang colostrum na sinasabing important source ng antibodies na proteksyon ni baby laban sa mga sakit.
Photo by Jonathan Borba from Pexels
Benepisyo ng pagpapasuso para sa mga babae
Ang pagpapasuso para sa mga bagong panganak na ina ay may naibibigay ring benepisyo sa kaniya. Tulad ng nakakatulong ito na maibalik agad sa dating hugis ang uterus at iniibsan ang pagdurugo na dulot ng panganganak. Ayon din sa mga pag-aaral ay nakakatulong din ang pagpapasuso upang agad na maibalik ng bagong silang na ina ang dati niyang timbang. Dahil sa kada pagpapasuso umano’y kayang mag-burn ng hanggang sa 500 extra calories sa katawan. Nakakatulong din ang pagpapasuso na maiwasan ang pagkakaroon ng postpartum depression, breast at ovarian cancer ng isang babae. Dine-delay rin nito ang pagbabalik ng monthly period ng isang babae at pinaniniwalaang isang uri ng natural birth control method.
Sa pagpapasuso ay nakakatipid din ang isang bagong silang na ina kaysa bumili pa ng formula milk na ipapasuso sa anak niya.
Ngunit hindi lahat ng ina ay may kakayahang agad na magpasuso ng kanilang baby. Dahil may ibang mommies ang nakakaranas ng problema sa pagpapasuso tulad ng mahinang breastmilk supply. Ang tagpong ito ay madalas na nararanasan ng mga first time moms. Ngunit ito naman ay masosolusyonan at maibibigay rin ni Mommy ang liquid gold o breastmilk na kailangan ng baby niya. Magagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
Tips kung paano lalakas ang breastmilk supply ng isang first-time mom
- Agad na pasusuin si baby sa unang oras na ito ay maipanganak. Sa pamamagitan nito ay nagko-contract ang uterus na nakakatulong upang mag-produce ng colostrum ang katawan ng bagong panganak na ina.
- Humingi ng tulong sa isang nurse o lactation consultant upang magabayan sa tamang pagpapasuso sa iyong baby. Lalo na kung masakit para sa ‘yo na pinapasuso si baby. Palantandaan kasi ito na mali ang pagla-latch ni baby o mali ang iyong posisyon ng pagpapasuso.
- Uminom ng maraming tubig o masasabaw na pagkain. Makakatulong ito upang madagdagan ang supply ng iyong gatas.
People photo created by cookie_studio – www.freepik.com
- Pasusuin si baby ng 8-12 beses sa loob ng 24 oras. Bantayan din ang kaniyang mga hunger signals o palatandaan na siya ay sususo na. Ang mga ito ay ang paglinga-linga na tila hinahanap ang iyong suso. Paglalagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bunganga at ang tila pagiging mas alert niya.
- Huwag na munang padedehin si baby sa bote o gamit ang pacifier. Ito’y para hindi siya malito sa hugis ng nipple mo at ng tsupon na maaaring maging balakid sa maayos na pagpapasuso.
- Gumamit o magsuot ng mga well-fitting nursing bra. Alisin ang hook nito sa tuwing magpapasuso. Ito’y para maayos na makadaloy ang breastmilk mo.
- Magpapasuso sa kalmadong lugar.
Mga pagkaing dapat iwasan ng mga nagpapasusong ina
- Iwasan din kumain ng mga pagkaing maaring makaapekto sa iyong breastmilk supply. Tulad ng chocolates at kape na maaaring makaapekto sa milk production. Ito rin ay nagtataglay ng caffeine na maaring masuso ni baby at makaapekto sa pagtulog niya. Ang mga maanghang na pagkain ay hindi rin inirerekumenda sa mga nagpapasusong ina. Dahil sa ito ay maaring magdulot ng gas o kabag kay baby. Dapat ding iwasang kumain ng maasim na pagkain na maaring makasama sa kaniyang. Ipinapayo ring tumigil muna sa pag-inom ng alak at paninigarilyo habang nagpapasuso.
Source:
Healthy Women, Healthline
Photo:
Instagram
BASAHIN:
FIRST LOOK: Ryza Cenon, ipinanganak na ang kaniyang first baby!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!