LOOK: Juday and Ryan's daughter Yohan, nag-celebrate ng 16th birthday

LOOK: Juday and Ryan's daughter Yohan, nag-celebrate ng 16th birthday

Kay bilis ng panahon! Adopted child ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan 16 years old na! Tingnan dito ang nakakaiyak na surprise celebration ng birthday ni Yohan.

Yohan Agoncillo, ganap ng 16-anyos. Si Yohan naging emosyunal sa kaniyang birthday matapos sopresahin ng kaniyang mga magulang na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

yohan agoncillo

Image screenshot from Judy Ann Santos-Agoncillo Instagram account

Yohan Agoncillo 16th birthday

Hindi naging dahilan ang COVID-19 pandemic para mapigilan ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo upang i-celebrate ang birthday ng kanilang panganay na anak na si Yohan. Sa pamamagitan ng isang virtual birthday celebration ay matagumpay nila itong naisagawa na pinasalamatan ng sobra ni Yohan.

Sa mga larawan ngang ibinahagi ng aktres na si Judy Ann sa kaniyang Instagram account ay makikitang naging emosyonal si Yohan sa kaniyang 16th birthday celebration. Dahil hindi niya inakala na isasagawa ito ng kaniyang mga magulang at dadaluhan ng kaniyang mga closest friends.

yohan agoncillo

Ang post na ito ni Juday ay may kalakip na mensahe sa kaniyang panganay na anak na si Yohan. Ayon sa aktres hindi siya makapaniwala na napakabilis ng panahon. Kung maaari nga lang umano'y maibalik ang mga panahon na maliit pa si Yohan na kung saan ito ang kaniyang naging source ng kaligayahan.

Mensahe ni Juday para kay Yohan

“Happy sixteenth baby love. Oh, how I wish I could still cuddle you from the first day I fell in love with you. You have grown so fast! So fast, that I want to turn back time to the day that you were so inlove with a mascot and would bring me and daddy so much joy just watching you so happy!”

Ngunit kahit ngayon ay 16-anyos na ito, ani Juday mananatili itong kaniyang baby girl. Naniniwala siya na sila'y para sa isa’t-isa.

“You will always be my first love sweetheart. You are one of God’s greatest blessing and will forever be mommy and daddy’s baby girl! We love you so much sweetie pie. I know, in my heart that we were meant to be... #yohan16. Thank you to everyone who made our baby girls bday extra special!”

Sa isa mga video na kalakip din ng Instagram post na ito ni Juday ay maririnig si Yohan na nagpapasalamat sa kaniyang mga magulang.

“Thank you for everything. There’s more pero my tears are showing everything already.”

Na-touch naman ang aktres sa mensahe na ito ni Yohan na sinagot nila ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo ng masisiil na halik.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

Pagdating ni Yohan sa buhay ni Juday at asawang si Ryan Agoncillo

yohan agoncillo

 

Si Yohan ay ang adopted child ni Judy Ann Santos na dumating sa kaniyang buhay noong siya ay 26-anyos pa lamang. Ayon sa kaniyang kuwento sa isang panayam, si Yohan ay isang blessing na ipinagdasal niya sa Diyos.

“When I was younger 20, 21 sadsad ako sa trabaho nyan. All of a sudden, I had this hope na at 26 I hope I'll have a baby. 26 because probably I wanted my child to grow-up with me. Every birthday 'yun 'yung wish ko, Lord prepare me when I am 26. Regardless kung mabuntis ako or maanakan ako. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng tao.”

Matapos nga umano ng kaniyang 26th birthday ay dumating sa buhay niya si Yohan na sobra niyang ikinatuwa.

“After my birthday, 26, I was taping for Krystala, pilot episode. I fully remember. My mom called, “Anak, may manganganak, ino-offer sa ‘yo, gusto mo?” Nung nag-okay ako, na-realize ko na hindi ako nag-isip, hindi ako kinabahan, pero excited ako. So sabi ko "Sige, Ma."

“That same day may baklas ako ng location sa department store sa baby section. So parang ito na ba talaga 'to Lord? Pag-uwi ko nanay na ako.”

“That's why I always tell Yohan, hindi mo alam kung paano nakikinig ang Diyos. Kapag alam niyang ready ka na, ibibigay niya.”

 

View this post on Instagram

 

Sweet 16❤️ #dalaganasibuding

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Juday ng dumating si Yohan

Sa isang hiwalay pang panayam ay ibinahagi ng aktres ang naging malaking pagbabago sa buhay niya ng pagdating ni Yohan.

"It changed my whole being. It changed my life. I wasn’t prepared. Naramdaman ko na lang na okay, go. Pag-uwi ko, nanay na ako. It changed my whole being, my lifestyle, everything."

Mula noon ay kay Yohan na umikot ang buhay niya. Noong ikinasal nga sila ng kaniyang mister na si Ryan Agoncillo ay legal nila itong inampon. Dito na nagsimula ang pagbuo ng kanilang pamilya na ayon parin kay Juday ay dahil lahat kay Yohan.

“We made her realize na Ryan and me started a family because of you. Basically, ikaw yung mitsa ng kandila ng pamilya natin. Her name is Johanna Louise, Lucho’s name is Juan Luis, Luna’s name is Juana Luisa, all named after you.”

“You came first, so always remember, hindi ka basta saling-kitkit dito. You started this family.”

Ito ang pahayag pa ni Juday sa isang panayam tungkol sa anak na si Yohan Agoncillo.

Si Yohan ang panganay ng anak nila Juday at Ryan na sinunandan nila Lucho (10-anyos) at Luna (4-anyos).

Source:

ABS-CBN Push, ABS-CBN Entertainment

Photo:

Instagram

BASAHIN:

Judy Ann Santos on Yohan: “Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family”

Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna healthy and happy!

Ryan Agoncillo ikinuwento kung paano nakilala ang misis na si Judy Ann

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner