Ryan Agoncillo ikinuwento kung paano nakilala ang misis na si Judy Ann

Ryan Agoncillo ikinuwento kung paano nakilala ang misis na si Judy Ann

Isa ang love story nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa nagpahanga sa atin at nagpaniwala sa magic ng true love. Ngunit paano nga ba sila nagkakilala?

Isa ang love story nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa nagpahanga sa atin at nagpaniwala sa magic ng true love. Bago ang kanilang 11th anniversary, nagbahagi si Ryan kung paano niya nakilala si Juday at paano nagsimula ang kanilang love story.

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos love story

Ikinasal ang Eat Bulaga host na si Ryan Agoncillo at aktres na si Judy Ann Santos noong April 28, 2009. Sa ngayon, mayroon na silang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Isang araw bago ang kanilang 11th anniversary, nag post si Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram ng isang nostalgic moment nila ng kanyang asawang si Judy Ann Santos. Dito niya ibinahagi ang una nilang pagkikita.

“These photos were taken on the same afternoon by your tito raymund back in 2001. It was early in the afternoon and work finished early that day.”

Pagsisimula ng Eat Bulaga host sa kanyang caption na may #storiesforlucho para sa kanyang IG series. Ang Instagram series na #storiesforlucho ay ginawa ng mag-asawa para sa kanilang family memories. Ito rin ay para makwento nila sa kanilang tatlong anak.

ryan-agoncillo-and-judy-ann-santos-love-story

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos love story | Image from Ryan Agoncillo

Ayon kay Ryan, hindi niya maalala kung saan siya pumunta pero alam niyang hindi naman siya nagmamadali ng mga oras na ‘yon. Nag-ayos na siya ng mga gamit at nagpalit rin ng damit.

“I don’t remember where exactly i was headed after. But for sure though, i was in no particular hurry. Changing back to the clothes i wore on the way to the studio, taking my time gathering my backpack and gear.”

Pagkatapos niyang mag-ayos, pinapasok siya ng photographer para kumuha ng ilang test shots para sa susunod ng photoshoot.

“The photographer invites me back in, to sit and take a few test shots with the set up for the next photo shoot.”

Sa pagkakataong ito, nakita niya si Judy Ann sa pinakadulo ng studio habang inaayusan.

“I saw her being made up, in the far end of the studio. I stopped, waved, and then, i said, HI!”

Dagdag pa ni Ryan, matapos niyang batiin si Juday, dito niya narealized na hindi nga pala sila magkakilala. Kaya naman ngumiti na lang siya at tumakbo.

“The moment the word left my lips, our eyes locked in the mirror. [email protected], Di Nga pala Kami magkakilala! I smiled, and ran to the nearest exit. That is how i met your mother, bud. #storiesforlucho

–Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) April 27, 2020

ryan-agoncillo-and-judy-ann-santos-love-story

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos love story | Image from Ryan Agoncillo

Sa isang entry pa ni Ryan Agoncillo, nakwento pa nito kung paano niya nalaman na ang kanyang asawang si Judy Ann ay ang ‘The one’
Sa kwento ng host, noong mga panahong nagkikita pa lang sila ni Judy Ann para lumabas, makikita mo na kung gaano sila kasimple. Sinusundo niya si Juday pagkatapos ng taping atsaka sasakay ng motor kahit nagbabadya na ang ulan.

“I’d pick her up from 1 of her movie sets, we’d ride a motorcycle thru fog and a thunderstorm just to hang. Not every girl would’ve liked it, Mom just giggled thru shivers, while we were sipping gas station coffees, soaked to the socks in the middle of nowhere.”

May mga pagkakataon din na tumutulong ito sa kanyang photoshoot katulad ng pag-adjust ng lights at iba pa.

“I turned to face my editor and her mouth was just wide open. Her jaw, we had to scrape off the floor. Apparently, her team had been trying to book her for a cover shoot for months already, and there she was, on a random morning fixing lights for the part time photographer.”

Kagaya ng ibang couple, dumaan rin sila sa mga pagsubok. Ayon sa kwento ni Ryan, may isang pagkakataon na gusto munang magpalipas ng mga araw ni Judy Ann para ipahinga ang isip. Kaya naman pumunta sila sa kanilang mga magulang at doon pansamantalang  nag pahinga.

ryan-agoncillo-and-judy-ann-santos-love-story

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos love story | Image from Ryan Agoncillo

“There wasn’t much, just a big mattress on the floor. A noisy A/C and a wonky CD player you had to whack to get thru old DMB records. I slept in my parents room, as I usually do when I’m home for the weekends.”

Kinabukasan, dito niya natanong si Judy Ann kung okay lang ba siya sa ganitong sitwasyon kasama si Ryan na mag-isa at tahimik. Ang tanging response lamang ni Juday ay ngumiti sa kanya at bumalik sa pagkakatulog. Dito niya nalamang siya na si “The one”

“There wasn’t much talk, but I do remember asking her with a sideways glance, “you cool with this?” she said “with what?” “this. this is how quiet and boring it gets with me too.” She just sipped the frap, smiled, and went back to her nap. That’s when I knew Bud. #storiesforlucho

–Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) May 31, 2019

 

 

BASAHIN: Judy Ann Santos on Yohan: “Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner