X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

7 min read
Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

Narito ang ligtas at tamang paraan ng paggupit ng kuko ng sanggol.

Paggupit ng kuko ng sanggol, kailan ba dapat gawin? Narito ang sagot. Pati na ang mga tips upang magawa ng tama ang unang gupit ng kuko ni baby.

Bakit masamang gupitan ang kuko ng baby sa gabi?

Ang mga sanggol ay ipinapanganak ng may mahahabang kuko. Madalas ay nagiging alalahanin ito sa mga magulang lalo pa’t hindi pa nila nakokontrol ang kanilang kamay. Ito ay maaaring maging dahilan na makalmot nila ang kanilang mukha o kaya naman ay masundot ang kanilang mga mata.

Pero pagdating sa paggugupit ng kuko may pamahiin na ipinapaalala lagi sa atin ang matatanda. Ito ay ang huwag maggupit ng kuko sa gabi bagamat ito ay hindi nila binibigyan ng maayos na paliwanag kung bakit.

Ayon kay Dr. Jennifer Tiglao, pediatrician mula Makati Medical Center, walang medikal na eskplanasyon kung bakit bawal na maggupit ng kuko ng gabi lalo na sa mga baby. Pero payo niya, kung magugupit ng kuko ni baby ay mas mabuting gawin ito kapag tulog siya. Ito ang paliwanag ni Dr. Tiglao kung bakit.

“Walang medical explanation kung kailan gugupitan, let us say morning or night. I think anytime of the day naman puwede siyang gupitan. Basta si baby mas mabuti kung tulog kasi mahirap gupitan iyan kapag gising. So siguro kaya sinasabing bawal gupitan sa gabi siguro logic dahil madilim mahirap mag-gupit. Kaya dapat may araw o may enough lighting.”

Ito ang pahayag ni Dr. Tiglao.

Paggupit ng kuko ng sanggol, kailan ba dapat gawin?

Paggupit Ng Kuko Ng Sanggol

Image from Freepik

Ayon parin kay Dr. Tiglao, pagdating naman sa kung kailan ba dapat gupitan ang kuko ni baby, wala naman umanong tamang edad na dapat sundin.

Bagama’t payo ng ilang doktor, mas mainam na sa mga unang linggo ng sanggol ay iwasan munang putulan ang kaniyang kuko. Sa halip ay gumamit ng nail file o emery board upang i-trim ito.

Ito ay dahil ang kanilang kuko ay malambot pa at mataas ang tiyansa na magupit pati na ang kanilang malambot pa ring balat. Pahayag pa rin ni Dr. Tiglao, nagiging ganap na matigas umano ang kuko ng mga sanggol sa oras na sila’y isang buwan na. Ang panahon kung kailan madali ng gupitin ang kuko nila.

Pero kung siya ang tatanungin mas mabuting gupitin agad ang kuko ni baby para hindi na siya mag-mittens pa. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

Paliwanag ni Dr.Tiglao,

“Pagdating naman sa kung kailan dapat gupitan ang kuko, wala namang right age ano. Pero usually at 1 month doon na hard iyong nail bits, doon mas madaling gupitin. But the thing is ako kapag binabalik sakin iyong baby at naka-mittens, ipinapatanggal ko ang mittens at sinasabi ko puwedeng gupitan. Kasi natatakot ka baka makalmot iyong mukha, matusok iyong mata kaya sinasabi ko gupitan na. Kung may nail file puwede naman iyon kasi may mga baby nail file and baby cutters. Kasi kapag walang mittens mas maganda kasi nahahawakan niya iyong mga nasa paligid niya. It is part of the touch therapy.” “Kasi iyong mga newborns wala pa iyang nakikita, puro light lang so nakakatulong na nakakapa nila iyong nasa paligid nila. Kaya importante na nakakapag-explore iyong kamay niya for for EQ emotional development at IQ o intellectual development kasi natuto siya paligid niya kung nararamdaman niya iyon.”

Tips upang magawa ng tama ang unang gupit ng kuko ni baby

Ayon parin kay Dr. Tiglao, wala namang masamang sumunod sa paniniwala o pamahiin hanggat ito ay hindi nakakasakit o naglalagay ng panganib sa sanggol.

Pagdating sa unang paggupit ng kuko ni baby  ay nakadepende parin ito sa ating mga  magulang. Basta’t ito ay gagawin natin na may pag-iingat. Lalo pa’t ang kuko ng mga sanggol ay mabilis humaba at kailangang putulan ng higit sa isang beses sa isang linggo.

Para nga magawa ng tama ang paggupit ng kuko ng sanggol ay narito ang mga paraan at tips na dapat tandaan.

1. Gumamit ng tamang tool sa paggupit ng kuko ng sanggol.

Muli ipinapayo ng mga doktor na imbis na gupitan ay i-trim lang ang mga kuko ni baby gamit ang nail file o emery board sa kaniyang mga unang linggo.

Ngunit kung mas komportableng gupitan ang kuko ni baby ay dapat gumamit ng nail clippers o nail scissors na idinisenyo para sa mga sanggol.

Ito ay dahil sukat ito sa maliliit pa niyang kuko at nababawasan nito ang tiyansa na magupit mo ang kaniyang daliri o balat. Bagamat ito ay nakadepende parin sa iyong pag-iingat.

Paggupit Ng Kuko Ng Sanggol

Image from Freepik

2. Gupitan ang kuko ni baby sa maliwanag na parte ng inyong bahay.

Mahalaga ito upang makita ng mas maayos ang maliliit na kuko ng sanggol. Upang maiwasan din na aksidenteng magupit ang kaniyang balat imbis na ang kaniyang kuko.

3. Humanap ng taong mag-a-assist sa iyo.

Para makasiguradong magugupit mo ng maayos ang kuko ni baby ay gawin ito sa tulong ng iyong asawa o mister. O kaya naman kahit sino mula sa inyong pamilya o tahanan na maaaring maghawak o magkontrol sa galaw ni baby habang ginugupitan mo ang kuko niya.

Makakatulong din na panatilihing warm ang pakiramdam ni baby upang hindi siya matakot sa clippers o paggupit ng mga kuko niya.

4. Sa pagugupit ng kuko ng sanggol ay pisilin ang kaniyang finger pad palayo.

Gawin ito upang makasigurado na aangat ang kuko ni baby at ito lang ang magugupit mo at hindi ang kaniyang balat.

5. Maging kalmado sa unang gupit ng kuko ni baby.

Bagama’t nakakanerbiyos talaga ang paggupit ng kuko ni baby, kailangang maging kalmado sa paggawa nito. Ito ay upang magawa ito ng tama at ligtas para sa iyong sanggol.

6. Mas mabuting gupitan ang kuko ni baby kapag siya ay tulog.

Sapagkat kapag siya ay tulog ay hindi mo na kailangan pang alalahanin ang mga unpredictable movements niya. Magugupit mo ng tama ang mga kuko niya na mas madali para sa inyong dalawa.

7. Gumamit ng distractions kung gising si baby.

Kung gising naman si baby ay aliw-aliwin siya habang ginugupitan ang kuko niya. Ito ay maaring sa pamamagitan ng pagkanta sa kaniya. O kaya naman ay sa pamamagitan ng isang laruan na kukuha ng atensyon niya.

Paggupit Ng Kuko Ng Sanggol

Image from Freepik

8. I-trim o gupitan ang kuko ni baby sa paa ng deretso o straight.

Para sa mga kuko ni baby sa paa, dapat ay gupitan ito ng deretso. Hindi tulad ng mga kuko sa daliri ng kamay na dapat gupitan ng pa-curve. Ito upang maiwasan na magkaroon ng ingrown nails si baby sa kaniyang mga paa.

Partner Stories
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

9. Huwag mag-panic kung aksidente magupit ang balat ni baby.

Sa oras na aksidenteng magupit ang balat ni baby ay manatiling kalmado at huwag mag-panic. Lagyan lang ng pressure ang nagupit na balat ni baby gamit ang malambot na tela upang mahinto ang pagdurugo.

Iwasang lagyan ng bandage ang sugat ni baby dahil ito ay maari niyang maisubo at magdulot ng choking na lubhang delikado.

Kung ang nagupit na balat o daliri ni baby ay namula at namaga ay mas mabuting dalhin siya sa doktor. Ito ay upang malaman ang tama at dapat mong gawin upang malunasan ito.

10. Purihin si baby matapos ang maayos na paggupit sa kaniyang kuko.

Upang maging kaaya-aya at mag-iwan ng positibong alaala ang paggupit ng kuko ng sanggol ay purihin siya sa tuwing matapos itong gawin.

Sa ganitong paraan ay makikita niyang ikaw ay natutuwa na maayos itong nagawa at malaki ang tiyansang mas magiging cooperative siya sa susunod na gawin ulit ito.

 

Bounty.com, Madeof.com, Kid’s Health

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?
Share:
  • 10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko

    10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko

  • Mayroon bang epekto sa kalusugan ang pagkagat ng kuko?

    Mayroon bang epekto sa kalusugan ang pagkagat ng kuko?

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko

    10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko

  • Mayroon bang epekto sa kalusugan ang pagkagat ng kuko?

    Mayroon bang epekto sa kalusugan ang pagkagat ng kuko?

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.